31.

19.3K 317 25
                                    


Gianna's POV



Nagmamadaling bumaba ako ng malaman kong dumating na si Elijah kasama si Jason. Nakita ko si Elijah at si Jason hawak hawak ni Jason ang noo n'ya na parang may kung anong tinatakpan doon. Habang si Elijah naman ay inaalis ang kamay ni Jason na nakatakip sa noo.




Lumapit naman ako at nagtatakang tumingin kay Jason. Kilala ko na si Jason naka sama ko na s'ya sa isang photoshoot noon at ang masasabi ko lang ay napaka buting tao n'ya.





''Wag mo nga akong pilitin na ipakita ang bukol ko.'' Mayamaya ay sabi ni Jason habang masama ang tingin kay Elijah.





Para naman walang narinig si Elijah at nag pipilit pa 'rin tanggalin ang kamay ni Jason na nasa noo. ''Patingin lang naman saan mo ba kasi inuntog ang ulo mo kanina?'' tatawa tawang tanong ni Elijah.





Magsasalita na sana si Jason ng biglang dumating si Dylan at may hawak na parang yelo na naka balot sa isang panyo. Agad naman nilagay ni Jason 'yon sa noo n'ya.





''Ang gwapo mo pa naman tapos mag kakabukol ka lang nang ganya mag ingat ka naman Jason.'' Napa taas ang kilay ko ng marinig ang boses ni Andrea na nasa likod pala ito ni Dylan. Para kasing nag papapansin kay Jason ang boses n'ya.





Ngumiti lang si Jason kay Andrea at napa tingin naman ako kay Dylan na naka tingin lang kay Andrea at Jason na nag uusap. Wala man mababasa na kung anong emosyon sa mukha n'ya. Ilang oras 'din kami nag tagal sa may sala bago nag pasya na umakyat para makapag pahinga muna si Jason.






Habang naka sunod ako sa kanilang dalawa ni Elijah ay hindi na ako naka tiis na mag salita. ''Elijah pwede na ba tayong umalis dito?'' tanong ko sa kanya. Nakita ko naman nagulat si Elijah sa sinabi ko.




''Bakit?'' nagtatakang tanong n'ya.





''Naisip ko kasi 'yung coffee shop ko hindi ko na dapat iwan 'yon ng matagal tagal.'' Nakita ko naman na tumingin si Elijah kay Jason at tumingin naman saakin silang dalawa ng sabay saakin kaya naman kinabahan ako.

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon