Bet Your Heart ♡ Chapter 17

Start from the beginning
                                    

Hindi siya umalis sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Parang talagang kinakabahan siya. Naisip ko tuloy na pag-trip-an siya.

"Tara na dito sa tabi ko. Tulog na tayo." I tapped the space beside me.

"H-ha?" Hindi niya talaga maitago ang kaba niya. Halatang-halata na sa mukha niya. Natatawa na ako pero pinigilan ko muna ang pagtawa.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Tara na, matulog na tayo." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila.

Pinigilan niya naman ang paghila ko sa kanya, kaya tumigil din ako at humarap sa kanya na may nakakalokong ngiti pa din sa mga labi.

Lumapit pa ako sa kanya at binulungan siya. "Try natin gawing kambal ang baby natin. Baka makahabol pa."

Namula agad ang mukha niya sa sinabi ko at mukhang lalo siyang hindi nakagalaw. Nanlalamig na rin ang kamay niyang hawak ko. Hindi ko na napigilang matawa sa itsura niya.

Nakatanga lang siya sa akin habang tawa ako nang tawa. Parang clueless pa siya kung bakit ako tumatawa. Natigil lang ako sa pagtawa nang hinampas niya ako sa braso ng inikot na mga papel na may kakapalan. Hindi ko alam kung saan niya nadampot iyon.

"Pinagti-trip-an mo ba ko? Hah?!" naiinis niyang sabi habang patuloy sa paghampas sa akin.

"Aray!" daing ko. "Tama na, uy! Aray! Masakit na. Uy, aray! Aray!" Sinasalag ko ang mga palo niya ng mga braso ko.

"O, 'ayan pa bagay sa 'yo!" gigil niya nang sabi. "Ito pa at ito pa!"

Sangga lang ako ng sangga sa mga palo niya. Nang hindi pa rin siya tumitigil sa pagpalo sa akin ay hinuli ko na ang dalawang kamay niya.

Ang sakit na kasi ng mga braso ko sa mga hampas niya! Ang kapal kaya ng papel na pinapalo niya sa akin!

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Pinipilit niyang kumawala sa pagkakahawan ko sa kanya pero hindi niya magawa.

Inilapit ko naman ang mukha ko sa mukha niya kaya natigilan siya bigla sa pagpalag at napatitig sa mukha ko.

"A-ano na namang binabalak mo?" nauutal niyang tanong at napahakbang siya patalikod para layuan ako. Nahulog na rin ang hawak niyang mga papel.

Humakbang din ako palapit sa kanya habang humahakbang siya patalikod. Hanggang sa maramdaman niya ang pader sa likod niya. Wala na siyang hahakbangan. Hawak ko pa din ang mga kamay niya sa magkabilang gilid niya.

Pigil na pigil na naman ang tawa ko. Para kasi siyang pagsasamantalahan sa hitsura niya ngayon.

"R-Renz, a-ano ka ba... s-sorry na... i-ikaw naman kasi, eh..."

Napakagat labi siya nang hindi ko pinansin ang sinabi niya at napayuko. Inangat ko naman kaagad ang mukha niya at unti-unti ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. Nakita ko na lang na napapikit siya.

Hindi ko na napigilang mapangiti. Akala niya siguro, hahalikan ko siya sa labi. Doon ko naman talaga siya gustong halikan pero mas pinili kong halikan siya sa noo.

Napadilat siya matapos ang ginawa ko. Mataman akong nakatingin sa mukha niya at nagtatanong naman ang mga mata niya sa akin. Binitawan ko ang mga kamay niya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"H'wag ka nang iiyak ulit, ha?" masuyo kong sabi sa kanya. "Kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag umiiyak ka. Baka mapatay ko ang mga taong nagpapaiyak sa 'yo." Nakatitig ako sa mga mata niyang nangungusap habang sinasabi ko ang mga iyon.

Matapos ng ilang saglit na pagtititigan namin ay umayos na ako ng tayo at huminga ng malalim.

Ano na bang nangyayari sa akin?

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now