[6]

8.7K 419 112
                                    

(BAM'S POV)

"BAAAAAAAM!" tila batang sabi ni Lykah habang nagpapapadyak sa kama ko.

"Bakit ba?" tanong ko naman sa kanya habang busy pa rin ako sa binabasa kong magazine.

"Linisin mo na kasi yung kuko ko!" sigaw nya sa akin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay inirapan ko siya. Nasa kwarto ko siya ngayon at kasalukuyang ginugulo ang pananahimik ko. Pumunta lang talaga siya dito para magpalinis ng kuko niya.

"Kakalinis ko lang ng kuko mo nung isang araw tapos magpapalinis ka na naman. Addict ka ba?" naiirita kong sabi.

"Dali na kasi bakla!" nagdadabog niyang sabi.

"Hindi. Busy ako ngayon."

"Sige na."

"Ayoko."

"Bilis na kasi bakla."

"Hindi ako bakla. DYOSA ako!" sabi ko habang pinagdidiinan ang salitang DYOSA.

"BAKLA! BAKLA! BAKLA!" pang-aasar niya pa.

"DYOSA! DYOSA! DYOSA!" ganti ko naman.

"BAKLA! BAKLA! BAKLA----"

Dahil sobrang naiirita na ako sa kaingayan niya, inis kong ibinato yung magazine na binabasa ko at lumapit ako sa kanya. As in yung sobrang lapit talaga. Napaatras pa nga siya kaso na-corner ko na siya. Napasandal siya sa headboard ng kama ko habang masamang nakatingin sa akin.

"Sinong bakla?" tanong ko pagkatapos ay mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya dahilan para mag-dikit ang tungki ng ilong namin.

"U-umalis ka nga diyan!" namumula niyang sabi pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin.

Aalis na sana siya kaso hinawakan ko ang dalawang kamay niya at itinaas ito sa ulo niya.

"Sinong bakla?" tanong ko pero imbes na sagutin ay inirapan niya lang ako.

"Sinong bakla?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"IKAW---"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng paghalik sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Sinubukan niyang alisin yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko 'tong hinigpitan.

Una nakalapat lang yung labi ko sa labi niya pero unti-unti kong iginalaw ang labi ko. Hindi siya nagre-respond. Hindi ako tumigil. Binitiwan ko yung kamay niya. Yung isang kamay ko ay pumunta sa batok niya tapos yung isa naman ay nilagay ko sa likod niya bilang pang-suporta. Mas lalo ko pa siyang inilapit sa akin hanggang sa unti-unti niya na ring tinutugon ang bawat halik ko.

Napangiti ako sa pagitan ng halikan namin. Unti-unting gumapang ang kamay ko pababa mula sa batok niya papunta sa bewang niya. Hinanap ko ang laylayan ng t-shirt niya. Akmang huhubarin ko yung t-shirt niyang nang mariin niyang hinawakan ang kamay ko.

"No." nakapikit niyang sabi sa akin.

Idinilat niya ang mga mata niya at tiningnan ako.

"Don't you dare." Sabi niya pagkatapos ay itinulak ako ng sobrang lakas.

Tumayo siya pagkatapos ay kumaripas ng takbo.

"Lykah, sorry---"

Hindi na natapos yung sasabihin ko dahil umalingawngaw na sa buong unit niya ang malakas niyang pagsarado sa pinto ng kwarto ko.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon