Chapter 62. [End of the Road]

278K 4.6K 314
                                    

62. Daniella

It's been two weeks since I last saw Bryan. Sobrang busy niya. Iniintindi ko na lang. Pinipigilan ko rin ang sariling mag-isip nang di maganda. Magkasama sila parati ni Princess and he mentioned na she likes him. Pero I know that Bryan won't do anything to hurt me.

"Hey, Dee, what's wrong? Parang kanina ka pa lutang."

Sinamahan ko sina Allison at Erick para i-meet yung wedding coordinator.

"Alam mo you need to unwind. Ask Tyler baka he's free. Sorry, ha, medyo busy kasi kami kaya di ka namin masamahan. But I know Tyler would be more than willing to cheer you up." Kinindatan pa ako ni Allison.

"Okay lang ba? Sabi ko tutulungan ko kayo, e." 

"We'll be fine. Dali, call Tyler. Baka may binobola lang na chicks yun. Mas mabuting gumala na lang kayo," segunda ni Erick.

Naipakilala ko na si Tyler sa kanila. Instant kabarkada na namin ang loko. Tinext ko siya. Nasa park daw, iniwan ng ka-date. Pinapapunta niya ako dun.

"Guys, nasa park daw malapit sa amin si Tyler. Okay lang ba talagang iwan ko na kayo?"

"Oo naman. Go! Have fun!" 

"Thanks, guys!"

Habang nakasakay sa fx, yung dalawang katabi ko, showbiz chismis ang pinag-uusapan. Hindi ko maiwasang hindi mag-eavesdrop lalo na nung binanggit yung pangalan nina Bryan at Princess. Sabi nung isa, mukha raw nagkaka-developan na sina Bryan at Princess. May kumakalat daw na balita na ipinakilala na ni Bryan si Princess sa mga magulang niya.

Natawa na lang ako. Sa isip-isip ko, paanong mangyayari yun, e, nasa US ang parents ni Bryan. Hay naku, ang dami talagang mahilig mag-imbento ng istorya para lang may pag-usapan. Hindi ko na lang pinansin, baka ma-bad vibes pa ako.

Pagdating ko sa park, nagyayang bumili ng ice cream si Tyler. Payag ako siyempre, libre daw niya, e. Habang nagbabayad si Tyler, napasulyap ako sa katabing news stand ng ice cream store. Na-curious akong tumingin sa newspaper.

I shouldn't have looked. Sabi ko na nga ba, e. Masama ang kutob ko sa hindi namin pagkikita ni Bryan.

Written on the front page was: Bryan and Princess, no longer just reel sweethearts?

Di ko na napigilang basahin yung full story sa entertainment section. He lost contact na raw with me, so we might have broken up. What the heck! Saan galing yung info na yun? Two weeks lang na hindi nagkita, hiwalay na?

At the bottom of the article is a photo showing Bryan and Princess having dinner with his family.

That did it. Gusto ko nang umiyak. I turned to Tyler. "Tyler, this isn't true, right?"

"Daniella, dumating sina Dad a few days ago. As for why Princess is with them that night, I can't be of help to you. Wala rin akong alam dyan."

"Tyler, suddenly hindi ko na maintindihan ang nangyayari. I feel left out."

I started sobbing. Niyaya akong maupo ni Tyler sa isang bench.

"Don't cry, Daniella. Hindi mo pa naririnig ang side ni Bryan. I'm sure it's not what you're thinking. Let Bryan explain muna, okay?"

"Pero kasi—"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi niyakap na ako ni Tyler. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya. Pasalamat na lang ako nandito siya to listen to me.

Hindi ko na napigilang humagulgol habang yakap ako ni Tyler. Pinipilit kong intindihin yung nangyayari pero lalo lang nagiging masakit.

Is this the end of the road for us?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon