Lost Academy #83.1

Start from the beginning
                                    

"Asper!" tawag atensyon ni Ashely sa akin. "San ka ba galing? Don't tell me nakipagkita ka kay Ley!" sabi niya na nagti-twinkle pa ang mga mata. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ah." I lied.

"Wag mo kong lokohin. Kung wala ka dito sigurado kasama mo sya. Ha!" sabi niya na animo'y genius na sya.

"Hindi nga." I lied again.

"Ashley, pabayaan mo na nga si Asper." sabi ni Kayle na huminto na pala sa pagpapalaho ng mga bagay bagay.

"Hindi kasi marunong magsinungaling eh." reklamo ni Ashley. Napatawa naman si Nikki.

"Saan ka galing Asper?" tanong ng isang malamig na boses sa di kalayuan. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.

"Dyan lang." sagot ko kay Clynn. Mukhang mas nagiging seryoso na ang isang to ah.

"Sa susunod magsabi ka sa kahit isa man saamin kung saan ako pupunta." sabi niya. Nagsalubong naman agad ang kilay ko.

"At bakit ko naman gagawin yun?" mataray na sabi ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin na salubong din ang kilay.

"Matutong kang makining kung ayaw mong mapahamak!" bulyaw niya. Natigilan naman kami sa sinabi niya. Ngayon lang kasi namin narinig na sumigaw ng ganoon si Clynn. Anong nangyari sa kanya? Dahil ba ito sa nangyari sa pagitan nila ni Razor? Sa pagkakaalala ko nagtago sya sa yelo niya ng panahong iyon. Wala syang ginawa kundi pabayaan akong masakal ng kadena ni Razor.

"Sino ka ba para pakinggan ko?" balik singhal ko sa kanya.

"Isang taong alam kung ano ang pinasok mo!" sabi niya sabay lumabas sa training hall. Halos malaglag naman ang panga ko sa turan niya.

"What was that?!" Di makapaniwalang tanong ko. Umiiling naman sila sa sinabi ko na para bang may alam silang hindi ko alam.

"Hala lagot ka." sabi ni Nikki saka iniwan na ako at nagtungo sa pwesto niya para magtraining.

"Asper talaga." umiiling na sabi ni Kayle at pati sya ay tinalikuran din ako.

"Tsk tsk tsk. Patay tayo dyan ginalit mo ang yelo." palatak ni Ashley.

"What?" di makapaniwalang sabi ko.

"Okay lang yan." sabi naman ni Ella. Ngunit ang hindi ko pinakaaasahan ay nang lumapit sa akin si Krema at sinenyasan niya akong lumabas. Hindi ko man alam kung ano ang gusto niyang sabihin ay sumunod nalang din ako sa kanya. Paglabas naman namin ay wala na doon si Clynn.

"Asper." panimula niya ng medyo makadistansya na kami mula sa loob.

"Bakit?" takang tanong ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang tensyon sa paligid.

"Nakita kitang nawala." seryosong sabi niya. "Nung gabing inatake ka ni Feur nakita ko kung pano ka nasunog at naglaho kayong dalawa ni Hollows." Nangunot naman ang noo ko. Wala akong naaalalang ganon ang naalala ko lang ay sinakal ako ni Razor sumunod non ay wala na akong maalala. Natrauma siguro ako sa nangyari.

"Wala akong pagkakataon na tanungin ka nito pero nung makita ka naming mahimbing na natutulog sa dorm mo ng sumunod na araw na wala man lang kahit anong galos sa katawan ay naguluhan kami. Hindi namin alam kung pano nangyari iyon. Pano nga ba? Have you been lying to me? May ability ka ba talaga Asper o wala?" tanong niya. Natutulog sa dorm ko ng sumunod na araw? What the hell is going on? Kagabi lang yun nangyari! Kagabi lang ako inatake ni Feur and for the record nagising nalang din ako sa lawa kasama ni Ley at yun lang ang tanging naaalala ko ngayong araw na ito.

"What are you saying?" takang tanong ko sa kanya.

"Asper. We saw you die in that flames. Sinunog ka ng nilalang na pinakawalan ko pati na rin si Hollows. Bigla kayong naglaho and the next thing we know, natutulog ka lang pala sa dorm. This is confusing. Asper anong nangyayari sa'yo?" tanong niya. Nilalang na pinakawalan niya? I'm not getting any of this. "Nag-usap kami nila Clynn and Keisler to keep this from you but I can't. Who would expect me to keep my mouth shut from this? Wala. My bibig ako kaya sa tingin ko dapat mong malaman 'to. I am not fond with those secret bullshit. I have had enough of those. Isa pa, iniipit din ako ng Council dito, anong akala nila sa akin... blah...blah.." sermon niya. Minsan naiisip ko na pareha talaga sila ni Nikki. Natigilan ako ng may magsink in sa akin sa sinabi niya.

Lost Academy Where stories live. Discover now