Chapter 69. [Hanky]

278K 4.4K 279
                                    

69. Daniella

"Bryan, ano ba! Wag na wag kang lalapit sa'kin!" Nginitian niya ako nang nakakaloko.

 "Dee, andyan na 'ko..."

"Bryaaaannnnn!"

Tumakbo ako palayo. Alam ko kung ano ang pinaplano nito, e. Hinabol niya ako.

"Bryan, tumigil ka nga! Ayoko pang mag-swim!" "Wag ka ngang killjoy! Tara na!"

Sigaw ako ng sigaw nung abutan niya ako at buhatin. Alam kong dadalhin niya ako sa malalim.

"Bryan, ano ba! Put me down!"

Pero hindi siya nakinig. Hanggang sa nakarating na kami sa tubig.

"Bryan, alam mo namang hindi ako marunong lumangoy, di ba? Bahala ka pag nalunod ako!"

"Ang ingay mo, Dee! Lalo lang kitang di pakakawalan!"

Tumahimik na ako kasi napansin kong nasa malalim na part na kami.

Then without a word, bigla niya akong binitiwan sa tubig.

"Aaaaaahhh!" sigaw ko.

Kinuha niya ako sa waist at hinila pataas. Kumapit ako sa leeg niya.

"Sabi na kasing hindi ako marunong, e! I hate you!" Pinalo ko siya sa dibdib. Tumawa lang siya nang

mahina.

"I love you, too."

"Baliw!" Natawa na lang din ako. "Dee..."

"O?"

"Sana lagi tayong ganito, no? Magkasama, masaya, walang problema."

"Oo nga, e. I love you, Bryan."

"I love you, too, Dee. I promise to always make you happy."

I hugged him tight. Masaya ako, no doubt about that. Pero hindi ko maiwasang malungkot pag naiisip kong temporary lang ito. Kasi kahit sabihin na magkasama kami ngayon, alam kong hahanapin pa rin nila kami at paghihiwalayin pa rin.

Pero ayoko munang isipin yun. I wanna live in the moment.

Nag-stay pa kami sa tubig. Tinuruan niya akong mag-float. Pagkaahon, sabi niya mauna na raw ako sa room namin, bibili lang siya ng food. Bago kami naghiwalay, humirit pa ng kiss. At hindi lang isa, tatlo raw. Pumayag na rin ako. Hindi raw kasi niya ako bibilhan ng food kapag di ko siya kiniss. Dumamoves na naman!

While walking on the hallway, someone grabbed me and placed a hanky on my mouth. Nanlaban ako but to no avail. Nawalan ako ng malay bago pa man makarating sa room namin.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon