[5]

9.2K 401 46
                                    


(BAM'S POV)

"Jusko Lykah! Ilang taon pa ba ang kailangan mo para matapos ka dyan sa pagbibihis mo?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa kwarto niya.

Nakasuot siya ng petite seamed dress na kulay itim. Nakaharap siya sa salamin habang may dala-dalang dalawa pang dress na tila ba pinag-iisipan nya kung yun ba ang susuotin nya. Parehas ding kulay itim yung dalawang dress na hawak niya.

"Sandali lang kasi!" inis niyang sabi habang nagpapaikot-ikot sa harap ng salamin.

Napailing na lang ako pagkatapos ay inayos ko na lang ang necktie ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta inabutan niya lang ako ng tuxedo kanina at sinabihang suotin ko daw 'to dahil may pupuntahan kami. Siguro may pupuntahang party 'tong bruhang 'to at gagawin na naman akong julalay niya.

"Ano bang mas maganda?" tanong nya sa akin habang nakataas ang dalawang itim na dress na kanina niya pa pinagpipilian.

"Hindi pa ba sapat yang suot mo?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Bilis na kasi! Para makaalis na tayo."

Napakamot na lang ako sa batok ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at inis na kinuha yung mga damit na hawak niya.

Yung isa ay kulay itim na bardot skater dress na may trim ng lace yung sa may bandang leeg tapos yung isa naman ay kulay itim ding mini dress na gawa naman sa lace yung sleeve. Sinuri kong mabuti yung dalawang damit katulad nung ginagawa ni Mikael kapag may mga rampa kami dati. Sunod naman ay sinuri ko ang katawan niya.

"Ito." Sabi ko habang nakataas ang hanger na pinaglalagyan ng mini dress.

"Sigurado ka?" tanong naman niya habang tinitingnan ito ng mabuti.

"Tsk! Bahala ka nga." Inis kong sabi.

Uupo na sana ako sa may kama niya ng bigla na lang niyang hinubad yung suot niyang seamed dress kanina dahilan para mapatalikod ako sa kanya.

"Bakit bigla-bigla ka na lang naghuhubad?!" inis kong sabi sa kanya.

"Wag ka ngang OA dyan! Akala ko ba bakla ka?" tila walang pakielam niyang sabi.

Hindi ko na lamang siya pinansin bagkus ay nanatili na lang akong nakatalikod sa kanya. Maya-maya'y bigla niya akong kinalabit. Nag-aalangan pa nga akong lingunin sya kasi baka hindi pa siya bihis. Pero agad naman akong nakahinga ng maluwag ng makita kong suot na niya yung mini dress na pinili ko.

"Pakisara nung zipper sa likod." Sabi niya pagkatapos ay tumalikod siya dahilan para tumambad sa akin ang maputi niyang likod.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Bigla rin akong nahirapang huminga.

"Bilisan mo na!" naiinis niyang sabi habang nagpapapadyak pa.

Binatukan ko siya ng mahina para kunwari naiinis din ako sa kanya pero ang totoo ay hindi ako makahinga dahil sa ginagawa niya.

Nanginginig na lumapit yung kamay ko sa zipper ng damit nya. Makailang beses din akong lumunok habang sinasarado ko ito. Kada didikit ang daliri ko sa likod niya, feeling ko maghihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Buti na lang bago pa man ako malagutan ng hininga ay matagumpay ko na itong naisara.

"O bakit pawis na pawis ka?" nagtatakang tanong niya nang humarap na siya sa akin.

"H-Ha? A-Ang init kasi." Palusot ko naman sabay paypay sa sarili ko gamit ang mga kamay ko.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon