Chapter 59. [Annoyance]

274K 4.9K 405
                                    

59. Daniella

I travelled all the way here just to see him, cooked food for him, tapos makikita ko lang na nakikipaghalikan sa babaeng yun off-cam?

Ang sakit naman nun! Kaya naman pala walang oras para tawagan o i-text man lang ako, sobrang busy sa pakikipaglandian sa Princess na yun! Okay lang yung para sa movie, e, although hindi ko rin matingnan kanina. Pero tapos na yung eksena, may pahabol pa si Princess? Eto namang si Bryan, hindi man lang umiwas!

"Daniella?"

Sinundan pala ako ni Tyler. "Ano?"

"Are you okay?"

"Oo naman. Wait, I'll just use the toilet."

I walked away. Hindi ako iiyak. Never. Hindi ko hahayaang makita nilang nasasaktan ako. Nung makalayo na ako, nararamdaman ko nang tutulo na yung luha ko.

"Deeeeeeeeeeeeee!"

Paglingon ko, si Bryan. Binilisan ko ang takbo ko pero inabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa balikat

at niyakap. Di ko siya niyakap pabalik. Naramdaman niya siguro yun kaya bumitaw siya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa malayo.

"Dee, I can explain." "You don't have to."

"Di mo sinabing pupunta ka pala. Sana nagsabi

ka."

"E paano ko masasabi sa'yo naka-off ang cellphone mo? Hindi ka tumatawag o nagtetext man lang. Akala ko nga patay ka na, e."

"My phone got busted. I didn't know how to reach you. Walang ibang may alam ng number mo rito. I'm sorry. Please understand."

"Understand? Sige nga, ipaintindi mo sa akin ito, ha? Hindi ka nagpaparamdam so ako na ang gumawa ng way para makita ka. Pagdating ko rito, makikita kong naghahalikan kayo off cam?"

"That's bullshit! She kissed me. Hindi ako nakipaghalikan sa kanya, Dee!"

"Ginusto mo rin yun, Bry!"

"How'd you know? Kung alam mo lang how I despise her. Yes, nagpapapansin siya sa akin pero iniiwasan ko dahil iniisip kita. Nakita mo bang nag-respond ako? Narinig mo sana yung sinabi ko sa kanya after she did that."

"Malay ko ba kung nagustuhan mo yung kiss."

250 251

"Hindi nga sabi, e. Ba't ba ayaw mong maniwala sa akin?"

"Nagseselos ako, okay? Nagseselos ako! Ano ba kasing meron sa inyo ng Princess na yan?"

I kissed her on the lips.

"That's for you to shut up. Ano makikinig ka na sa akin?"

I kept silent. Pahirapan ko nga 'to. Masakit yung nakita ko kanina, ha.

"Dee naman. Ang tagal nating di nagkita tapos mag-aaway pa tayo?"

"E kasi nagsisinungaling ka!"

"No, Dee, you just don't trust me. Ikaw lang ang mahal ko. Don't let that girl ruin us, okay? I'm yours, don't worry."

Kinindatan niya ako pagkatapos. Pero di pa rin ako convinced. Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko and he looked straight to my eyes.

"Ipagpapalit ko ba ang magandang Dee?" Kiss sa forehead.

"Ang cute na Dee?" Kiss sa nose.

"Ang matalinong Dee?" Kiss sa left cheek. "Ang mabait na Dee?" Kiss sa right cheek.

"Ang pinakamamahal kong Dee sa ibang babae?" And finally, kiss sa lips.

"I love you."

Okay, wala na, suko na ako. Hindi ko rin naman 'to matitiis, e.

"Dee? Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" "Oo na, naniniwala na ako. I love you, too." Mahal ko talaga 'to. Hindi ko maaway nang

matagal, e.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon