3.

30.9K 490 19
                                    

Gianna's POV


''I want you to work for De Cordova Restaurant.'' Hindi ko na pigilan ang matawa sa sinabi ni Mr. De Cordova.



Sabi ko na nga ba at 'yun ang gusto n'yang sabihin saakin kaya naman tumawag s'ya para sa isang meeting.





''Why are you laughing?'' naka salubong ang kilay na tanong ni Mr. De Cordova saakin.



Pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa ulit dahil mukha maasar ang kausap ko kapag tumawa pa ako.






''Sorry Mr. De Cordova hindi mo ako na inform na magaling ka palang magpatawa.'' Naka ngising sabi ko nagkibit balikat lang naman ito.





''And as you can see maliit lang ang shop ko at ang mga dessert na ginagawa ko ay para sa shop ko lang naman at wala akong balak sa mag trabaho sa restaurant mo so ang sagot ko ay No.'' paliwanag ko mukha naman hindi nagulat si Mr. De Cordova dahil walang nag iba sa gwapong mukha niya.






''Wag ka munang mag salita ng tapos Ms. Velasco dahil malaking kawalan kapag tumanggi ka sa alok ko.'' Seryosong sabi niya.







Oh yeah right. So ako pa pala ang kawalan kaysa ikaw? Pagpipigil na sabi ko na lang sa isip ko. Binigyan ko na lang s'ya ng pilit ng ngiti.







Mayamaya ay inabot saakin ang isang envelope na naglalaman ng kasulatan tungkol sa gusto n'yang mangyari at kung ano ang makukuha ko kapag nagtrabaho ako para sa kanya.





At hindi ko napigilan ang manglaki ang mata.




Dahil tama ito ako ang kawalan kapag tumanggi ako na magtrabaho sa restaurant n'ya pero hindi naman ako nangangailangan ng pera pero hindi 'rin naman ako baliw na uurungan ang ganitong kalaking pera.







Napatingin naman ako kay Mr. De Cordova na mukhang nagpipigil ng ngisi dahil siguro nahalata niya na nagulat ako at mukhang alam n'ya na papayag ako. Pero maisang salita ako.





Kaya naman nagmamadali ko 'yon ibinalik sa kaniya.




''Still a No.'' masungit na sabi ko nakita ko naman nagsalubong ang kilay n'ya.






Huh! 'akala mo makukuha mo ako sa ganoong klaseng halaga at bibigay agad ang beauty ko?! Asar na sigaw ko sa isip ko.





''Think about it Ms. Velasco. I'll give you some leasure time.'' Sabi ni Mr. De Cordova at ibinigay ang envelope sa harap ng desk ko.




''And kapag naka pag isip kana puwede mo naman akong tawagin. How about tomorrow night free ka ba?'' tanong n'ya saakin agad naman akong umiling.







''Then the day after tomorrow?'' hirit pa n'ya na mukhang ayaw niyang umalis na hindi naririnig ang salitang ''Oo'' sa bibig ko.




''How about sa Saturday?'' tanong nanaman n'ya at hindi pa 'rin naman ako nakakasagot sa pangalawang tanong n'ya at tinanong nanaman n'ya ako.






''Hindi ako puwede haggang Saturday dahil may birthday ako pupuntahan at ibibigay ko ang cake ni Mr. Mariano.'' Sabi ko nakita ko naman na tumango s'ya.





''Then sa Saturday.'' Agad na sabi n'ya nagsalubong naman ang kilay ko.






''Busy ako sa Saturday Mr. De Cordova.'' Naka simangot na sabi ko.





''Sabi mo pupunta ka sa isang party right? Sa mga Mariano? Is that Lance Mariano?'' tanong n'ya saakin at tumango naman ako.






''Good then magkikita tayo sa Saturday nandoon 'din ako dahil invited ako at kaibigan ko si Lance.'' Para naman mas lalo akong nainis dahil parang ang bilis niyang magdesisyon at ngumiti pa s'ya saakin na parang nang aasar.






''Bahala ka sa buhay mo.'' Bulong ko na lang at agad ng tumayo dahil mukhang aalis na si Mr. De Cordova.





''So Nice meeting you Ms. Velasco. See you again.'' Sabi ni Mr. De Cordova at agad na nilahad ang kamay upang magpaalam at agad ko naman tinanggap 'yon.






Nagulat pa ako ng makaramdam ng libo-libong boltahe ng kuryete ang gumapang sa palad ko ng magkahawak kami.





Pero mukhang hindi n'ya napansin 'yon at ako lang ang nakaramdam kaya naman nagmamadaling binawi ko 'yon.






''Ok. G-good day.'' Nauutal na sabi ko at tumango naman ito hinitay ko pa itong maka alis sa paningin ko bago ko sinarado ng pintuan ng shop ko.






Naramdaman ko 'din na pinagpawisan ako bigla.




Mukhang hindi magandang mapalapit sa isang katulad ni Mr. De Cordova.


Sabi ko sa sarili ko bago bumalik sa kusina para ituloy ang naundlot na trabaho.







-Rosercl


DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW ME THANK YOU AND GODBLESS YOU!

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Where stories live. Discover now