[7]

9.4K 369 69
                                    


(BAM'S POV)

"Baklaaaaaaa! Na-miss ka namin!" sigaw ni Mikael habang natakbo palapit sa akin.

Yayakapin sana ako ni Mikael kaso umiwas ako at sinalubong ko si Joey na inaalalayan ang buntis na si Lalaine.

"Bakit di mo ako pinansin?" naka-pout na sabi sa akin ni Mikael. Pinitik ko naman yung nguso niya kasi mukha siyang pato.

"Hindi kasi bagay sa'yo!"

"Palagi na lang ba kayong mag-aaway dalawa?" sabi naman ni Joey na ngayon ay naka-cross arms na.

Inirapan ko na lang si Mikael pagkatapos ay lumapit ako kay Lalaine at hinimas ang tiyan niya.

"Ilang buwan na 'to bakla?" tanong ko sa kanya.

"6 months." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Boy or girl."

"Babae. Kayo? Kailan nyo gustong magkaanak ni Lykah?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Tss. Isang linggo na nga akong hindi pinapansin nun simula nung hinalikan ko siya eh."

"Nasa iisang bahay lang kayo tapos hindi kayo nagpapansinan?" tanong naman ni Mikael.

"Oo."

"Paano yun?" nagtatakang tanong naman ni Joey.

"Maaga siyang umaalis ng bahay para gumala kasama yung dalawa niyang kaibigan tapos late na siya umuuwi. Sinubukan ko na rin siyang kausapin kaso iniiwasan niya talaga ako."

"Bakit mo ba naman kasi hinalikan? Nagalit tuloy ang loka." Sabi naman ni Lalaine.

"Hindi ko rin alam eh." Sagot ko naman habang nakamot sa batok ko.

"Osya! Kalimutan mo muna si Lykah ngayon. Halina't mag-shopping." Saad ni Mikael habang parang abnoy na nagtatatalon sa harapan namin.

"Oo nga. Excited na akong mamili ng gamit ng baby nila Lalaine. Hihihihi." Sabi naman ni Joey at nakisabay pa sa pagtalon-talon ni Mikael.

Napailing na lang kaming dalawa ni Lalaine dahil sa kanilang dalawa pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng mall. Mamimili kasi kami ngayon ng mga damit ng magiging baby nina Lalaine at Kloude. Sa amin kasi siya ipinagkatiwala ni Kloude dahil nasa meeting ang bakla.

"Emergerd! Ang ku-cute naman ng mga damit dites!" tuwang-tuwang sabi ni Mikael.

"Oo nga! Kailan din kaya tayo magkakaanak, Mikael?" tanong naman ni Joey habang sabay silang dalawang naglalakad.

"Kapag nahanap na natin yung prince charming natin." Sagot naman ni Mikael pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Joey at sabay na tumawa.

Nagkatinginan din kami ni Lalaine at sabay ding tumawa.

"Pinainom mo ba ng gamot yang dalawang yan?" nakangiting tanong sa akin ni Lalaine.

Sasagutin ko sana siya kaso biglang nahagip ng mata ko si Lykah na naglalakad habang may kausap sa cellphone.

"Wait lang."

"Ha?" naguguluhang tanong sa akin ni Lalaine.

Hindi ko na siya nasagot dahil lumabas na ako sa shop kung saan kami namimili. Sinundan ko si Lykah at nakita ko siyang pumasok sa isang coffee shop. Umupo siya sa may bandang likuran kung saan walang gaanong tao.

"Oo nga. Mahal ko nga siya." sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

Napakunot ang noo ko. Sinong kausap niya?

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon