Chapter 7

115 2 0
                                    

Jeng's POV

PAST IS PAST

Nag bibreakfast na kami ngayon, si Dea, Ree, Mon, Tenten at ako na lang yung andito kasi umalis yung magkapatid. Actually naabutan ko si Jeanel na paalis pero binalewala ko na lang dahil sa antok kanina. Maaga pa yun e, 6:30 AM pa lang nun. E nagising na talaga kami around 8:30 AM na. Si Leigh naman manonood daw ng cine kasama si John.

"Alam nyo ba kung saan pumunta si Jeanel?" Tanong ni Ree habang kumakain ng hotdog. Wala naman sumagot

"Nakita ko siya kanina around 6:30, palabas ng bahay." Sagot ko kay Ree. Nag kibit balikat lang ito at nag patuloy sa pagkain ng breakfast.

"Hey guuuuuys IM BAAAACK!" Narinig namin si Jeanel mula sa pinto, ay nakabalik na pala siya. Naglakad siya papunta saamin na may ngiting aso. Mukhang maganda yung umaga ng isang to.

"San ka galing?" Tanong ni Mon na tapos nang kumain. Umupo naman si Jeanel sa tabi niya at nangalumbaba sa mesa na nakangiti sa kawalan.

"Dun lang sa KFC" Ang tanging sagot na natanggap namin mula sa babaeng nakangiti sa kawalan na malambot ang tingin sa hangin. Nagkatinginan kaming lima at tumango ng sabay

"Inlove ka Jeanel" We said in unison while staring at Jeanel. Bigla naman itong nawala sa dazed self nya at ngumiti saamin. Umiling iling ito na tila bang may inaalala.

"Mabuti pa kayo may lovelife" Ani ni Dea na nakasimangot, hanggang ngayon wala pa talaga siyang lovelife. NBSB yan e. Takot din kasi kay Paulo yung mga manliligaw niya. Kawawa naman siya.

"Andito pa naman ako Dea" Ani ko sakanya na nakangiti. Agad naman silang napatingin saakin. Naeestatwa.

"Di na ba talaga maibabalik yung dati Jeng?" Malungkot na tanong ni Mon, si Ree naman ay natigil sa pag kain, si Tenten tahimik lang na umiinom ng tubig, si Dea at Jeanel nakatingin lang din saakin. Nag buntong hininga ako.

"Hindi na. PAST IS PAST AND SHOULD NEVER EVER HAD TO BE DISCUSSED" Madiin kong sambit na nakatingin sa sarili kong plato. Hindi ko sila kayang titigan kasi alam kong iiyak lang ako. Nararamdaman ko yung galaw nila sa hapagkainan, naririnig ko din yung mga bulong nila.

"Ikaw na kasi mag sabi sakanya!" Bulong ni Jeanel kay Ree na naririnig ko naman

"Ikaw na! Ikaw nakakita e!" Sagot naman ni Ree kay Jea na pabulong. Nanliit yung mga mata ko, naririnig ko talaga sila tangina.

"Shhh baka marinig niya kayo!" Bulong naman ni Dea na mas malakas pa sa bulong ni Ree at Jea.

"Sa lakas ng pagbubulong bulongan niyo, narinig ko na lahat!" Iritado kong sambit at itinaas ang tingin ko sa lima.

Agad naman silang napatigil sa pag senyas at biglang umaktong kumakain, nagbabasa ng magazine na kanina naman ay wala, nag bibilang sa kamay, nag bibilang ng hotdog at may sumisipol. Tinignan ko sila ng madiin.

"Halatang halata kayo" Ani ko sa flat na tono, yung mukha ko naman naka poker face. Nakita ko naman ang pasimpleng pag kurot ni Tenten sa katabing si Ree, napatalon naman si Ree sa ginawa ni Tenten at agad naman itong tinignan ng masama. Ngumuso naman si Tenten sa direksyon ko na para bang di ako nanunuod.

"Okay guys ano ba talaga yan?" Tanong ko sakanila, umayos naman sila sa pag upo. Umubo naman si Ree habang umiinom ng tubig. Hindi parin sila makatingin saakin.

"Okay, Tenten tell me what's going on." Ani ko kay Tenten na nanlaki naman ang mga mata.

"Bakit ako?! Hoy Jeanel ikaw!" Gulat at natatarantang sagot ni Tenten. Agad naman nitong tinapik si Jeanel at nginusuan ako.

"Jeanel?" Tanong ko na nakatingin kay Jea

"Uhm ano kasi Jeng, nakita ko si-" Aniya ngunit naputol nung lumabas at nag join si Paulo saamin sa hapag kainan.

"Hi girls, good morning. Kukuha lang ako ng breakfast, dun na ako kakain sa kwarto" Ani ni Paulo habang kumukuha ng breakfast. Bitbit niya yung cellphone niya na tumutugtog yung "Muli" ni Bugoy Drilon.

*bakit di pagbigyan muli ang ating pagmamahalan

kung mawawala ay diba't sayang naman?

lumipas nating tila ba kailan lang...*

Nanlaki naman ang mga mata nila, at nataranta na.

"Uhm Paulo, pwede mo bang palitan yung kanta?" Tanong ni Mon na agad naman pinalitan ni Paulo. Napalitan ito ng "We Are Never Getting Back Together" ni Taylor Swift.

"Uhm, good morning Monica" Binati niya si Monica at nginitian ito. Ibinalik din ni Monica yung gesture.

"Kuya bilisan mo naman!" Pagrereklamo ni Dea kaya agad naman umalis si Paulo at tumungo sa kanyang kwarto. Nung makaalis si Paulo ay naghalukipkip ako.

"Jeanel di pa tayo tapos, sabihin mo na." Ani ko kay Jeanel na lumulon ng laway. Wow.

"Nandito na siya sa Pilipinas Jeng, umuwi na siya." Aniya na nakatingin saakin with worried expression. She doesn't have to say his name, my ex's name. Alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

He left me, without even saying good bye! Sinabi niya na lang saakin nung nandun na siya sa America. Hindi kami nagkaroon ng closure or anything, we just stopped communicating. I was really devastated so I deactivated all my accounts that connected to him and made new ones.

[A BLAST FROM THE PAST NI JENG! O M G]

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now