[3]

9.6K 462 141
                                    


(BAM'S POV)

"Umiinom ka ba?" tanong sa akin ni Lykah sabay abot sa akin ng isang shot glass kaso tinanggihan ko ito. Inirapan naman nya ako. Napailing na lang ako.

Kapag parehas kasi kaming uminom, baka mahirapan kami pauwi. Pagkatapos niya akong alukin, hindi na niya ako pinansin. Naging busy na siya sa pakikipagkwentuhan sa dalawa niyang kaibigan na sina Mimi at Wendy na akala mo'y isang taon silang hindi nagkita. Nagtatawanan sila na may kasama pang hampasan.

Napailing na lang ako pero natuwa akong pagmasdan si Lykah na tumatawa. Mas nagmumukha siyang manika kapag nakatawa siya kesa sa nakataas ang kilay. Akala niya kasi ikinaganda niya ang pagtataas niya ng kilay sa akin. Tss. Nagmumukha siyang si Annabelle ng The Conjuring kapag nakataas ang kilay niya! Ang chaka ng fes.

Nahinto ang tawanan nila ng biglang matuon ang atensyon ni Lykah sa isang lugar. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo di kalayuan sa amin na may kausap sa cellphone. Muli akong tumingin kay Lykah. Nakita kong nakakunot ang noo nya. Maya-maya'y, nagpaalam siya sa amin na magsi-C.R lang.

"Mimi, sundan mo nga si Lykah. Baka ngumawa na naman yun sa CR." Sabi ni Wendy habang tinutulak si Mimi.

"Okeh!" sabi naman ni Mimi sabay okay sign.

Sinamantala ko ang pagkakataon na lumapit kay Wendy at magtanong kung anong nangyari kay Lykah.

"Anong nangyari kay Lykah? At tsaka sino yung tinitingnan niya?" sabi ko sabay nguso dun sa lalaking tinitingnan ni Lykah kanina na ngayon ay palabas na ng bar.

Ininom muna ni Wendy yung alak na nasa shot glass niya bago sinagot ang tanong ko.

"Well, siya lang naman si Cyrus Jake Alcantara. Ang manlolokong ex-boyfriend ni Lykah." Sabi nya tapos ay nagtaas siya ng kilay sa akin. Magkaibigan nga sila ni Lykah!

"Ex-boyfriend?" tanong ko.

"Oo. One year din sila ng kutong-lupang yun. At take note, sa mismong anniversary pa nila sila nag-break. Naabutan lang naman siya ni Lykah na may kalandiang babae sa paborito nilang coffee shop. Then, dun nya nalaman na habang sila pala ay may karelasyong iba yang Cyrus na yan. At ang resulta? Nawasak ang buhay ng loka-loka kong kaibigan. Palibhasa first boyfriend niya kaya iniyakan niya ng bongga. Yang Cyrus na yan din ang dahilan kung bakit nahilig sa nightlife si Lykah. Dati kasi hindi mo mapapalabas ng bahay yang si Lykah sa ganitong oras ng gabi. Isang himala na lang siguro kapag nangyari yun. Pero tingnan mo naman ngayon. Siya pa ang nag-aaya sa amin na maglakwatsa!" mahabang paliwanag ni Wendy na hindi pa rin nababa ang kilay. Hindi ko alam ang intensyon niya kung bakit nakataas ang kilay nya. Siguro ipinagmamalaki niya sa akin na bagong ahit ito. Charot!

Napatango na lang ako dahil sa sinabi ni Wendy. Ilang minuto din ang lumipas bago muling bumalik sa table namin sina Lykah at Mimi. Namumula ang mata ni Lykah pero nakangiti siyang lumapit sa amin. Siguro nga umiyak na naman 'tong bruhang 'to. Ex-boyfriend lang pala ang weakness. Maasar nga siya bukas. Charing!

"Girls! Tara sayaw tayo!" pag-aaya ni Lykah kela Wendy at Mimi na agad namang tumango at tumayo mula sa kinauupuan nila.

"Ikaw bakla, gusto mong sumama sa amin?" tanong ni Lykah sa akin habang nakumpas-kumpas pa ang kamay dahilan para malaman kong lasing na siya.

Pero tulad kanina, humindi ako. Inirapan na naman niya ako bago hinatak sila Mimi at Wendy papunta sa stage. Ayoko ngang sumama sa kanila. Buti sana kung sila Mikael, Joey at Kloude ang kasama ko sa stage. Hayy. Na-miss ko na yung mga chakang baklang yun. Kamusta na kaya sila? Huhuhu.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon