"Nakabukas ang aircon." Simpleng sabi niya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko at mapatingin sa nakabukas na aircon.

Hindi na lang niya ako pinansin bagkus ay dumiretso na siya sa kama niya para suotin na yung cross strap heeled sandals niya na kulay itim din. Pati yung clutch bag niya ay itim din.

"Lykah, saang burol ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang mahimasmasan ako sa nangyari kanina.

"Anong burol?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok nya sa harap ng salamin.

"Eh itim na itim kasi tayo. Sino bang namatay?"

"Walang namatay. Okay?" sabi nya sabay taas nya sa akin ng kilay.

"Saan ba kasi talaga tayo jojonta?"

"Malalaman mo rin mamaya. Tara na!" sabi niya pagkatapos ay hinatak na ako palabas gamit ang necktie ko.

---

"Kaninong balay-china ites?" tanong ko sa kanya nang huminto kami sa isang mansyon.

"Kay Cyrus." Tipid nyang sagot habang chinecheck niya yung feslak nya sa compact mirror na hawak niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng inis ng malamang kay Cyrus 'tong bahay na nasa harapan namin ngayon.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Okay lang ba yung mukha ko?" tanong niya nung humarap siya sa gawi ko.

"Ang chaka mo!" inis kong sabi sa kanya.

Hinampas naman niya ako sa braso dahil sa sagot ko.

"Ano nga kasi?!"

Umirap muna ako bago sinagot ang tanong niya.

"Okay lang. So, ano bang ginagawa natin dito?"

"Ngayon kasi ang kasal niya."

Mas lalong dumoble ang inis na nararamdaman ko kanina.

"So, manggugulo ka?"

Binatukan naman niya ako dahil sa sinabi ko at binigyan ako ng isang matalim na tingin.

"Ganun na ba kadesperada ang tingin mo sa akin? Nandito ako para ipamukha sa kanya na hindi ako magpapatalo." Sabi niya pagkatapos ay bumaba na siya sa sasakyan.

Bumaba na rin ako at sinundan siya. Lumapit siya sa limang security guard na nagbabantay sa main gate ng mansyon. Nag-abot siya sa isa sa mga guard ng isang wedding invitation dahilan para papasukin kami.

"Ma'am, hindi niyo na po ba ipapasok yung sasakyan nyo sa loob?" magalang na tanong nung isang guard.

"Hindi na. Hindi naman kami magtatagal eh." Sabi naman ni Lykah sabay ngiti dun sa guard na nagtanong.

Nakita kong biglang namula yung pisngi nung guard. Aba! Mukhang nagayuma ata ni Lykah sa ngiti niya.

Ginuide na kami nung isa pang guard papunta sa function hall ng mansyon nila Cyrus kung saan ginanap ang wedding reception nila.

"Kabog! May function hall sila Cyrus!" bulong ko kay Lykah.

"Manloloko naman." Sabi naman ni Lykah na halata sa tono niya ang inis.

"Paano ka nga pala nakakuha ng wedding invitation?" bulong ko ulit sa kanya.

"Kung gusto may paraan." Taas kilay niyang sabi sa akin.

O edi siya na maparaan!

"Thank you." Sabi niya dun sa guard na nag-guide sa amin pagkatapos ay umalis na 'to.

BAM, THE BEKI MAIDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant