Chapter 3

133 6 0
                                    

Jethro's POV

CONDOM

"Bro please remind me why we need to do this grocery thing" Ani ko kay Paulo na may hawak na listahan ng bilihin

"Because magkakaroon ng sleepover yung kapatid ko mamaya, so she asked me to buy this" Aniya sabay pag kaway ng listahan sa mukha ko. Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy kami sa paglilibot. Ang laki kasi ng drugstore dito, isang building siya, tas merong kahati na convenience store. Kaya dito kami pumunta kasi mas madali at malapit sa mga kainan. Mcdo is just right around the corner. I'm sure dun kami after nito.

"Pau do we need to do this?" Naiirita kong pag reklamo, langya to! Dapat kasi siya na lang yung pumunta dito. Sinama pa talaga ako tss.

"Yes, my sister wants this to happen and so it will." Aniya at kumuha ng tatlong Cheetos na malalaki. Wow base sa dami ng pagkain at materyal na binibili naman ay madami silang makikitulog sa bahay nila Paulo mamaya.

"Grabe e ikaw yung nakakatanda sainyo ni Dea, bat ikaw yung pinaguutusan" Reklamo ko ulit, yeah I met his sister once. She's pretty yeah, pero parang baliw talaga yun. Ewan ko, di ko siya type. Kung gumalaw kasi siya mag aakala ka na nakahithit siya ng sandamakmak na shabu, or baka nga mas akalain mo na siya yung nagbibenta ng shabu.

"Bro will you please shut the fuck up? Normal lang to saamin. I love my sister that's why I'm doing this." Pag papaliwanag nito habang patuloy pa rin sa pag kuha ng mga pagkain.

"Ang sabihin mo, nandun yung crush mo! Yung kinikwento mo saakin na tropa ng kapatid mo!" Inirapan niya ako at hinagis yung isang bag ng chips sa mukha ko. Gago!

"Ewan ko, sumunod ka na lang kasi! Tsk tsk tsk" Pagsusungit nito. Naglakad na kami sa likod kung saan nakahilera yung mga refrigerators nila. Kumuha sya ng dalawa na tig iisang litrong Mogu-Mogu.

Naglibot libot pa kami hanggang sa maubos yung nasa listahan ng kanyang kapatid. Tsk.

Naglalakad na kami papunta sa counter, dun kami dumaan sa toiletries section. Papalapit na din kami sa counter, medyo mahaba pa yung pila. Dumiretso na kami doon at pumila.

"Bro ang haba ng pila! Nakakinis!" Pagrereklamo ko, agad niya naman akong binatukan kaya gumanti din ako.

"Malamang kasi maraming bumibili kaya mahaba yung pila, ano pala gusto mo ikaw lang bibili dito? Ganun?" Sarkastiko niyang sinabi saakin. Tumalikod na ulit ako sakanya at binalewala siya. I decided to stop complaining and wait for our turn.

"Bro kumuha ka nga muna ng Napkin, yung Whisper with wings nag text kasi si Dea bago lang" Aniya. Natulala naman ako sa sinabi niya.

"HOY GAGO ANONG NAPKIN NAPKIN?! AYOKO! AYOKO! AYO-KO!" Binulong ko sakanya na natataranta. Hala! Sumama na nga ako dito para maging alalay, ngayon uutusan niya pa akong kumuha ng napkin?! NAKAKAHIYA!

Nilingon niya ako na nakakunot ang noo, tinignan ko siya gamit ang matigas na ekspresyon na nag sasabing "AYOKO"

"Sige na kasi bro mabilis lang naman yun" Aniya pero di ako nakumbinsi. Bahala siya sa buhay niya!

"Ge ako na nga lang. Napakatamad mo talaga! Papatayin ako nun kung di ako makabili. You don't wanna mess with a girl na may rumaragasang red tide." Natatawa niyang sinabi at nag lakad pabalik sa mga toiletries.

Umiling iling na lamang ako at tinignan ulit yung bitbit kong basket na may laman na grocery.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, halos maubusan ng dugo yung mukha ko. ANG GAGO! NILAGYAN NIYA NG CONDOM YUNG BASKET! HINDI LANG ISA PERO YUNG ISANG BOX PA TALAGA!

Inilibot ko yung paningin ko pero mukha naman walang may pake na may ISANG BOX NG CONDOM SA BASKET KO PUTANGINA PAULO PAPATAYIN TALAGA KITA!

Hindi ko pipwedeng isali ito sa bayaran mamaya gago talaga! Pasimple ko namang nilaglag yung box sa tabi. Pinikit ko ang mata ko at nag dasal na sana ay walang maka pansin. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nung wala ngang nakapansin. Ngunit

"AY KUYA NAHULOG PO YUNG MGA CONDOM NYO!" May sumigaw sa likod, nanlaki ulit ang mata ko. Hindi ako nakagalaw at feel ko ay wala na talagang dugo sa katawan ko.

"Kuya yung condom nyo po!" Aniya ulit. Puta.

Dahan dahan ko siyang nilingon, babae siyang mukhang birhen tang ina. Big brown-eyed girl. Napaka inosente niya talaga tignan tangina to.

"Hindi akin yan miss..." Tanggi ko na pa iling iling. Kumunot naman yung noo niya

"Nakita ko po to na nalagalag mula sa basket niyo." Sagot niya at iniabot ang box ng condom saakin. Umalis siya at tumakbo palabas ng building.

HOLYSHIT!

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now