Chapter 9

100 2 0
                                    

Paulo's POV

PHOTOGRAPH

Bukas na yung concert so it means huling araw na ng sleepover ng barkada ng kapatid ko dito sa bahay. I don't really mind kahit mag tagal pa sila dito. Kasi mas matagal ko pa siyang makakasama.

It's like 5 in the morning tas gising na ako, ang aga pa pero alam kong di na ako makakatulog ulit so I decided to go out and make coffee. I'm sure the girls are still asleep. Normally kasi nagigising sila madaling araw na, like 9 AM. Pero madalas din na di sila kumpleto kung mag bibreakfast.

Pagkatapos kong mag timpla ng kape ay pumunta na ako sa sala para manuod ng tv. Malayo pa lang ay narinig ko na ang marahang ingay mula sa tv kaya ko agad nalaman na may gising na. Sinilip ko kung sino yung nanunuod at nakita kong nakaupo si Monica sa sala at nanunuod ng tv.

"Hey can I join you?" Ani ko sakanya at tumango naman siya saakin. Umupo ako sa sahig. Baka kasi sabihin niyang papansin ako.

"You want coffee? Magtitimpla ulit ako para sayo." Pag offer ko sakanya, ngumiti naman siya saakin at tumango.

"Uhm, hot chocolate would be enough Pau." Aniya ng marahan, almost a whisper. Nginitian ko din siya pabalik. Inilapag ko ang kape ko sa center table tsaka tumayo ulit at nag lakad papuntang kitchen upang mag timpla ng panibagong inumin.

Ilang sandali ay bumalik na ako sa sala dala ang hot chocolate ni Monica. Iniabot ko ito sakanya at umupo ulit kung saan ako pumwesto kanina.

"Thank you Pau" She said. Tumango ako at ngumiti. Binaling ko ang atensyon ko sa pinapanood niya. She's watching If I Stay.

"So, why are you up this early? Because I know usually you girls wake up hours later pa Mon" Ani ko sakanya at humigop ng kape ko. Nagkibit balikat naman ito.

"Hindi kasi ako makatulog e" Aniya at tinitigan ako.

"Bad dreams?" Tanong ko sakanya at napatawa ito at umiling. Umupo ako ng maayos at hinagkan ang aking tuhod at nanuod din ng tv.

"No, not really. Di lang talaga ako makatulog. Nagising kasi ako and yun, di na ako makatulog. Kaya lumabas ako at nanuod ng tv" Pag papaliwanag nito at ibinaling ulit ang atensyon sa tv.

"You can sit here beside me you know" Dagdag pa nito moments later. Napakamot naman ako ng batok at umupo sa tabi niya. We watched two movies, laughing at some moment or two.

We we're almost done with the second movie and it's already 7:05 AM at naisipan ko agad na kunin yung iPhone ko.

"Hey let's take a picture" Ani ko at nag selfie kaming dalawa. Kinuha niya din ang phone niya at nag selfie din kami dun. Ngumiti naman siya, nag wacky at kung ano ano pa. Napatawa ako sa mga ginawa niya.

"You're so beautiful Mon." Ani ko at napawi naman ang ngiti nito at tumutok sa tv. Nakita ko din ang pamumula ng pisngi niya. Damn too adorable.

"Uhhh thanks..." Bulong nito at kinagat ang labi. Shit why. Tumayo ako at tumakbo sa kwarto, hinihingal ako. Kailangan ko ng self control, pero mahihirapan ako kapag ganyan siya. Nagpapa good shot pa naman ako. Instead, kinuha ko na lang yung gitara ko at bumalik sa sala.

By the time I went back, naka off na yung tv at nakahawak na lang ng phone si Monica. Probably surfing the internet.

Umupo ako ulit sa tabi niya. Umusog naman siya para makaupo pero mas interesado ata siya sa ginagawa niya. Nag simula ako sa pag pluck ng gitara at kumanta

"Loving can hurt

Loving can hurt sometimes..."

Panimula ko at agad naman itong tumigil sa ginagawa niya sa phone niya. Hinarap niya ako at nakinig

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now