6.

26.7K 410 25
                                    

Gianna's POV


Nagtatakang napa tingin ako sa isang delivery boy na pumasok sa shop ko. Kakabukas ko palang ng umagang at nagulat ako dahil may hawak itong bulaklak.




''Ma'am kayo po ba si Ms. Gianna Velasco?'' tanong saakin ng delivery boy agad naman akong tumango kahit na nagtataka. ''Paki pirma na lang po ito.'' Magalang na sabi n'ya agad ko naman pinirmahan at ibinigay n'ya saakin ang bulaklak.




''Manong kanino po galing ang mga ito?'' tanong ko at tinutukoy ko ay ang bulaklak agad naman itong may tinignan sa hinawakang papel.





''Kay Mr. De Cordova po Ma'am. Sige ho aalis na po ako.'' Tumango naman ako kahit na nalilito. Sakto naman paglabas ng Jenny ang assistant ko mukhang nagulat s'ya sa nakitang bulaklak na hawak ko.




''Ma'am galing po kanino 'yan?'' tanong n'ya saakin. Nagkibit- balikat lang ako kapag sinabi ko na galing kay Dylan itong mga hawak ko ay tuksuhin n'ya lang ako.




''May admire ka Ma'am?'' tanong ulit saakin ni Jenny.




''Jenny kunin mo nga ang mga icing doon sa loob.'' Pag iiba ko ng topic para naman hindi n'ya na ako kulit. Mukha naman hindi n'ya napansin na gusto kong ibahin ang topic at sumunod lang s'ya saakin agad.




Napatingin naman ako ulit sa bulaklak na nasa gilid. Bakit kaylangan akong bigyan ng ganito ni Dylan? Tanong ko habang tinitignan ang mga bulaklak.




Agad ko naman s'yang tinawag ilang ring muna bago n'ya sinagot ang tawag. ''Hello Mr. De Cordo---''



''Dylan.'' Pagtatama n'ya saakin habang kausap ko s'ya sa kabilang linya.




''Ok. Fine Dylan bakit pinadalhan mo ako ng mga bulaklak?'' tanong ko sa kanya.




''Natanggap mo na pala. Nagustuhan mo ba?'' kalmadong tanong n'ya saakin na parang wala lang sa kanya ang bigyan ako ng bulaklak. Anong trip ng isang ito kung ganoon?




''Maganda sila. Pero hindi ko alam kung bakit kaylangan ko itong tanggapin at bakit kaylangan mo akong bigyan ng ganito?'' tuloy tuloy na tanong ko sa kanya narinig ko naman ang mahinang pagtawa n'ya sa kabilang linya.

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Where stories live. Discover now