Kabanata 6

47 3 0
                                    

The Sunset

Ang galing… si Gab ang una kong nakita pagmulat ng mata ko…

Haay. Panaginip nanaman… makatulog nga ulit…

Wait…

Minulat ko ulit ang mata ko…

SI GAB NGA!!!

Napabangon ako ng di oras dahil biglang tumibok yung puso ko ng sobrang lakas na para bang sasabog na. Nagulat din yung mga taong andun sa paligid ko.

“Joenah gising ka na! Akala ko kung ano ng nangyare sayo!”

Ha?! tama ba yung naririnig ko? Bakit… ano bang nangyari?

“Ayan… gising ka na pala.”

“A… ano nangyare?”

“Nahimatay ka. Dinala ka namin sa clinic.”

“Tinext ko na si tita. Papunta na siya dito.”

“Thanks Gela…”

“Nagpapaalam na nga pala si Charles sa mga subject teachers natin. Ako na magbabantay sayo.”

“Uh… Sige… aakyat na ko. May klase na kami eh.”

“Sige… thanks Gab…”

Tapos hinawakan niya yung forehead ko. Yung kamay niya… ang init… parang pinagaling niya ako. Napangiti ako nung hinawakan niya ko sa may noo. Nakakatuwa… parang dream come true…

“Di mo kasi sinabi na masama pakiramdam mo… Sana dinala kita bago ka nahimatay.”

“Nahimatay ako?!”

“Ipakwento mo na lang kay Gela… Uh… sige…”

Tapos ngumiti na siya for the last time.

Pero sa isip ko, nakastore yung huling ngiti niya. Ang ganda… perfect yung pagkakagawa sa kanya… galing ni Lord…

“Shaaaaacks!”

Pinalo ako ni Gela sa shoulders ko. In fairness mejo masakit yung pagkakapalo nia. May kasama pa kasing paypay…

“Oh my gahd!!! Nakakilig!!! Sana insan gising ka nun!!!”

“H---ha? Bakit?”

“Napatayo ka tapos nung nahimatay ka, napatayo agad si Gab tapos nasalo ka niya.”

“N—nasalo niya ko?!?!”

“Oo! Selos nga ako nun eh. Sa susunod, gagawin ko din yung ginawa mo !”

“Hindi yun sadya Gela… totoong may sakit ako.”

“kaya nga!!!”

“Ikaw talaga… tapos, ano pa nangyare?”

“Binuhat ka ni Gab all the way sa clinic.”

WHAT?! Binuhat ako ni Gab all the way papuntang clinic!?!? Ang galing! Woah! Thank you po ulit Lord! Binuhat ako ng pinakamamahal ko!!!

“Nagselos nga ako ng konti… pero alam ko namang wala kang gusto dun diba?”

Sarap sabihin na, „hindi mo ba alam na ako ang pinakamatalik mong karibal?!‟

“Siyempre wala.”

“Tapos si Charles yung tumakbo para kay Sir OJ. Kami ni Gab yung nagbantay sayo. Ewan ko nga ba kay Gab eh. Nataranta. Siguro ngayon lang siya nakakita ng isang taong nahimatay.”

Wow. Ang galing. Nataranta ang prinsipe ko dahil sa kin. Nakakatuwa naman… ibig sabihin, concerned siya. Ang saya ko naman… dapat pala lagi akong hinihimitay para siya lagi ang sasalo at siya lagi ang bubuhat sa kin.

It Was YouWhere stories live. Discover now