Ang taong iyong Sandigan

Start from the beginning
                                    

Magiging ang bestfriend mo at ang kapatid mo at tatanggapin mo na lang iyon dahil masaya ka nasa piling ng taong naghahatid-sundo sa'yo.

Ngunit hindi lamang doon natapos ang gulo dahil magugulat ka na lang dahil ang nakaraang taong umabuso sa'yo noong mga bata kayo sa lahat ng paraang posible ay darating at magdidiklara gamit ang press na ikasal na kayong dalawa. Wala ka namang magagawa dahil takot sa kaniya at sa pupwede niyang gawin at iyon ang magiging mitsa ng mas malaki pang kaguluhan.

Pupunta kayo kasama ang boyfriend mo, ikaw ang kapatid mo, ang best friend mo, ang lalaki ng iyong nakaraan na kinatatakutan mo at ang guro ninyong ginusto mong isama sa trip na iyon para sana pagbatiin sila ng kapatid mong kaaway nito.

Uupo kayo sa isang bato na nakatanaw sa isang hardin mula sa ilog kung nasaan ang bato at may pa-arkong mga bagin at dahon na halos magsilbing bukas na pintuan para sa kaparangan. Tapos sasabihin ng tour guide na kapag daw nakakita ng puting usa sa lugar na iyon ay posibleng magkamabutihan kayo ng taong katabi mo sa dalawang malaking bato.

Matatakot ka dahil unang nakatabi mo ay ang iyong pangit na nakaraan, ngunit walang usa na dumating. Sumunod na nakatabi mo ay ang iyong pinakamamahal at kumpyansa kayong dalwa na makikita niyo ang usa subalit masasaktan kayo dahil walang usang dumating. Magpapanggap ka na lang na meron dahil ayaw mong ikasal sa tao ng iyong nakaraan na siyang alam mong sumira ng buhay mo noon. Pero sa loob-loob mo nasasaktan ka dahil hindi kayong dalwa ang itinakda. Hanggang sa lumipat ka ng upuan matapos umulan at ang bestfriend mo ang nakatabi mo sa upuan.

Iyon ang sandaling mas naguluhan ka kaysa masaktan o masiyahan.

Akala mo ayos lang dahil magkaibigan kayo at wala lang din iyon sa kaniya pero hindi pala dahil silang dalawa na talaga ng iyong kapatid na lalaki.

At ng araw ding iyon malalaman mong may nararamdaman din sa'yo ang guro mo na hindi mo magawang mapaniwalaan tapos habang kayo na ng taong mahal mong naghahatid-sundo sa'yo, maayos na kayo, saka naman darating sa puntong malalaman mong may dalawang kakambal ang bestfriend mo dahil sa set up na ginawa ng mga magulang mo.

Nagalit ka sa bestfriend mo at sa katangahang ibinigay niya sa'yo at hindi lang doon natatapos dahil ang kakambal pala nito ang siyang halos kumuha ng inakala mong virginity noon sa loobg ng kotse kung saan nagawa pa ng iyong taga-ibang bansang ama ang kumuha ng baril at itutok sa pinahinto niyang sasakyan para iligtas ka lang.

Nagpapasalamat ka rin sa ginawa ng kakambal na lalaki ng kaibigan mo dahil nagawa mong mahalin pa ng husto ang amang hindimo masyadong nakasama ng kabataan mo pero nabawasan ang ang panghaga mo sa kaibigan mo. Nagkaroon na ng lamat at hindi na maayos pa ang lahat ng ito.

Iyon ang unang kaganapan sa buhay mo.

Akala mo ayos na pero hindi pa pala dahil matapos ng trip na pinuntahan niyo, ng pagrereto sa'yo ng magulang mo sa babaeng kakambal ng bestfriend mo, at sa pag-amin ng pagmamahal sa'yo ng bestfriend mo ay doon mo naman malalamang ayaw na sa iyo ng taong mahal na mahal mo.

Magtatanong ka kung anong nagawa mong mali pero wala na siya para sagutin ka, cannot be reach na ang cellphone niya.

Kakapit ka sa kaibigan mo't maniniwala ka sa pagmamahal nito pero hindi buong-buo dahil natatakot kang lokohin ka muli nito.

Malalaman mo ang nakalimutan mong nakaraan dahil sa aksedente mo ilang taon na ang nakakaraan at magiging mabuti kayong magkaibigan habang ikaw pa rin naman ang laman ng puso niya't nasasaktan ka parin na iwan ang iyong itinuturing na kaibigan.

Alam ng puso mo na may nararamdaman ka rin ditong pagmamahal subalit alam mong mali dahil ang tunay na tinitibok pa rin ng puso mo ay ang taong mahal na mahal mo na noo'y naghahatid-sundo sa'yo.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now