[8]

8.9K 372 23
                                    


(LYKAH'S POV)

"Anong mas maganda?" tanong ko kay Bam habang itinataas ang dalawang hanger na parehong may lamang dress.

Nasa isang boutique kasi kami ngayon at kasalukuyang namimili ng mga damit ko. Nilalait na kasi ako nila Mimi at Wendy na outdated na ang mga damit ko sa closet kaya heto kami ngayon at puspusan ang pamimili. Ayaw ko namang magpatalo sa dalawang yun.

"Lykah naman! Palagi na lang ba akong mamimili ng damit mo?" inis niyang sabi sa akin.

"Bilis na kasi! Ito bang pink na belted mini dress o itong black na off shoulder dress?"

Tinitigan niya muna yung dalawang dress bago niya itinaas yung hanger na naglalaman ng belted mini dress.

"Ito na lang." bored niyang sabi.

Piningot ko naman yung ilong niya dahilan para mas mag-init ang ulo niya.

"Ang cute mo!" sabi ko sa kanya pagkatapos ay ibinalik ko na sa dress rack yung off shoulder dress at nagsimula nang maglakad para maghanap pa ng ibang dress.

Naramdaman kong hindi siya sumusunod sa akin kaya nilingon ko siya at nakita ko ang bakla na ngiting-ngiti.

"Hoy! Kinilig ka na naman diyan." Pang-aasar ko sa kanya.

"H-Hindi ah." Sabi niya pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Sus! Kunwari ka pa." sabi ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at kumapit ako sa braso niya.

Nag-ikot-ikot pa kami sa loob ng boutique. Nawala na rin yung init ng ulo niya dahil sa papuri ko sa kanya. Jusko! Kailangan pala pinupuri muna ang baklang 'to para mawala ang init ng ulo.

"Sa tingin mo bagay sa akin 'to?" tanong ko sa kanya habang iwinagayway sa harapan niya ang isang deep v-neck flared-skirt dress.

Pinitik niya ang noo ko dahilan para mapaaray ako.

"Bakit mo na naman ako pinitik?" angal ko sa kanya.

"Masyadong revealing yang damit na yan! Gusto mo bang pagnasaan ka ng lahat ng makakakita sa'yo?" naiirita niyang sabi sa akin.

"Ayieeeeeeh. Nagseselos siya." Pang-aasar ko sa kanya dahilan para mapairap siya.

"Tigil-tigilan mo ako, Lykah!" namumula niyang sabi sa akin.

"Okay last na lang talaga 'to. Bibili lang ako ng isang pair ng sapatos tapos uuwi na tayo." Sabi ko pagkatapos ay kinindatan ko siya.

Pumunta ako sa may shoe rack at namili ng sapatos. Agad na inagaw ang atensyon ko ng isang kulay kremang open toe pumps na nagningning dahil punong-puno ito ng glitters. Kinuha ko 'to pagkatapos ay umupo ako sa isang couch at tinawag si Bam.

"Bam!" tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa direksyon ko.

"Bakit?"

Iwinagayway ko ang sapatos na nakuha ko bilang sagot. Napapailing siyang lumapit sa akin.

"Don't tell me ako pa ang magsusuot niyang sapatos na yan sa'yo?"

"Ganun na nga!" sabi ko naman sabay kindat sa kanya.

"Anong problema ng mata mo? Kanina pa kindat ng kindat."

"Kinilig ka naman?"

"Tss." Ang tanging sagot niya pagkatapos ay kinuha na niya yung sapatos sa kamay ko at lumuhod na siya sa harapan ko.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon