Chapter 8

93.3K 2.1K 256
                                    

Beautiful

"Tul, kompleto na ba ang mga gamit mo?"

Hinila ko ang travelling bag ko mula sa likod at sinabit 'yon sa katawan ko. Liningon ko si Kuya Carl na marami rin bitbit.

Tumango ako. "Yes, Kuya."

"Papasok ko lang 'to sa loob, tutulungan kita diyan." Aniya.

"Okay.."

Kahit nahihiya akong magpatulong ay hinayaan ko nalang lalo na at mabigat ang mga dala ko. Sigurado din naman akong hindi ko kakayanin mag isa ang mga 'yon. Pahihirapan ko lang ang sarili ko.

"Need some help?"

Napapitlag ako sa narinig kong boses sa tabi ko. Napa buntong-hininga ako nang makita ko si Simon. Lagi nalang akong nagugulat tuwing nakikita ko siya. May sa kabute ata ang lalaking 'to.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko.

"Lagi nalang akong nagugulat sa'yo!" Inis na inis kong wika.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa akusa ko sakanya. Nagpakawala siya ng halakhak at tinignan ako ng para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

Humakbang siya palapit sa akin kaya kusa akong napaatras.

"Gulat? I didn't know I had such an effect on you." Manghang wika niya.

I was dumbfounded.

I can't believe this. Tinaasan niya ako ng kilay at kitang kita ang ngising nag lalaro sa labi niya. Ang nakakainis lang talaga, wala akong masabi! I can't even bend his words.

"Ako ng magpapasok ng gamit mo."

Hindi na niya ako hinintay na makasagot at tumalikod na sa akin. Kinuha niya ang dalawang maleta ko at nauna na sa akin pumasok. Napabuga ako ng hangin habang pinapaunod siyang maglakad papasok ng bahay.

Kinapa kapa ko ang leeg ko dahil napahigpit ang hawak ko doon. Namumula na 'to sigurado.

"Rian! Let's go!" Sigaw ko.

Kami nalang kasi ni Adrinna with Angelo ang nasa labas. Lumunok muna ako at sandaling pumikit bago sila harapin.

"Yeah" tugon niya.

Sumunod na sila sa akin at sabay sabay kaming pumasok sa mansyon at kahit ilang beses na ako pumunta dito ay naninibago pa rin ako. It's very warm and cozy but for me, it's foreign. I love this Mansion, believe me I do but something is not making me comfortable with it. Maybe because dad didn't live here for a long time not like Tito Teo. It's very foreign to me.

Ang malaking picture frame na nakasabit sa dingding ay ang tanging bagay na nakakapagpagaan ng loob ko dito. It's very comforting and beautiful.

Ang mansyon na ito ay apat na palapag. Sa pangatlong palapag ang kwarto namin ng nga babae.

"Nasaan sila?" Tanong ni Adrianna sa akin.

Linibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay. Naninikip ang dibdib ko sa bawat hagod ng mata ko sa mga antique dito. It's very heart warming but I have a different feeling with it. I suddenly want to see my brothers.

Tinatahak namin ang papuntang dining area. Nakakarinig na ako ng mga halakhak at doon lang kumalma ang puso ko.

"Hmm.. perhaps kitchen?" sagot ko habang nagtatali ng buhok.

My hair is wavy and long, hindi katulad ng kay Adrianna na deretso at tuwid na tuwid. Si Agatha naman ay maikli ang buhok at deretso din, si Alice naman ay paiba-iba ang style ng buhok pero originally, tuwid na tuwid din ang buhok niya.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon