Kusang lumundas ang mga luha sa mata ko.

Why are you doing this to me, Eion? Bakit kailangan mo pang mag sinungaling sakin? Shit! It damn hurts.

Ayun na ang huling pag-uusap namin ni Eion. Hindi na siya ulit nag paramdam sakin o nagpakita man lang. Hindi ko alam kung bakit. Sa t'wing pupuntahan ko siya sa bahay nila after school, wala siya doon. I don't know where he is. Ayoko naman na tanungin ang parents ni Eion, dahil ayokong makalahata sila. Hindi naman kami nag-aaway ni Eion. So wala dapat akong ikabahala diba? Pero bakit natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Nangyari na ito noon eh. 'Yong pagiging missing in action niya. Pagkatapos niya akong pasayahin, pagkatapos niyang iparamdam na mahalaga ako sakanya, bigla naman siyang mawawala na parang bula. At nangyari na naman ngayon. Ayokong mag-isip ng hindi maganda. Pero baka napag isip-isip ni Eion, na hindi niya talaga ako kayang mahalin at kaya siya hindi nag paparamdam sakin ay dahil nagka balikan sila ulit ni Erin Montefalco. Please, huwag naman sana. Hindi ko kakayanin kung totoo man ang hula ko.

Today is our so-called mothsary. Nakakatawa dahil naisip ko pa talaga itong araw na ito, ito ang araw na ipinalam ni Eion ang mayroon saming dalawa kahit na walang katotohanan ang lahat. Kung totoo man, ito ang pangalawang buwan namin ni Eion bilang mag-boyfriend at mag-girlfriend. Pero ilang linggo na hindi ko parin siya makita-kita. Ni hindi ipag-tagpo ang landas naming dalawa. Nasa iisang subdivision nga kami pero parang ang layo-layo niya sakin. What happened to us?

"Uy, girl! Lutang kana naman diyan." Rain snap a finger on my face.

Parang nabalik ako sa sarili ko ng dahil doon. Kaya napatingin ako sakanila na nasakin ang atensyon. We're here at Storm's house at nag rereview para sa nalalapit naming Preliminary Exam na mangyayari next week.

Itinuon ko ang atensyon ko sa librong binabasa at pinalipat-lipat ang page nito. "Nasaan na nga tayo?" Tanong ko.

Tumikhim si Thunder.

"Ilang linggo kanang ganyan. May problema ka ba?" Seryoso niyang tanong.

Pilit akong ngumiti at umiling. "Wala. May iniisip lang ako." I think about Eion.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Si Eion?"

Mas lalo akong umiling. Ayoko ng sabihin pa sakanila itong problema ko kay Eion. Alam kong lalo lang silang magagalit sa akin at sa kay Eion. Alam nilang tatlo ang totoong relasyon naming dalawa, at kapag nalaman pa nila na hindi nagpaparamdam sakin si Eion at sobrang apektado ako ay tiyak na pagagalitan nila ako. Ayokong mangyari 'yon.

"E sino at ano? Ice, tell us about your problem! Pati pag rereview na nakasanayan natin ay apektado. Ikaw ang leader namin, pero wala naman ang diwa mo dito." Pahayag ni Storm na nakakunot ang noo.

Tumungo ako. "Sorry."

Hinawakan ni Rain ang aking kamay at pinisil ito. I looked at her. "Ano ba talagang problema mo? Isa ba sa dahilan ay ang pagbaba ng mga quizzes mo? Prelim palang naman, makakahabol ka pa. Don't worry." Marahan na tanong niya sakin.

I bit my lip.

"Let's start, guys. Huwag niyo akong alalahanin. Iniisip ko lang si Mommy sa Maynila, I missed her." I half lied. Yeah I super missed my Mom pero hindi siya ang dahilan kung bakit wala ako sa wisyo ngayon.

We reviewed our whole topic and the pointers for the Exam. Thanks to them at hindi na nila ako tinanong pa ulit. Naniwala sila sa sinabi kong si Mommy lang ang dahilan ko. Ilang oras kaming nag review bago kami matapos. Pagdating sa bahay ay ibinagsak ko lang ang katawan ko at hindi na nag-abalang magpalit pa ng damit. Wala rin akong balak na kumain ng hapunan with them dahil wala akong gana. This is my routine for the past weeks. After school, pupunta sa bahay nila Eion, at madadatnan kong wala siya doon. Mag rereview kasama sila Thunder at uuwi ng bahay tsaka hihiga sa kama at makikipag titigan sa ceiling.

To; Eion Sarmiento: Hey! Where are you? I've been looking for you, I missed you.

Ayan ang paulit-ulit kong text para sakanya pero ilang linggo na ay hindi naman siya nag tetext back. I took my laptop at binuksan ang facebook account ko. Ganun nalang ang kaba ko at tuwa ng malamang online si Eion. Kaya mabilis akong nagtype ng message sakanya.

To; Eion Sarmiento: You're online. Bakit hindi ka nag papakita at nag paparamdam man lang? 'Di mo din sinasagot mga tawag at text ko. Nasaan ka?

Ilang minuto ang hinintay ko sa pagsagot niya sa chat message ko pero ganun nalang ang lungkot ko ng nakita kong i-seen niya ako. Kusa nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Ganito nalang ba ako para kay Eion? Isang hangin. Isang multo. Isang invisible. Hindi ba niya nararamdaman na sobra ko na siyang namimiss. Akala ko ba mahalaga ako sakanya, pero bakit binabalewala niya lamang ako.

Dumating ang mga araw na wala talagang Eion na nagpapakita sakin. Hindi ko alam pero sobra na akong nasasaktan at natatakot sa ginagawa niya. Binabalewala niya na lahat ng effort ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Palagi siyang laman ng utak ko, kamusta na kaya siya? Anong ginagawa niya? Kumain na kaya siya? 'Yang mga katanungan na yan ang palaging laman ng utak ko. Hindi na nga ako makatulog sa gabi dahil sa kakaisip sakanya. Ayokong isipin na iniiwasan niya ako. Ayokong isipin na nagkabalikan na sila ni Erin Montefalco. Ayokong isipin na wala nalang ako para kay Eion. Ayokong mag-isip ng ganoon pero hindi ko maiwasan na isipin ang mga ganoong bagay. Fuck! Nahihirapan na ako.

"This is your last day of exam, Ice. Hindi ko nakitang nag review ka kagabi.." Seryosong sabi ni Dad at batid ko ang mapanuring tingin niya sakin.

Nasa hapag kami at kasalukayang kumakain ng agahan. Ito nga ang huling araw para sa pag susulit namin. Pero hell! Makakapag review pa ba ako? Mas mahalaga sakin ay kung nasaan at ano ang ginagawa ni Eion.

"Nag group study naman po kami nila Rain before the exam.." Sagot ko nalang.

Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni Dad at Kuya. "Pasok na ako."

Paalis na sana ako ng mapahinto ako sa sinabi ni Dad.
"The Dean of your school called me. He said that you're running for the Magna Cumlaude, don't failed me and your Mom, Icelyn Stewart." Seryoso niyang sabi.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Napapikit ako ng mariin. "I will." At tuluyan na akong lumakad palabas ng bahay namin.

Natapos ang pang huling pagsusulit namin na lutang ang isip ko. Hindi ko alam pero simula ng hindi magparamdam si Eion sakin, parang hindi na ako makapag-focus sa mga ginagawa ko. Lumilipad ang utak ko papunta kung saan man naroon si Eion. I know, this is not good for me. Pero anong magagawa ko hindi ba? Eion's is a big part of my life. Nasa kanya ang kalahati ng pagkatao ko. Paano ako uusad kung wala siya sa tabi ko? Paano ko ipaparamdam kay Eion ang pagmamahal ko sakanya, paano ko ipapakita na isa akong matapat at mapag-alagang girlfriend kung wala naman siya sa tabi ko ngayon? I don't know what to do anymore.

"Ice, tara't tignan natin ang bulletin ngayon! Kakapaskil lang doon ang top twenty sa overall dean lister." Sabay hila sakin ng hyper nasi Rain.

Wala akong nagawa kung hindi magpahila. Wala ako sa sariling sumusunod sakanya. Wala akong panahon na tignan ang nakapaskil doon. Ang tanging pakialam ko ay kung anong ginagawa ni Eion ngayon. It's been one month!

"I'm sure top one ka doon. Hahahaha. Excited na akong makita, Iniba daw kasi ni Dean, ginawa niyang overall ang paglalagay ng mga names sa dean lister! O diba bongga?" Tumatawa niyang sabi.

Nakipag siksikan si Rain sa mga estudyanteng nakikitingin sa kakapaskil na dean lister sa bulletin. Ng magkaroon kami ng daan ay kusang humakbang ang paa ko sa harapan ng bulletin at para tignan ang mga top na nakapasa sa dean lister.

Ganun nalang ang panghihinayang ko ng hindi ko makita ang pangalan ko sa unang bilang. Inaasahan ko nanaman ito! Kumuha ako ng exam pero hindi ako kasigurado sa lahat ng sagot ko. It's new to me! Alam ko dahil lutang ang isip ko. Pero laking panghihinayang ko ng kahit sa hanggang pang limang bilang ay wala ang pangalan ko. I though, kahit na hindi ako sigurado sa mga sagot ko ay kaya kong makapunta hanggang Top five. Pero wala doon ang pangalan ko.

Binaba ko ang tingin ko. I stare blankly at the last number of the paper.

20. Samaniego, Icelyn Stewart D. (87.34% -2.00)

Damn!

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now