Gianna's POV
Nagulat ako ng biglang lumabas si Elijah galing sa may Library kung saan sila nag uusap ni Dylan agad ko naman s'yang nilapitan. ''Tapos na nga ang usapan n'yo?'' nagtatakang tanong ko.
Tumango naman saakin si Elijah. ''Oo. Bakit ka nandito?''takang tanong n'ya saakin. ''Balak mo bang makinig sa usapan namin?'' napa mewang naman ako sa harap ni Elijah dahil sa sinabi n'ya.
''Hindi ah. Curious lang ako.'' Palusot ko at agad ng umalis sa harapan n'ya. Sympre naman gusto kong makinig paano na lang kung siraan ako ni Dylan sa harap ni Elijah?
O baka naman aminin ni Dylan na mag kakilala kaming dalawa at 'yung pangloloko n'ya saakin noon. ''Ano naman iniisip mo ah?'' tanong ni Elijah saakin lumingon naman ako sa kanya.
''Ayaw ba ako ng pinsan mo?'' natahimik s'ya saglit sa tanong ko.
''Follow me.'' Utos ni Elijah at tumalikod. Sinundan ko naman s'ya at napunta kami sa may maliit na bahay kubo.
''Anong gagawin natin dito?'' tanong ko sa kanya ngumisi naman s'ya.
''Mag me-make out.'' Agad ko naman s'yang hinampas ng malakas sa braso n'ya. ''Joke lang Gianna. Ano kaba naman.'' Natatawang sabi ni Elijah at umupo na sa may sahid ng bahay kubo.
Kahit na medyo mataas na ang sikat ng araw ay hindi naman masakit sa balat dahil malakas ang simoy ng hangin namamangha pa nga ako habang pinag mamasdan ang kulay emerald na dagat.
''You know what Gianna.'' Pagbabasag ni Elijah sa katahimikan. Agad naman akong tumingin sa kanya at naka tingin lang 'din s'ya sa dagat.
YOU ARE READING
TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)
RomanceThe Bachelor Series #6 : Dylan Connor De Cordova. Started: April 10,2016 Ended: Jul 12,2016