"Nako Lykah! Mag-audition ka na lang kaya bilang artista---"

Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng malakas na paghampas sa braso ko.

"Manganganak na nga ako! Totoo na 'to!"

"Wag ako, Lykah. Babalik na ako sa kusina. Kailangan ko ng magluto ng hapunan natin."

Akmang tatalikuran ko na siya kaso mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

"Bam, manganganak na talaga ako. Hindi na ako nagbibiro." Naiiyak niyang sabi sa akin dahilan para maniwala na ako sa kanya.

"Manganganak ka na talaga?"

Tumango siya bilang sagot at bakas na sa mukha niya ang kirot na nararamdaman niya. Agad ko siyang binuhat na pang-bridal style at mala-superman na tinungo ang kinaroroonan ng kotse namin.

---

"1, 2, 3, push!" sabi ng doktor na nagpapaanak kay Lykah.

Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at alam kong ganun din si Lykah. She has been pushing for almost one hour pero hindi pa rin lumalabas ang anak namin. Pakiramdam ko nga hindi na ako nahinga dahil sobrang kinakabahan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nanganganak ang asawa. Sabi ko naman kasi kay Lykah, ako na lang ang magbubuntis sa aming dalawa kaso ayaw pumayag ng loka. Charot!

Napangiti ako nang unti-unti ko nang masilayan ang anak namin. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa pero pinigilan ko dahil hindi pa ito ang tamang panahon para umiyak.

"Emergerd baby! You're almost there!" pabaklang hiyaw ko sabay tingin kay Lykah and I gave her an encouraging face.

Hindi ako na-inform. Dapat pala nagdala ako ng cheering squad ditey para may magchi-cheer kay Lykah. Charing!

Gusto ko magtatatalon sa sobrang tuwa ng ideklara ng doktor ang mga katagang...

"Congratulations! It's a baby boy!

---

"Ang gwapo naman ng baby natin! Manang-mana sa akin." Pagmamayabang ko dahilan para bigyan ako ni Lykah ng isang matalim na tingin.

"Ang cute mo!" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Hindi ako cute. Dyosa ako!"

"Aba! Linya ko yan ah."

Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko pagkatapos ay inakbayan ko siya habang pareho naming nilalaro ang baby namin.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ko.

"Lymiel Jouise. Then LJ ang nickname niya." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Lymiel Jouise?"

"Oo. Pinaghalong Bamiel John at Lykah Louise."

"Ay kabogera! Ang witty mo talaga, girl!"

"Witty na, Dyosa pa!" sabi niya sabay flip ng hair niya. Nakangisi ko siyang inirapan dahil sa ginawa niya.

"So, kelan natin balak sundan si LJ?"

Bigla naman niya akong hinampas sa braso dahil sa sinabi ko.

"Kakapanganak ko pa lang!"

"Kailangan nating magmadali. Kailangan maka-dose tayo!" nakangisi kong sabi sa kanya.

Hinampas na naman niya ako dahil sa sinabi ko.

"Balak mo bang sirain ang figure ko?"

"Oo. Para hindi na head-turner yang kagandahan mo."

"Ang sama ng ugali mo!"

"Kasi akin ka lang!"

Bigla naman siyang namula sa sinabi ko pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin.

"Selfish!" sigaw niya sa akin.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Yeah. Selfish talaga ako pagdating sa kanya. Ayoko ng may kaagaw sa kanya.

"Ma'am and Sir, kukunin ko na po si baby." Nakangiting sabi nung kakapasok lang na nurse.

Humalik muna kami sa pisngi ni Baby LJ bago siya inabot sa nurse. Pagkatapos ay lumabas na yung nurse.

"Paano ba yan? Tayong dalawa na lang dito." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tigil-tigilan mo ako, Bamiel!" sigaw niya sa akin pagkatapos ay humiga na siya.

Sumunod naman ako at humiga rin sa tabi niya. Hinatak ko siya papalapit sa akin at niyakap.

"Subukan mo lang talaga, Nervalle!"

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay sinuklay ko ang buhok niya.

Hindi na siya umimik bagkus ay niyakap na lang niya ako.

"Lykah?" tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para pagkalooban ako ng ganito kabait at kagandang asawa. I know that I have many flaws, but this woman beside me still love me the way I am.

"Mahal kita. Mahal na mahal." Sinserong bulong ko sa kanya.

Nag-angat siya ng ulo sa akin at ngumiti sa akin na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Isang taon na kaming mag-asawa pero hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit sa mga simpleng ngiti niya lang sa akin.

Piningot niya ang ilong ko pagkatapos ay hinatak niya ako pababa para maging magka-level kami.

"Mas mahal kita. Tandaan mo yan!"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"I love you my beki maid." Dagdag pa niya pagkatapos ay hinawakan nya ang batok ko at hinalikan ako.

"Matulog ka na nga! Kailangan mo nang magpahinga. Kailangan pa nating gumawa ng bagong anak." Pang-aasar ko ulit sa kanya.

"Babalian na talaga kita ng buto!"

"Hahahahahahaha! Joke lang. Sige na matulog ka na. Babantayan kita." Sabi ko pagkatapos ay ipinikit ko na ang mata niya.

Sinuklay-suklay ko lang ang buhok niya habang pinagmamasdan siyang matulog. It's really rare to find a person that will make you feel that you're complete at si Lykah ang nagparamdam sa akin nun. Kaya ipinapangako ko na walang sinumang makakapaghiwalay sa amin. Only death could separate us.

"I will always love you my wife."

[ T H E E N D ]

(A//N: Nakatapos din ng pangalawang kwento. Hahahahaha. Anyways, sorry dahil late ko nang nai-post ang epilogue. Busy lang kasi. So ayern, may bago na naman akong kwentong nagawa. Check nyo na lang sa works ko. Married to a Gay Ghost ang pamagat o kaya click nyo yung external link na nasa may comment section. Prologue pa lang yung naka-post. Bukas na yung chapter 1. Hahahaha. Sana mabasa nyo rin. Thankies :D Labyu! )


BAM, THE BEKI MAIDWhere stories live. Discover now