Chapter 6

99 3 0
                                    

John's POV

BLUE SHIRT

*Calling Leigh...*

*Ringing...*

"Hello?" Aniya sa kabilang linya, aanyayain ko kasi siya ngayon manuod ng cine. Medyo matagal na din kasi kaming di nakapag bonding ng bestfriend ko.

"Yo Tol! Where are you?" Tanong ko sakanya, nakahiga parin ako ngayon sa kama dahil kakagising ko lang din naman. She's at her friend's house kasi, nag sleepover daw sila sabi saakin ni Jea yung kapatid niya.

"Andito parin kanila Dea, bakit nanaman? Ang aga aga nambubulabog ka!" Aniya sa kabilang linya, narinig kong may nagmura sa tabi niya. Natawa ako, girls and their sleepovers. Weird. Iba talaga mag sleepover kaming mga bois at silang girls tsk.

"Manood tayo cine tol! Matagal na tayong di nakakapag bonding ah?" Ani ko sa tonong nagpapalambing. Psh, papayag din to! HAHAHAHA maaawa yan sakin e, di niya ako matitiis.

"JOHN BONIFACIO LEVAN, ANDITO NGA AKO KANILA DEA ANO BA TSAKA ANG AGA PA!" Pagsusungit nito sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako, nasabi din ni Jea na may dalaw ang ate niya kaya ayan dragon mode on.

"Tsk. Namimiss lang naman kita Leigh, hays" Ani ko sa malambot na tono, narinig ko naman na nag buntong hininga rin siya sa kabilang linya. Napangiti ako

"Pwe! Sige na nga!" Pag sang ayon nito, mas lumawak naman ang ngiti ko at agad akong bumangon mula sa higaan.

"Yes! Thank you tol! Sige mag bihis ka na diyan, susunduin kita" Ani ko at ibinaba yung call. Agad naman akong naligo at nag bihis. Nag hanap pa ako ng magandang porma. Syempre dapat pogi anoba.

Kinuha ko na yung car keys ko at lumabas sa bahay. At nag simulang maglakad. Susunduin ko na si Leigh! At maglalakad lang ako! Djks ngumisi ako ng pagkalapad. Pumasok na ako sa sasakyan at nag simulang mag maneho papunta sa bahay nila Dea. I know them too but Leigh is really the one I get along with. She's my best friend for fucks sakes! Pero don't underestimate her, mas lalake pa yan saakin putangina zz.

Nung nakaabot na ako sa subdivision nila Dea dito sa Woodridge ay nag dahan dahan na ako, hanggang sa makaabot ako sa bahay nila. Nag park na lang ako sa tapat ng bahay at itinext si Leigh na andito na ako.

Di nagtagal ay lumabas na din siya sa bahay nila Dea. Amp, naka ripped jeans sya na itim, basic tee at Superstar yung shoes aba.

"Basic hoe tong isang to HAHAHAHHA" Ani ko sakanya nung nakapasok na siya sa sasakyan, agad niya naman akong inirapan

"Pero labs ko yan" Pandagdag ko, nilingon niya naman ako at sinimulang pag hampasin

"Wag mo nga akong niloloko! Binulabog mo na nga ako ng sobrang aga tas gaganyanin mo ako!" Panunumbat nito habang patuloy sa pag hampas, agad ko naman itong pinagsasalo para di ako matamaan.

"Hoy talaga! Mahal ko bestfriend ko syempre!" Ani ko habang naka ekis na yung braso ko sa mukha ko hahaha tangina to mabangis na tigre na mukhang dragon!

"Ewan ko sayo" Aniya at tumigil na sa pag hahampas, humalukipkip siya at nakasandal sa kanyang upuan. Ngumiti na lang ako at umiling iling. Nag simula na akong mag maneho palabas ng subdivision at papunta na sa Abreeza.

Ano kaya papanoorin namin?

"Anong papanoorin natin Leigh?" Tanong ko sakanya habang ipinapark na yung sasakyan sa parking lot.

"Ewan, kumain na lang muna tayo gutom na ako e." Aniya at narinig ko naman na kumulo yung tiyan niya. Medyo naguilty naman ako kasi puta ginising ko siya tsaka inutusang mag handa agad. Sigurado akong di pa siya nakakain.

"Ahh, sige san mo gusto kumain?" Tanong ko naman at tinignan siya. Naka park na yung sasakyan, hinihintay ko na lang yung sagot niya para makababa.

"Uhm, dun na lang tayo sa Chowking. Mag popork chowfan lang ako at fried siomai" Aniya at lumabas na ng sasakyan. Medyo masunget pa yung dragon kaya umiling na lang ako at tumawa habang papalabas ng sasakyan.

Nag lakad na kami papasok ng mall at duniretso sa Chowking, ibinili ko na din siya ng gusto niya tsaka may extra pang Choco Pao. May dalaw tong isang to kaya papakalmahin natin gamit ang tsokolate.

"Oh ayan Choco Pao, alam kong gusto mo yan kaya shut up ka na lang" Sabi ko habang umuupo na sa pwesto ko, ngumiti naman sya at nag simula nang kumain.

"Salamat Juan" Aniya na natatawa habang kinakain yung Choco Pao.

"Heh! Tumahimik ka nga!" Pagsaway ko sakanya, ngumiti siya na sanhi naman ng pagtawa ko, agad kong kinuha yung phone ko at kinunan siya ng litratong naka ngiti. Yung ngipin niya may tsokolate HAHAHA!

"Hoy ano yan?!" Tanong niya na kung akalain mo nakapatay ako ng tao sa facial expression niyang di maipinta sa kahit anong canvas.

"Wala" Sagot ko na tumatawa habang nilalagay yung phone sa bulsa ko, naka kunot naman yung noo niya at tinitignan ako ng masama. Umiling iling ako na nakangiti.

May nahagip ang paningin ko sa mga pumipila sa Chowking. MAY DYOSA PAKSHIT ANG GANDA PUTA ENA.

"Tol tignan mo!" Agad kong inikot yung ulo niya sa direksyon kung nasaan yung babae

"Alin jan?!" Tanong niya naman na naghahanap

"Yung naka blue shirt!" Ani ko at itinuro pa ng bahagya yung babae

"Ah, si Julia. Kilala ko yan" Aniya at biglang sumimangot

"Tol, please ipakilala mo ako sakanya huhuhu ang ganda niya! Nararamdaman ko na may future kami" Pagmamakaawa ko sakanya. Ang ganda talaga nung Julia pakshet akin ka na lang miss!

"Teka.." aniya at tinawag yung babae

"Hi Leigh!" Pagbati nung Julia sakanya habang naglalakad papunta sa table namin

"Hi Julia, this is John" Aniya kay Julia at itinuro ako, nginitian ko naman si Julia at ibinalik naman niya ito. Kaso sarkastiko :<

"Hi Julia" Pagbati ko at nag lahad ng kamay para makipag handshake, dinedma niya ito at kinausap si Leigh

"Uhm Leigh kanina pa kayo?" Tanong niya kay Leigh, ni hindi niya na ako nilingon ulit, tinignan ko si Leigh na ngayon ay nakakunot parin yung noo

"Oo eh.." Sagot nito sa malamig na tono

"So uhm I gotta go Leigh" Ani ni Julia at naglakad palayo

"Andaming nagkakagusto saakin, but why can't I have her?" Malungkot kong tanong kay Leigh

"Well I guess we can't please everyone, John" Sagot nito

[WHOOPIEE #LeiHn is sailing!]

THE G-SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon