[1]

13.5K 421 79
                                    


(BAM'S POV)

Malungkot kong binuksan ang bintana ng kwarto ko pagkatapos ay dumungaw ako dito. Nakita ko si Dad na nakaupo sa tapat ng inuupahan naming bahay. Mukhang malalim ang iniisip nya at sa malayo siya nakatingin.

Simula nang mawala sa amin ang lahat, lagi ko na lang nakikita si Dad na nakatingin sa malayo na tila ba pasan-pasan niya ang buong daigdig sa balikat nya. Hindi na kami mayaman ngayon. Lahat ng pinaghirapan ni Dad ay parang bulang bigla na lang nawala sa amin.

"Since your hospital is one of the oldest hospitals in this town, its facilities are not as good as it were before. It needs an extensive repair. But due to the deteriorating numbers of your patient, I don't think you can afford the cost of repairs, Mr. Nervalle. Your hospital admission drastically drops this year which hurt your hospital revenue. If you want to save your hospital, you'll need a large amount of money."

Yan ang mga katagang sinabi sa amin ng consultant na kinausap ni Dad. Sinubukan ni Dad na isalba ang ospital namin sa pamamagitan ng pagbebenta ng beach resort namin sa Batangas pero walang nangyari. Sinubukan namang humingi ni Mommy ng tulong sa tatay nya kaso hindi siya pinagbigyan dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya dahil sa pakikipagtanan niya kay Dad noon.

Walang nagawa si Dad kundi ang i-shut down ang ospital namin kasabay nang unti-unting pagkawala ng mga ari-arian namin. Isa sa mga labis na nasaktan sa pagkawala ng ospital namin ay ang kapatid kong si Ate Binnie. Dito kasi umiikot ang buhay niya.

Sa ngayon, nagtatrabaho si Ate Binnie bilang isang nurse sa ospital na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Samantalang ako, patuloy na naghahanap ng trabaho.

Nabalik ang pag-iisip ko sa realidad nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Tita Emie. Dyosang bakla speaking!" pabaklang sabi ko para hindi mahalata ni tita na kakagaling ko lang sa page-emo.

"Hi hijo. Nandito nga pala yung sinasabi kong kaibigan ko na makakatulong sa'yo. Mabuti pa siguro kung pupunta ka dito para makapag-usap kayong dalawa." Sabi ni Tita Emie mula sa kabilang linya.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tita. Nagpatulong kasi ako sa kanya na maghanap ng trabaho. Hindi ko naman akalain na ganito pala kabilis tumulong si Tita Emie.

"Sige po tita! Papunta na po ako dyan." Masayang sabi ko with matching patalon-talon pa para damang-dama.

Pagkababa ko ng cellphone ko, mabilisan akong naligo pagkatapos ay nagsuot lang ako ng t-shirt at jeans. Simple lang para mas kaawaan ako ng kaibigan ni tita. Hihihihi.

---

"So hijo, this is Mr. Lucas Austine. He is the current Chairman and CEO of Austine Land Corporation, one of the leading real state companies here in our country." Nakangiting pagpapakilala ni Tita Emie sa isang lalaking nasa mid 50's na nakaupo ngayon sa harapan ko.

"G-Good morning po, sir. I'm Bamiel John Nervalle." Sabi ko sabay abot ng kamay ko kay Mr. Austine na agad naman niyang inabot para makapag-shake hands kami.

"Lucas, maaasahan mo 'tong si Bam. Napakabait nitong batang 'to." Sabi ni Tita Emie habang hinahagod pa ang likod ko.

"Mukha naman. Saktong-sakto lang sa kanya ang magiging trabaho nya." Nakangiti nitong sabi.

"Ano ho bang magiging trabaho ko?" excited kong tanong.

"Nung inirekomenda ka sa akin ni Emie, agad kong pina-check ang background mo sa private investigator ko. Nalaman kong wala ka namang criminal records or kahit anong records na maaaring ikasira ng pangalan mo kaya naisipan kong..." pinutol muna niya ang sasabihin nya dahil ngumiti muna siya ng pagkalawak-lawak.

Kinabahan naman ako sa way ng pag-ngiti niya. Para akong nasa isang beauty pageant na hinihintay na i-announce kung sino ang panalo.

"Naisip kong bagay na bagay kang maging maid ng unica hija ko."

"MAID PO?!"CAPS LOCK TALAGA PARA INTENSE.

"May problema ba hijo?" kunot-noong tanong ni Mr. Austine.

"Pero po kasi..." sabi ko habang kinakamot ang batok ko pagkatapos ay tumingin ako kay Tita Emie.

"Tita, bakit po maid?" bulong ko kay Tita Emie.

"Hehehehehe. Pasensya na, hijo. Wala daw kasing available na trabaho sa kompanya nila ngayon kaya naisipan niyang gawin ka na lang maid ng anak niya."

"Pero ni minsan sa panaginip ko hindi ko po pinangarap na maging isang maid." Pagmamaktol ko.

"Ano ka ba naman hijo? Pumayag ka na. Hindi ka magsisisi. 100 thousand per month ang sahod mo. Ano choosy ka pa?"

"100 THOUSAND PER MONTH?!" CAPS LOCK ULIT PARA INTENSE.

"Oo. Aayaw ka pa?"

"Ay sabi ko nga go na go ako eh!" sabi ko habang mahinang hinahampas si Tita Emie sa braso nya.

"Ano hijo tutuloy ka ba? Kasi kung hindi, maghahanap na lang ako ng iba." Sabi ni Mr. Austine sabay kuha ng phone nya.

"Nako go na go po ako. Let's go sago! Ganern. So, kelan po ako magsisimula?"

"Ngayon na."

"Ngayon na as is now na as in---"

"Yeah." Bored na sabi ni Mr. Austine.

"Sabi ko nga po eh." Tila nahihiyang sabi ko sabay ipit ng imaginary hair ko sa tenga ko.

"Tita Emie, Mr. Austine, iinom lang po ako ng tubig." Pagpapaalam ko sa kanila pagkatapos ay tumayo na ako at dumiretso sa kusina.

Pagkadating ko sa kusina, agad akong naghanap ng baso at pinuno ito ng tubig. Walang patid ko 'tong ininom.

"Hinay-hinay lang, Bam." Saway ni Lalaine sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Andito pala ang isang 'to!

"Narinig mo yung chikahan namin ni Mr. Austine?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang bibig ko.

"Oo naman. Diba maid ng unica hija ni Mr. Austine ang magiging trabaho mo?"

"Emergerd bakla! Hindi ko keri yung trabaho na yun pero sa ngalan ng datung, jusko! Kakayanin ko 'to! Aja! Fighting!" sabi ko habang chinicheer ko ang sarili ko.

"Balita ko maganda daw yung anak ni Mr. Austine. Baka siya na ang maging susi para magbalik-loob ka sa pagiging lalaki. Ayieeeeeeeh!" pang-aasar ni Lalaine habang kinikiliti ang tagiliran ko.

"Tigil-tigilan mo ako Lalaine ha! Baka putulin ko yang daliri mo." Sabi ko sabay kuha ng kutsilyo.

"Subukan mo lang."

Napatingin ako dun sa nagsalita at nakita ko si Kloude na kakapasok lang ng kusina habang naka-cross arms.

"Joke lang bakla. Ito naman hindi mabiro." Sabi ko habang binabalik yung kutsilyo sa lagayan nito.

"Pero maganda naman talaga si Lykah eh." Panloloko naman sa akin ni Kloude pagkatapos ay sabay nila akong kiniliti ni Lalaine.

Kapag yumaman ulit kami, itong dalawang damuhong 'to ang unang-una kong ipapa-salvage!

Kapag yumaman ulit kami, itong dalawang damuhong 'to ang unang-una kong ipapa-salvage!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A//N: Side story 'to ni Bam ng Perfectly In Love With My Gay Husband. Kaya kung sino mang di pa nakakabasa ng kwentong yun, sana mabasa nyo ;) Solomot! )

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon