Tumango ako at ngumiti narin. "Apology accepted."

Bahagya siyang natawa at tumayo. Ginulo ang buhok ko at hinila narin ako patayo. "Tara na then treat kita ng icecream sa DQ mamaya."

Bigla namang akong naexcite sa sinabi niya. Ice cream at sa DQ pa talaga! I want chocolates almonds delight. Waah! Excited na ako kaya ako na mismo ang nang-hila sakanya papuntang National Bookstore para makabili na ako ng mga gagamitin ko for school tomorrow.

"Binder ba ang bibilhin mo? You choose. This one? Or this?" Aniya at may hawak na dalawang binder. Isang graphic design at isang puro heartstring na design ang hawak niya at pinapakita sakin.

"Hmm? Maganda sana 'yan kaso..." Umiling ako at yumuko sa estante ng mga binder. Kumuha ako ng isang plastic na filler at ipinakita sakanya. "Ito ang gusto ko. Mura pa!" Sabi ko habang nakangiti.

Tinaasan niya ako ng kilay at kinuha ang filler na hawak ko at mabuti itong sinuri. "Is that so? Five pieces lang 'to." Aniya.

Kumuha ako ulit ng isa pa. "Ito, dalawa na ang kinuha ko."

"Masyado ka namang nagtitipid, Ice. May allowance ka for your school supplies." Aniya at naglakad na papunta sa mga pen's section at doon namimili ng mga kakailanganin kong ballpen.

Nakatayo lang ako sa gilid niya habang pinapanuod ko siyang mamili ng ballpen na gagamitin ko for tomorrow. "But I'm not a highschool anymore. Marami pa akong stock sa bahay tska fillers at yellow pad lang naman ang kailangan ko."

"Kahit na." Tipid niyang sabi.

I pouted.

"So kailangan ko bang gastuhin lahat ng allowance ko for school supplies, ngayon?" Nag aalinlangan kong tanong.

"Mmm. Saved it! Do you still have your school shoes? School bags? Let's buy those stuff later." Aniya at kumuha ng dalawang pad na yellow pad at dumaretcho na ng counter.

Ako ay nakasunod lang sakanya. Siya na kasi ang may hawak ng basket! Kaya siya na siguro ang bahala. Inabot ko nalang sakanya ang card na bigay ni Daddy for my school supplies allowance. Tinanggap niya naman 'yon. Nasa likod niya ako habang pina-punch na ng lady cashier yung mga binili namin.

"Two hundred and thirty four, Sir." Sabi nung babae habang nakangiti ng malawak. God? Kinikilig ba ang isang 'to? Ayaw nalang magtrabaho ng ayos! I saw Eion's face but praise to god that he have a blank face right now. Mabuti nalang hindi nagpapa-apekto itong si Eion sa mga nagpapacute sakanyang mga babae. I felt now a relief.

Matapos walang imik na iabot ni Eion yung card, ini-swipe narin 'yun ng girl then umalis na kami matapos din ibalot yung mga binili naming mga gamit. Kaya we headed now to the Parisian para bumili ng Bag ang shoes.

"Eion, I'm hungry. Gusto ko ng pancake!" Sabi ko kay Eion habang binabayaran niya na yung mga napili kong bag and shoes.

Tumango siya.

"Alright. Kakain na tayo!" Aniya.

Ngumiti ako ng malawak sa sinabi niya.

"Sa Pancake house tayo, since nagke-crave ako sa pancake." Sabi ko at nauna ng lumabas ng store.

"Heep!" Pigil niya sakin at hinawakan ako sa balikat.

Nagtataka naman akong napatingin sakanya. Ano bang problema ng isang 'to? Gutom na ako at gusto ko ng pancake? Bakit pinigilan niya pa ako? Don't tell me, may dadanan pa kaming isang store bago kumain.

"Why?" Iritable kong tanong. I'm hungry already.

"Tanghali na po at kailangan natin ay rice hindi pancake. Kaya sa Giligans tayo." Aniya inilagay niya sa kaliwang kamay lahat ng paper bags na binili namin at hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz