Chapter 4

138 3 3
                                    

Dea's POV

SLEEPOVER

"Manang? Asan na po si Kuya Paulo?" Tanong ko kay Manang nung makapasok kami sa bahay. Pagkatapos kasi ng story ni Ree ay napag desisyunan na namin na dumiretso na dito para makapag handa. Magkakaroon kami ng sleepover! Yes, gumaganern kami.

"Ay nako Hija di pa siya nakauwi e, pero palagay ko pauwi na din yun. Itext mo na lang siya." Aniya. Sinunod ko ang utos niya at dali daling itinext yung kuya ko.

"Sige po Manang thank you." Ani ko sakanya, tumango siya at nginitian ako. Bumalik na din siya sa kusina upang mag handa ng makakain.

"Guys wala pa dito si kuya" Pag aanunsyo ko pag dating sa living room. Ayun ang anim kong kaibagan sa kanya kanya nilang napiling pwesto sa sala. Yeahp. Masyadong feel at home yang mga yan dito.

Pagkatapos kasi namin makinig ng story ni Ree kanina ay naisipan na namin na dumiretso na dito at dito na ipagpatuloy yung chikka. Mag paplano pa kami para sa concert ni Jacob Statorship. Mukhang masaya naman, pero puta di ko talaga kilala kung sino yun HAHAHA TAKTE!

"Urghh nag c-crave na ako ng Mogu-Mogu huhuhu" pag rereklamo ni Monica. Paborito kasi nito ang Mogu-Mogu kaya ayan nagrereklamo na.

"Hindi na ba makapag hintay yang mga bulate mo jan Mon?" Natatawa kong tanong, napatawa rin silang lahat at kinantyawan si Monica tungkol sa mga bulate niya. Si Tenten naman ay madalas tulala.

"Monica paki sabi sa mga bulate mo na mag dahan dahan naman, kawawa ka kasi e, baka tumaba ka na." Ani ni Leigh habang nag seselfie, agad naman kaming lahat tumawa haha baliw to!

"Baka naman may pangalan yang mga alaga mo jan Mon?" Pagbibirong tanong ni Jea sa tabi ni Ree na humahagalpak na sa kakatawa.

Hutangina bat ganto kami HAHAHHSHAHAHAHA!

"Guys.." Ani ko sa mga tumatawa kong mga kaibigan, hindi nila ako narining sa kakatawa. Tss paano ba to. Umiling iling ako, mas mabuti na mag tanong kesa muntanga ako.

"Guys!" Pagtatawag kong mas nilakasan, ngunit sa tawa ba naman ni Ree na abot sa kabilang subdivision malamang di nanaman narining yung tawag ko. Nakita ko naman si Tenten na nakatingin saakin, nagkatinginan kami at nag kibit balikat na lang ito at ibinalik ang atensyon sa mga kantyaw ni Jea at Leigh kay Monica. Huhuhu Ten di mo man lang ako tinulungan!

"GUYS ANO BA KANINA PA AKO DITO GUYS NG GUYS E!" Sigaw ko na agad naman silang napatigil at napatingin saakin. Lahat sila naka pause, ay HAHAHAHHA.

"Oh ano yang mga mukha nyo?! Paint me a picture pa peg nyo kaloka" Patawa kong sambit sakanila na umiiling iling. Yung mga mukha nila ngayon naka poker face na, tinitignan nila akong anim.

"Ano ba kasi yon Dea?" Tanong ni Jeng, whew paano ko ba sasabihin to wtf.

"Uhm ano kasi..." panimula ko ng biglang sumingit saakin si Ree. PUTA QUEEN OF SINGIT ATA TO!

"OMYGOD BUNTIS KA?!" Sigaw ni Ree na may ekspresyon na di maexplain. Agad naman itong nakatanggap ng unan sa mukha mula saakin. Baliw lang?

"HINDI YON ANOBA REE!" Sagot ko at inirapan siya. Napatawa naman yung ibang girls. Umiling iling na lang si Tenten. Si Tenten kasi parating inaaway ni Ree haha!

"So ano na nga?" Tanong ni Jea, lahat na sila nakikinig saakin.

"Uhm...kasi di ko alam kung-" Ani ko ng bigla ulit akong pinutol ni Ree

"NAKAPATAY KA NG TAO?!" Sigaw niya ulit, shutanghon babarilin ko na to sa kakasingit niya e!

"REE TUMAHIMIK KA NGA MUNA!" Sigaw ko pabalik na sanhi ng pag tawa nila. Jusme! Lalong tumatagal ay nahihiya na ako!

"Okay sige ano na yun Dea?" tanong ni Jea na tumango naman si Leigh saakin hudyat ng pag simula ko sa pag kikwento

"Uhm, sino ba kasi yan si Jacob Statorshoes?" Tanong ko, ngayon ay natulala silang lahat saakin na di malaman kung anong iniisip nila, at agad naman napalitan ng ekspresyon na feel mo ay ih mumurder ka nila agad agad.

"DEA! ANOBA!" Pagrereklamo ni Jea at agad nila akong pinanghahampas ng unan huhuhu sino ba yang Jacob na yan!

"KANINA MAS EXCITED KA PA SAAMIN, TAS DI MO NAMAN PALA SIYA KILALA!" ani ni Ree habang pinaghahampas din ako ng unan anobaaaa!

Kumuha din ako ng unan at pinaghahapas na din sila, ngayon ay nag pipillowfight na kami sa sala. Ang kukulit namin HAHAHAHA. Si Ree naman ay si Tenten na yung pinupuntirya sa pag hampas, hindi naman nag papatalo si Ten.

Bumukas ang pinto at ako lang ang nakapansin, andito na pala sila Kuya. Ibinato ni Tenten yung unan kay Ree, agad namang umilag si Ree. Tumama ito sa taong papasok sa pinto. Napatigil kaming lahat sa nangyari.

Nanlaki naman ang mata ni Tenten sa nangyari.

"IKAW NANAMAN?!" Sigaw nilang dalawa.  Si Jethro na natamaan ng unan, sabay si Tenten na nag hagis ng unan.

Pabalik balik ang tingin namin sakanilang dalawa naghihintay ng dugtong sa storya.

"IKAW YUNG BABAENG NAG PUMILIT NA IBIGAY SAAKIN YUNG CONDOM!" Sigaw ni Jethro na namumula na sa galit. Nanlaki ang mata ko ata agad kaming napatingin kay Tenten na pulang pula, sa galit  or baka kahihiyan. Ewan. Walang nag salita. Di kasi nila alam kung ano ang sasabihin.

"May condom ka Ten?!" Tanong ni Ree na agad namin tinignan ng masama. Kung ano man ang nangyari kanina ay hindi namin alam. HHAAHAHHAHAHHAHAHAHHA JUSKO CONDOM AND TENTEN DOESNT SOUND RIGHT!

THE G-SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon