35.

19.7K 314 27
                                    

Gianna's POV


Naka pangalumbaba ako habang naka tingin lang sa mga taong busy na nakikipag kwentuhan at umiinom ng kape sa shop ko. Nawala lang ang focus ko sa kanila ng biglang may invitation sa harap ko.





''Para saan 'yan?'' nagtatakang tanong ko ng Makita ko si Sabrina na hawak 'yon.





''Punta tayo! Para sa lahat ng mga single ang party na 'to!'' masayang sabi n'ya at pinaka zoom in pa sa harapan ko ang invitation letter.





Agad ko naman kinuha sa kanya 'yon at binasa ang laman ko. Pero agad 'din akong napasimangot habang binabasa 'yon. ''Ayokong pumunta.'' Sagot ko.





''Bakit naman mag papaka-killjoy kananaman ba Gianna? Baka tumadang dalaga ka n'yan!'' biro saakin ni Sabrina pinitik ko lang ang noo n'ya.





''Hindi naman ako papayag na maging matandang dalaga ano!'' inis na sabi ko ngising aso lang ang binigay saakin ni Sabrina at inilagay ang invitation lertter sa harap ko.






''Wala akong kasama kapag nagpunta ako mag isa baka may masamang mangyari saakin wala ka naman sigurong balak na may mangyari saaking masama diba?'' halatang kinokonsensya naman n'ya ako.





''Alam mo naman na busy ako ngayon Sab.'' Seryosong sabi ko nakita ko naman na sumimangot si Sabrina.





''Kapag may kailangan ka saakin tinutulungan naman kita eh. Tapos kapag ako---'' hindi ko na pinatapos na mag salita si Sabrina baka abutan kami ng ilang araw.





''Oo na sasama na ako sa'yo pero saglit lang tayo ah?'' nakita ko naman nag liwanag ang mukha ni Sabrina sa sinabi ko at talagang yinakap pa n'ya ako ng sobrang higpit.





TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Where stories live. Discover now