Bet Your Heart ♡ Chapter 17

Start from the beginning
                                    

Habang ako, nakikinig lang sa kanya at hinahayaan na lang siya na maglabas ng sama ng loob. Kailanga niya rin sigurong ilabas lahat ng sama ng loob niya para gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya.

"Ang mga kaibigan ko ngayon, sila ang mga kaibigang si Dad din ang pumili na karamihan ay anak ng mga business partners niya. Maganda ang pakikitungo nila sa akin kasi maimpluwensiya ang dad ko. Pero hindi ko talaga naranasan na magkaroon ng kaibigan na gusto akong kaibiganin hindi dahil sa power ng Dad ko." She sighed deeply. "Parang ang unfair. Ang malas ko," her voice broke pero nagpatuloy pa din siya sa pagsasalita. "Iyong mga lalaking nakapaligid sa akin, I know, they're not really sincere. They're after into something... fame, power, etcetera."

Pagkatapos noon ay tumahimik na siya. Hinayaan ko naman muna siya para makapag-isip siya. Pero naalarma na naman ako nang maramdaman kong may tumulong mainit na kung ano sa braso ko.

"Wendy..." tawag ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Naramdaman ko na lang ang pag-alog ng balikat niya, tanda ng pag-iyak niya ng tuluyan. Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"Nandito naman ako. I won't leave you," bulong ko sa kanya.

Umalis siya sa pagkakayakap ko sa kanya at lumayo siya ng bahagya sa akin. Pinunasan niya ang mga luha na naglamdas sa mga pisngi niya.

She smiled bitterly. "We know very well, kung anong dahilan kung bakit ka nag-i-stay sa tabi ko ngayon, Renz."

"Wendy, will you, please, don't look for reasons just for now? Kung titingnan mo lagi kung bakit nag-i-stay ang isang tao sa tabi mo, hindi mo mararanasang maging masaya. Why don't you just enjoy the feeling of being with them?"

Nag-iwas lang siya ng tingin at hindi umimik.

Niyakap ko na lang ulit siya at saka ako ulit bumulong sa kanya. "I want you to be happy... always."

Hinahaplos ko ang likod niya para i-comfort siya. Hindi na siya umiiyak pero alam kong nagpipigil lang siya ng iyak.

Matagal din kaming tahimik habang nasa ganoong posisyon.

"Ihahatid na kita sa hotel niyo," aya ko sa kanya nang mukhang okay na siya.

Naghiwalay na kami. Wala na namang umiimik habang naglalakad kami pabalik ng hotel niya. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. I like the feeling of her hand into mine.

"Thank you sa paghatid, Renz," sabi niya nang nasa harap na kami ng kwarto niya.

Hawak ko pa rin talaga ang kamay niya at parang ayaw ko na ngang bitawan. Ayaw ko siyang iwan ngayon gabi. Baka kasi pag-alis ko at siya na lang mag-isa, umiyak na naman siya. Ayokong umiyak ulit siya ng wala ako sa tabi niya. Gusto ko siyang alagaan at protektahan.

Nang nakita ko siyang umiiyak kanina, naramdaman kong kailangan ko siyang alagaan sa paraang gusto niyang alagaan siya ng mga taong mahalaga sa kanya. Hindi ko man alam kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon, pero sigurado kong hindi lang ito simpleng awa para sa kanya.

"Papasok na 'ko sa loob," paalam niya.

Nakatalikod na siya ng biglang humarap ulit sa akin. Naramdaman niya sigurong hawak ko pa rin ang kamay niya kaya yumuko rin siya sa mga kamay namin.

"Renz—"

"Dito na lang kaya ako matutulog sa kwarto mo?" putol ko sa sasabihin niya.

Halatang nagulat naman siya sa sinabi ko. Hindi na siya nakatanggi nang binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at hinila siya papasok.

"R-Renz, d-dito ka m-mat-tulog?" parang kinakabahan niyang tanong.

Nginitian ko siya ng nakakaloko. "Oo. Bakit, bawal ba?" Binitawan ko ang kamay niya at lumapit sa kama para humiga.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now