Nag-angat na din ng ulo yung dalawang kausap niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"L-Lykah? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng nanay ko.

"M-Mama?" naguguluhan ko namang tanong sa kanya.

"Magkakilala na kayong dalawa?" tanong naman ng lolo ko.

Nagkatinginan kami ni Bam pagkatapos ay nahagip ng mata ko ang table napkin na hawak ni Mama. May naka-imprenta ditong 'La Luxe Restaurant'. Wag nyong sabihing---

"Bam, siya yung babaeng tinutukoy ko na apo ng kaibigan ko."

So, ako pala yung nakatakdang ikasal kay Bam?

----

[ONE YEAR LATER...]

(BAM'S POV)

"BAAAAAAAAM!"

Muntik ng mahiwa ang daliri ko ng kutsilyong hawak ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Lykah. Agad akong pumunta sa sala para puntahan siya. Naabutan ko siyang nakahawak sa tiyan niyang malaki na at tila namimilipit sa sobrang sakit.

"Ma-manganganak na a-ata a-ako!" nauutal niyang sabi sa akin.

"H-Ha?" tanong ko dahil hindi ko masyadong na-gets yung sinabi niya.

Hinawakan niya ang tenga ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"Manganganak na ako!" sigaw niya sa akin.

Feeling ko matatanggal ang tenga ko dahil sa pagsigaw niya.

"As in now na talaga?"

"Oo nga!" naiirita niyang sabi sa akin.

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin pagkatapos ay kinuha ko ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit ni Lykah at ng magiging baby namin. Talagang inihanda ko na 'to para kapag manganganak na si Lykah ay hindi na ako mag-aabalang ihanda ang mga gamit na kakailanganin namin.

Pagkababa ko ay nakita ko si Lykah na nakatayo na ng tuwid at nakangiti sa akin.

"Anong nangyari sa'yo?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang napahagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?" sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"Tara na. Pupunta na tayong ospital." Dagdag ko pa at akmang bubuhatin na siya kaso pinigilan niya ako.

"No need. Pinagtitripan lang kita. Tiningnan ko lang yung magiging reaksyon mo kapag manganganak na ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang chaka pala ng mukha mo kapag natataranta. HAHAHAHAHAHAHA!"

Aba! So, pinagtitripan lang pala niya ako. Loka 'tong chararat na 'to ah!

"Nako Lykah! Pasalamat ka't buntis ka kasi kung hindi, kanina pa kita sinabunutan at nginudngod diyan sa sahig!" naiinis kong sabi sa kanya.

Jusko! Todo effort pa akong tumakbo paakyat sa taas tapos hindi naman pala siya manganganak.

"Ang cute cute mo talaga kapag naaasar!" nanggigigil niyang sabi sa akin habang nilalapirot ang magkabilang pisngi ko.

Inirapan ko lang siya pagkatapos ay tinanggal ko na ang kamay niya mula sa pisngi ko at akmang babalik na sa kusina para ituloy yung naudlot kong pagluluto kaso bigla naman niyang hinawakan ang braso ko.

"Bakit na naman ba, chararat?" tila nangingisay kong sabi sa kanya.

"M-manganganak na nga ata talaga ako!" sabi niya habang nakahawak na naman sa tiyan niya.

BAM, THE BEKI MAIDWhere stories live. Discover now