Chapter 10

101 3 2
                                    

Eyron's POV

THE CONCERT

"HOY EYRON KUPAAAAL GUMISING KA NA!" Nagising ako sa pag sigaw at pag yugyog ni Choi sa katawan ko. Puta ang sarap sarap ng tulog ko e! Minsan nagsisisi ako kung bakit ko pinsan tong kupal na to ang hyper!

"ANOBA" Sigaw ko sakanya na tumawa lang at tumigil na sa pag yugyog. Why am I even with him in this stupid apartment anyways? Right. School. Fuck I hate everything.

"Gumising ka na kasi! Concert ngayon ni Jacob Sartorius, pupunta tayo diba? Bro! Party ito!" Excited nitong pagpapaliwanag. Sasama lang ako dahil maraming chicks don. Not because I like the person na magcoconcert. Who the fuck is Jacob Sartorius anyways?

"Oo na gigising na ako! Anong oras ba pupunta si Aj dito? Nandun sakanya ang tickets ah?" Tanong ko sakanya at umupo sa kama. Kinukusot ko pa yung mata ko para mawala yung antok. Siya naman kanina pa hinahalungkat yung cabinet namin para sa damit niya. Tss.

Kakarating lang kasi ni Aj mula sa America kaya heto kasama siyang nag paparty. Tsaka sagot niya na din naman yung tickets kaya I'm chill about it.

"Uhm 1 PM pa bro" Sagot nito habang abala sa paghanap ng susuotin mamaya. Nilingon ko ang orasan, it's already 10 AM. Tumayo na ako at naglakad sa kitchen. I made my own breakfast. I don't expect Choi to do it anyway. Nung naluto na yung ulam ko ay nilagay ko na ito sa plato sa table. Uupo na sana ako nang may kumatok sa pinto.

"Yo bro! Pasok ako!" Ani ng kumakatok. Naglakad ako sa pinto para pagbuksan siya at tumambad naman ang ayos na ayos na si Drew. May dala siyang pizza. Great!

"Oh, ang aga mo yata?" Tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali talaga silang pumunta e. Mamayang gabi pa naman yun. Like 6 PM pa yung start ng show.

"Kasi bro, gutom na ako tsaka gusto kong dito na kumain. At isa pa, pag dating ni Aj aalis na tayo. Magiging crowded ang concert kasi inaantay to dito sa Davao" Pag papaliwanag niya. Iba talaga siguro ang mga concert sa Manila kesa dito sa Davao.

"Well I don't usually go to concerts so I don't care." Ani ko sakanya at iniwang nakabukas ang pinto. Sumunod na din siya at nilapag ang pizza sa mesa

"Yo Choi! Kain tayo bro, gutom na ako!" Sigaw nito kay Choi, si Choi naman agad lumabas mula sa kwarto papunta sa kitchen. Naka topless sya kaya kitang kita yung mala gitarang ribs niya. Wala man lang ka abs abs!

"Nag luto pa ako ng ulam, magdadala ka rin naman pala ng pizza tsktsk" Pagrereklamo ko kay Drew. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at ipinatong doon yung niluto kong bacon. Nagsimula na kaming tatlo sa pagkain ng pizza.

"Bro san pa ba magandang pasyalan dito sa Davao?" Tanong ko kay Drew na kumakain din ng pizza.

"Marami bro! Plano ko nga na after concert punta tayo sa Jack's Ridge!" Aniya na nakangisi.

"Sounds fun" Ani ko, tumango naman si Choi haban kumakain. Nagpatuloy lang kami sa pagkain dahil pagkatapos nito ay maghahanda na kami sa pag alis. Ilang sandali ang nakalipas ay may kumatok ulit.

"Bro! Papasukin nyo ako!" Sigaw ng tao sa kabilang side ng pinto. Tumango naman si Choi saakin at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

"Yo Aj! Akala ko ba 1 PM ka pa pupunta dito? 11:45 pa lang ah?" Tanong ni Choi na nakangiti. Nakipag high five naman si Aj sakanya at tumawa.

"Ang boring sa bahay sobra. Dito na lang muna tayo, chill." Aniya at pumasok sa apartment at nakipag high five saamin ni Drew. Isinara ni Choi ang pinto at pumasok sa banyo upang maligo.

"Bro, plano ko sanang mag Jack's Ridge after concert" Ani ni Drew kay Aj. Tumango naman ito.

"Sige pre magandang ideya yan! Matagal na din akong di nakapunta dun e" Aniya ng nakangiti. Tumango lang ako sakanila.

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now