Chapter 8

99 3 0
                                    

Josh's POV

ARTWORK

Hawak ko ngayon ang paintbrush ko at nauurat na ako kasi wala talaga akong maipinta. I've done a lot today, I've been to places para maaliw pero wala talagang inspirasyon! How would you even be inspired kung malaman mo na may cancer ka?

Last week kasi nag pa check up ako sa doktor kung ano ba talaga yung sakit ko kasi nanghinina ako tsaka nagkakaroon ako ng pasa sa katawan. Nahihilo din ako paminsan. Kaya ayun sabi ng doktor may leukemia daw ako.

May kumatok sa pinto kaya tumayo ako at inilapag ang mga gamit ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang nag aalalang mukha ni Julia.

"Baklaaaa! ANONG NANGYARE HUHUHU I CAME HERE AS SOON AS YOU CALLED!" Aniya, tumawag kasi ako sakanya kanina para ibahagi yung balita. Pero ang sabi ko lang sakanya ay ooperahan ako, di ko sinabi yung buong storya baka kasi himatayin siya.

"Halika dito bes, pasok ka muna" Ani ko sakanya at binuksan ng buo yung pinto para makapasok siya. Di ko alam kung papano ko sasabihin sakanya to kasi alam kong iiyak to. Sa buong buhay namin, never ko pa siyang nakita na nakipag halubilo sa ibang tao. Umupo sya sa upuan kaya dinalo ko din sya dun.

"Uhm ganito kasi bes.." Panimula ko, nanginginig na ako. I can feel the lump in my throat. You know that feeling when you try to prevent yourself from crying? It hurts your throat. I feel it now.

"May Leukemia ako bes, stage 4" Ani ko, I can feel myself shaking so bad, I want to cry but I have to be strong for the people around me especially Julia. Natulala siya sa kawalan at namumutla.

"Bes..." Aniya at humagulgol na. I'm sorry if I'm gunna leave you Julia, I'm really sorry.

"Bes please sabihin mong nagbibiro ka lang" She said between her sobs, umiling lang ako ng marahan. Mas lalo pa siyang humagulgol.

"I'm sorry Julia, I'm sorry if I'm leaving you" Ani ko at hinagkan siya. She lost her family and actually ako na lang talaga pamilya niya. I feel guilty kasi iiwan ko din siya.

She stayed in my apartment for hours til sundown. She's really sad about the news. Umiiyak siya whenever a memory of us pops into her mind.

"Please Julia wag ka na umiyak, buhay pa naman ako." I told her a few times earlier but it only made her cry more.

Time went by and it's already time para umuwi na siya. Inihatid ko siya sa pinto and I gave her a warm smile to send her off. I'm really sorry bes.

Nung naka alis na siya ay umupo ako ulit sa upuan sa harap ng canvas na blanko. Pupulutin ko na sana yung paintbrush ko nang may kumatok ulit sa pinto. Nagtaka ako kasi wala naman akong ineexpect na dumating ngayon. So I anxiously walked towards the door and opened it.

"HOY BAKLA!" Sigaw nitong babae sa pinto ko. May dala siyang kambing wtf? BUHAY NA BUHAY PA ITO PUTAaaaaaaa

"HOY LIRISHA! PAANO MO NALAMAN NA DITO AKO NAKATIRA?! AT BAKIT MAY DALA KANG KAMBING?! AT ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Sigaw ko din sakanya. Puta kahit may Leukemia ako naiinis parin ako sa karibal ko kay Fafa Raseff tangina.

"First, dahil may radar yung kambing ko. Second, dahil peace offering ko to. Third..." Aniya at napahinto, yumuko siya at napabuntong hininga.

"Because I've heard about you" Dagdag nito at agad naman nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Wtf?

"So? I'm still alive bitch" Ani ko sakanya at inirapan siya. Tumalikod ako sakanya at bumalik sa art space ko. Sumunod naman siya saakin at isinara yung pinto. Itinali niya yung kambing sa doorknob wtf talaga.

"Alam ko na buhay ka pa, di ako tanga. Pero wtf? May Leukemia ka! Heller! Kahit na nag aaway tayo parati dahil inaagaw mo saakin si Ras, syempre deep down I still care about you" Aniya. True. I care about her too. Pero hindi ko yun ipapaalam sakanya.   Ew.

"Yeah whatever" Ani ko at kinuha na yung paintbrush. I already have an image in mind. Desidido na ako na yun ang ipipinta ko dito. Tumayo naman si Ree at nag libot libot sa art space ko. Titignan niya yung bawat artwork ko, sinusuri at hinahangaan.

"Hoy bat may painting ka ng tite? Tsaka bat may mukha? Ano to? Sad Tite? wtf?" Aniya hawak hawak yung canvas ko na may nakapintang tite na may mukha na malungkot.

"Oo, may magagawa ka ba? Wala! Kaya shut up ka na lang." Ani ko at nag simula nang mag pinta. Umirap siya at umupo ulit.

Nag stay sya dito hanggang dinner, siya na umorder. Nag pa deliver sya ng Chinese food at pizza. Inaaliw aliw niya ako at kinakausap. Nag story din siya about sa kambing at kung papaano at saan niya ito kinuha. Habang ako nakikinig lang din habang nag pipinta.

It's already 11:30 PM at napansin ko na nakatulog siya sa sofa. Kumuha ako ng kumot sa kwarto at iniligay yun sa katawan niya.

"Thank you Lirisha" Bulong ko sakanya at bumalik na ulit sa pag pipinta.

It's now 5:00 AM. I finished my artwork. And I'm satisfied of what I've painted. Narinig ko na nagising si Lirisha. Tumayo siya at nag lakad papunta sa likod ko.

"Ang ganda ng pyesang naipinta mo Josh" Aniya at napangiti naman ako. I know it is. Even I, stared in awe at my drawing because it's just so precious. It's really beautiful and I feel like crying. This is my Artwork. This is my piece of all time. And I'm in love of my painting.

"You painted Christ the King" dagdag pa nito. And I smiled even more.

I will do anything just to stay alive.

[Sorry for the boring chapter and for the late UD. Na writer's block ang bibeh niyo hahaha. May nilagay po akong picture ng sad tite :>]

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now