32.

17.8K 289 12
                                    

Gianna's POV


Nagising ako sa isang madilim na kwarto ilang pagkurap pa ang ginawa ko bago ako makabangon. Hinawakan ko ang ulo ko habang naka tingin sa may labas ng bintana madilim na.




Naka uwi na ba kami? Pero hindi naman ganito ang bahay ko ah?




Nang tumingin ako sa kabilang lamesa ay nagulat ako ng Makita si Dylan na natutulog doon habang naka halukipkip. Ibig sabihin ay nandito pa ako kayla Tita Lucia. Bigla ko naman naalala ang nangyari masyado akong nagmamadaling makaalis at nahulog ako sa hagdan.





Napa upo ako ng tuwid ng makitang gumalaw si Dylan medyo nabigla pa ata s'ya ng makitang gising na ako at nagmamadaling lumapit saakin. Bigla ko naman naalala 'yung sinabi ni Andrea saakin at kung ano ang narinig kong pinag uusapan nila ni Elijah.





Hindi ko mapigilan ang magalit. ''Okay kana ba Gianna? Anong masakit sa'yo?'' tanong n'ya saakin at hinawakan pa ako sa kamay na kinabigla ko kaya mabilis kong binawi ang kamay ko. Nakita ko naman na nagulat s'ya sa ginawa ko.





''Nasaan si Elijah? Gusto ko ng umalis dito.'' Sabi ko at agad na tumayo pero mabilis naman akong pinigilan ni Dylan.




''Gianna kailangan natin mag usap.'' Seryosong sabi ni Dylan at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko ginawa ko naman ang lahat para makaalis ako sa pagkakahawak n'ya pero mas malakas s'ya saakin.




''Bitiwan mo ako! Gusto ko ng umalis!'' galit na sabi ko.





''No. Makinig ka saakin Gianna 'yung sinabi ko—'' hindi ko na pinatapos ang sasabihin n'ya at inipon ko lahat ng lakas ko para mabilis na makaalis at hindi nga ako nagkamali naka wala ako sa pagkakahawak saakin ni Dylan.





''Sabi ng makinig ka muna saakin Gianna!'' Nanglaki ang mata ko sa malakas na sigaw ni Dylan at sa isang iglap ay makalapit na ang labi namin. Hinalikan ako ni Dylan ng malalim at puno ng pag iingat.




Dahilan para makagulo ang systema ko sa isang halik lamang at hindi ko pa napigilan ang halikan s'ya pabalik. Nawawala na ako sa sarili ko dahil sa paghalik n'ya saakin. Haggang sa maalala ko nanaman ang lahat lahat.

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ