49.

19.5K 306 29
                                    

Gianna's POV



Nagmamadaling lumabas ako at agad naman sumunod saakin si Dylan. ''Gianna wait lang!'' pag pipigil saakin ni Dylan na maka sakay sa kotseng maghahatid saakin pauwi. Sinalubong ko ang tingin ni Dylan.




''Anong gusto mong palabasin kanina?'' hindi ko na napigilan na itanong sa kanya.






''Gianna gusto ko lang malaman mo na lahat ng iniisip mo noong nakita mo kami ni Andrea ay mali.'' Sabi saakin ni Dylan agad naman tumaas ang isang kilay ko.







''Paano mo naman nasabing mali? Nababasa mo ba ang iniisip ko?'' masungit na tanong ko sa kanya nakita ko naman na mas lalong naging seryoso ang mukha n'ya ng itanong ko 'yon.






''Dahil nakikita ko 'yon sa mga mata mo Gianna sa tuwing kasama kita lagi kitang tinitignan sa mata mabilis kong nababasa ang nararamdaman mo. Kaya alam ko na may iba kang iniisip noong Makita mo kami ni Andrea na magkayakap.'' Bigla naman akong natahimik sa sinabi ni Dylan dahil tama s'ya.






''Oo aaminin ko may iba nga akong iniisip pero sa tingin mo mapipigilan ko ba na hindi mag isip ng kakaiba nadatnan ko kayong magkayakap Dylan anong satingin mo ang iisipin ko? Na naglalaro lang kayo ng yakapan?''






''Kaya nga pinapaliwanag ko s'yo 'yon Gianna. Dahil alam kong may iba kang iniisip humingi lang s'ya ng tawad ganoon lang.''






''Okay then.'' Sabi ko at agad na binuksan ang pintuan ng kotse pero mabilis naman ulit akong pinigilan ni Dylan.





''Gianna hindi pa tayo tapos mag usap.''





''Tapos na kaya iwanan mo na ako.''

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon