MAH : ONE

523 21 0
                                    

Coffee's POV

"CK! Bumangon ka na tanghali na mahuhuli ka na sa work mo!"

Nagising ako sa kalampag ng pinto ko si Mama talaga *kamot ulo napatingin ako sa alarm clock ko 8am lang pala.-_-


8am?! o_o agad akong bumangon at tumakbo papunta ng banyo para maligo Lagot! Mala-late ako sa trabaho after 20 minutes na tapos na rin ako at dali daling tumakbo pababa ng hagdan


"Ma naman bakit hindi niyo po ako ginising?"Kamot ulo kong sabi habang nagmadaling umupo sa upuan



"Aba kasanalan ko pa?! CK kanina pa kita ginigising malapit na nga mamaga kamay ko kaka-kalampag dyan sa pinto mo!" Inis na sabi sakin ni Mama

.
.

.
Hi! ako nga pala si Coffee Klane Madrigal,also known as CK isang mabuting nilalang sa mundong ibabaw 20 years old ako hindi kami mayaman at hindi rin mahirap nagmamay-ari kami ng isang maliit na cake shop kahit papaano ay nakakatulong sa pang araw araw namin na gastos.

"Eh bakit hindi po ako nagising?" Tanong ko habang kumukuha ng sinangag at ulam



"Bakit ako ang tatanungin mo? Siguro napuyat ka na naman kaka-panood ng kung ano-ano!" Sabi ni mama saka ako kinutusan
 


"Aray! Mama naman." Sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko


"Mama naman hindi pa kayo nasanay kay ate Barako." Rinig kong sabi ng magaling kong kapatid na si Fizz Klein at lalake po siya.Susyalin ng pangalan namin no? Pangmayaman hindi ko alam kay Mama kung ano ang nakain niya nung pinangalanan niya kami.



"Tigilan mo ako Fizz ha pabubulain ko bibig mo!" Nakasimangot kong sabi sa kanya



"Hindi ka na mabiro ate umalis ka na late ka na." Pag-tataboy niya sakin


"Oo na lagot ka sakin mamaya pag-uwi ko!" Sabi ko sa kanya aba ang magaling kong kapatid bumelat lang sakin



"Mama alis na po ako." Paalam ko kay Mama saka humalik sa pisngi niya.



"Bilisan mo baka maiwan ka ng bus.mag-iingat ka sa trabaho mo at maaga umuwi delikado ang panahon ngayon." Pagpapa-ala niya.

.


"Opo." At nagmadali na ako lumabas papunta ng bus stop
Hindi ako nag-aaral
nag-stop ako para kay Fizz kaya nagt-trabaho ako bilang crew sa isang Pastry Shop/Cafe ang "Sweet Tooth"



"Ija nalate ka ata ng bangon." Bati sa akin ng bus driver



"Ah opo napuyat po kasi kaya hindi nagising nang maaga." Paliwanag ko at naglakad na ako papunta sa dulo ng bus doon kasi ang pwesto ko sa may bandang bintana

.

.
.
"Hayaan mo hindi ka naman mahuhuli sa trabaho dahil
walang traffic ngayon." Naka-ngiting sabi ng driver tumango ako at ngumiti saka umupo na 9:30 talaga ang bukas ng shop pero mga 8:30 pa lang andun na talaga ako ngayon lang ako nalate.


After 15 minutes


"Salamat po manong!" Pagpapa-salamat ko sa bus driver saka bumaba at naglakad ng ilang minuto papunta sa Sweet Tooth





"Oh CK ngayon ka lang ata hindi ganon ka-aga pumasok." Nakangiting sabi ng Manager namin



"Ah opo pasensya na po Mrs.Chua." Pagpapa-umanhin ko



"Ikaw talaga maaga pa naman.Ayos lang yun." Sabi ni Ms.Chua



"Sige po mag-aayos na po ako." Paalam ko tumango naman siya kaya pumasok na ako sa locker room at nag ayos na at naglagay ng apron.



"Hi CK! Na-miss kita, kararating mo lang ba?" Tanong sa akin ng katrabaho ko at bestfriend ko na si Rika.



"Hello Rika! mas namiss kita no.Oo tinanghali ako ng gising kanina." Naka-nguso kong sagot




"Napuyat ka dahil sa kaka-panood sa fav movies mo no?" Natatawang sabi ni Rika



"Oo nalibang kasi ako." Kamot ulo kong sabi


"Ano ka ba,okay lang yun hindi pa naman nagbubukas shop." Naiiling na sabi ni Rika


"Kamusta pag-aaral mo?" Tanong ko sa kanya.Pareho kasi kami ng pinapasukan noon nung hindi pa nagco-college si Fizz at nagpapart-time lang siya dito dahil hapon ang class niya


"Okay naman.Talaga bang hindi ka na mag-aaral?" Tanong niya sa akin

.
.

.
"Hindi na muna.Kailangan din kasi mag-aral ni Fizz ayoko naman mahirapan si Mama dahil alam ko na mahal ang tuition mahihirapan siya kapag dalawa pa kaming nag-aral." Paliwanag ko

"Pero sayang kasi yun CK." Nanghihinayang na sabi ni Rika




"Okay lang yun may panahon pa naman para makapag-aral ako ulit." Naka-ngiting sabi ko

"Bakit kasi ayaw mo na tulungan kita? Diba sabi ni Mama pwede ka niya tulungan makapasok sa Choi Academy?" Tanong niya.Oo nga pala nalimutan ko sabihin anak mayaman si Rika as in mayaman.Nagpapart time lang siya dito para makasama ako ang sweet ng bestfriend ko diba?

Nakilala ko siya nung tinulungan ko siya sa mga lalaking nangba-bastos at nangbu-bully sa kanya nung highschool pa lang ako napadaan kasi ako sa eskinita kung saan siya binabastos kaya tinulungan ko siya dun ko siya nakilala at naging bestfriend hindi ko nga akalain sobrang yaman niya nalaman ko lang nung pinakilala niya ako kay tita Anika yung mama niya na mabait din.

"Rika alam mo naman na malaki na ang natulong sakin ni Tita, diba kayo ang tumulong magpagawa ng shop namin nung nasunog yung shop namin at nakakapagtrabaho ako dito sa shop ng tita mo.Malaking tulong na
sa amin yun.Ayoko naman samantalahin ang kabaitan niyo ni Tita." Paliwanag ko


"Ang bait mo talaga kaya hindi ako nagkamali na ikaw ang naging bestfriend ko." Sabi niya sa akin habang yakap ako



"Ang drama mo." Tumatawang sabi ko


"Grabe ka! Hindi kaya, natutuwa lang talaga ako sayo.Basta kapag kailangan na kailangan mo talaga ng tulong magsabi ka lang sa akin CK ha?" Sabi niya kaya tumango na lang ako



.
"Tara na.Para makapag-linis na ako bago mag-open shop."
Yaya ko sa kanya tumango nalang siya at lumabas na kami ng locker room

~~~~~~

Waaa nakaka engot umisip ng scene.XD
.

Sana gumana ang utak ko sa pag gawa ng Scene dito.
Kailangan ko ata si spongebob para gumana ang aking imagination.Hahaha.

.

-Mari (◍•ᴗ•◍)

My Accidental Husband (EXO×BTS FANFIC SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now