"Shunga na kung shunga. Mahal ko siya eh. Ganyan talaga kapag nagmamahal. Nagpapaka-shunga!"

Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Nasa harapan niya ako pero hindi niya napapansin ang presensya ko.

"Ang kulit mo rin Mimi eh. Kahit kailan talaga hindi mo na ako sinuportahan sa lovelife ko---"

Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang mag-angat ng ulo at mapagtantong nakatayo ako sa harapan niya. Bigla siyang namutla.

"B-Bam? A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang dahan-dahang pinipindot yung end button sa cellphone nya.

Imbes na sagutin siya, nakita ko na lang ang sarili ko na tinutungo ang daan palabas ng coffee shop.

So, mahal nya pa rin pala si Cyrus?

Hindi ko na nagawa pang magpaalam kela Lalaine. Agad akong umalis ng mall dahil nagbabadya na ang mga luha sa mata ko. Hindi pa nga ako naamin, basted na ako agad.

(LYKAH'S POV)

>>> FAST FORWARD. KUNWARI GABI NA. HAHAHA.<<<

Halos isang oras na akong nagpapabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto ko pero wala pa ring Bam na nadating. 11:45 na ng gabi pero hindi pa rin siya dumadating. Saan naman kaya posibleng nagpunta ang baklang yun?

Frustrated akong humiga sa kama ko at ginulo ang buhok ko pagkatapos ay tumitig ako sa kisame.

"Narinig nya kaya yung mga pinagsasasabi ko kanina? Kung narinig niya, bakit siya umalis? Diba dapat nga kinikilig pa siya? Baka naman nagalit siya? Tss. Oo nga pala! Bakla nga pala ang hampaslupang yun kaya hindi nya maiintindihan ang nararamdaman ko." Bulong ko sa sarili ko habang pinanggigigilan ko yung unan ko.

Kinuha ko yung phone ko pagkatapos ay pinakinggan ko ang conversation namin ni Mimi kanina. Mahilig kasi akong mag-record ng conversation lalo na kapag personal ang pinag-uusapan.

Kasabay ng pakikinig ko sa pag-uusap namin ni Mimi ay ang unti-unting pagpa-flashback ng mga nangyari kanina.

[ F L A S H B A C K ]

"Yow Mimi!" masaya kong sabi kay Mimi na nasa kabilang linya.

"O bakit parang ang saya mo naman ata ngayon?" nagtataka naman niyang tanong.

"Mukhang nahanap ko na ang bagong magpapatibok ng puso ko." Tila nangingisay kong sabi habang naglalakad papasok ng mall. May nakabangga pa nga akong manong dahil sa sobrang kaharutan ko.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Lykah. Hindi ka pa nga nakaka-move on sa ex mong manloloko."

"At sino namang nagsabi sa'yo na hindi pa ako nakaka-get over sa kanya?" pagtataray ko naman kay Mimi.

"Asus! Parang nung last week lang pumunta ka sa kasal ni Cyrus."

"Yun na yung last, Mimi. May bago na ako ngayon!" sabi ko na kilig na kilig pa.

"Okay. Sabi mo eh. Sino naman 'tong bago mo? Siguraduhin mo lang na papasa sa taste namin ni Wendy yan ha!"

"Tss."

"Wag mo akong ma-tss tss dyan, Lykah. Sino ba kasi yang bago mo?"

"Si Bam."

Narinig kong parang may naibuga si Mimi mula sa kabilang linya pagkatapos ay narinig ko pa siyang umubo.

"Anong nangyari sa'yo, Mimi?"

"Alam mo bang nakain ako ngayon Lykah tapos bigla-bigla ka na lang magjo-joke!"

BAM, THE BEKI MAIDWhere stories live. Discover now