Chapter 5

127 5 2
                                    

Choi's POV

KRUSHERS

Nag lalakad na ako papuntang KFC, bibili ako ng Krushers hehe. Inilagay ko ang earphones ko para makinig sa music, tsaka pumasok na sa KFC ng biglang PAK! Puta nabangga ako sa salamin leche anong klaseng daanan to! Bat may salamin! Huhu akala ko bukas e! Tangina!

"Choi wag mo dalhin dito sa Davao yung katangahan mo, kakarating lang natin dito ah" Ani ko sa sarili ko na umiiling iling

Tinanggal ko yung earphones ko at binuksan yung putanginang pinto at pasimpleng pumila para bumili ng Krushers. Nag paalam na din ako kanina kay Eyron na pupunta ako dito. Nakakainip kasi dun sa Apartment tsaka feel ko talaga may multo dun e huhu puta.

May pumila din sa likod ko, pero matagal pa naman yung turn ko kaya nakinig na lang ako ulit sa music.

"Something bout you makes me feel like a dangerous womaaaaan" pagkanta ko ng mahina sa high pitched voice.

"Something bout something bout youuuu..." patuloy ko sa pag kanta with matching head bang yeah i can feel it yeah.

(AN: Wala nang naririnig si Choi kasi feel na feel nya yung music niya kaya ganto nangyayari sa paligid niya)

--babae sa likod--

"Hello? Oo umalis ako, bibili lang ako ng Krushers tas babalik jan, oo sorry na tulog pa kasi kayo e" Sagot niya sa kausap niya sa phone.

--lalake sa harap--

"Yan lang miss, oo take out. Ay padagdag pa nga ng Funshots, oo sige yan lang..." Sagot niya sa crew ng KFC.

Tapos na yung lalake sa harap ko kaya lumapit ako sa counter para makapag order.

Crew: "aldkjcksklalakdjkslala"

Me: "ha?"

Crew: "akdjjckskskfkskkshdhsjka"

Me: "Ano miss?"

Sumenyas naman siya na tanggalin ko daw yung earphones ko, ay puta teka nakalimutan ko HAHA SHIT! Tinanggal ko ang earphones ko at nginitian na lang siya. Sheez!

"Sorry uhm, pa order nga ng Krushers..." Ani ko at ibinigay na yung bayad sakanya. Inasikaso na din ng crew yung inorder ko kaya ibinalik ko na ulit yung earphones para makinig ulit ng music habang naghihintay.

Maya maya ay iniabot na saakin ng crew ang order ko, hawak ko ang Krushers sa isa kong kamay habang phone naman yung sa kabila. Aalis na sana ako ng biglang SPLASH! Hala huhuhu natapon yung Krushers  sa babae sa likod puta.

Agad ko namang tinanggal yung earphones ko at tinignan yung babae para suriin kung okay lang ba siya.

"Uhm miss sorry, sorry talaga huhu" Ani ko sakanya, di naman siya nabasa sa damit, yung braso niya lang yung nabasa, pero kahit na. Huhuhu.

"Okay lang yon" Sagot niya, nagkatinginan kami at ngumiti siya. Feel ko matutunaw din ako kagaya ng natapon na Krushers pakshit ang ganda pala niya. Agad agad kong kinuha yung panyo ko at inialay sakanya.

"Eto miss oh, pasensya ka na talaga tanga lang talaga ako paminsan" Ani ko sabay abot sakanya ng panyo, kinuha niya din ito.

"Haha napansin ko nga, nabangga ka pa sa pinto kanina" Aniya at tumawa. Wtf? Huhuhu may nakakita pala puta nakakahiya.

"Haha nakita mo pala yun, tsk. Ganto na lang miss, ililibre na lang kita paraa naman makabawi ako sa nagawa ko." Pag suggest ko sa kanya na kanya namang pinag isipan

"Sure haha Krushers lang naman yung gusto kong bilhin" Aniya at napangiti naman ako, di niya ako tinanggihan. Yes!

Pumila ako ulit at bumili ng dalawang Krushers at dalawang Funshots na large. Pagkatapos nun ay kumuha kami ng table. Mag isa lang din naman siya dito kaya niyaya ko na lang siyang sumabay na saakin.

"Are you always like this?" Tanong niyang panimula, napangiti ako. Mahilig siyang makipagusap, I can tell.

"Like what?" Tanong ko pabalik sakanya, I can't take my eyes off her, damn girl!

"Like this clumsy?" She asked at napatawa pa. Napakamot na lang ako ng batok sa kahihiyan.

"Di naman parati, pero kasi may oras talaga na medyo wala  ako sa sarili hehe" Sagot ko at binaling ko ang atensyon ko sa Krushers, baka kasi pag di ako nag concentrate ay makagawa pa ako nga kahihiyan.

"Well atleast you're nice enough to offer me a breakfast" Aniya at tumawa ulit, mas madali din makipag usap kasi di siya yung shy type. Di siya pabebe at magaan siyang kasama. She's good looking, kahawig niya si Selena Gomez. In my opinion, that is.

"Paborito mo ba yung Krushers?" Tanong niya ulit, napangiti ulit ako. Damn she's so cute asking me all this kind of things. Hindi siya nahihiya ang cute talaga! Tinignan ko siya ulit.

"Oo e hahaha yan talaga binibili ko dito maliban sa Funshots" Sagot ko sakanya habang pinagmamasdan siya.

"Wow! Same pala tayong paborito yung Krushers!" Aniya na tumatawa na may pa iling iling effect pa. Tsk miss bat ang ganda mo?

"Krushers ka ba?" Tanong ko sakanya, kumunot ang noo niya at napatingin talaga saakin.

"Hindi, bakit?" Sagot niya na naka pout. Eeeh ang cuuute! Sarap niyang kurutin sa pisngi huhuhu.

"Kasi Krushers na ata kita miss e" Ani ko sakanya. YUN OH GALAWANG CHOI! Agad siyang natahimik at nakita ko sakanyang mukha na nag blush siya. Nahihiya siya shet! NAHIHIYA SIYAAAA ANG CUTE NIYA PALA LALO NA KAPAG NAHIHIYA!

"A-ano k-kasi t-tawagin mo na lang akong Jea, short for Jeanel." Aniya at mas lumawak pa yung ngiti kong kanina pa nasa mukha ko.

"My name is Kenneth, but call me Choi"

[Okay guys yes! #ChoNel is now sailing! Who's your favorite ship? Is it #RaseRee? Or is it #MonRew? hmm let me guess, is it #JethEn? Comment down your ship so far ppl!]

THE G-SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon