Chapter 9. [Favor?]

450K 8.1K 410
                                    

9. Daniella

"Shucks, Bryan, anong ginagawa mo rito? Ihahatid mo ako sa school?"

"Oo. Bakit, may problema ba?"

Ang hina talaga ng utak nito, e. Hindi ba niya alam yung dami ng death threats na posible kong matanggap kapag nakita kami ng Bryanbelievers na magkasabay pumasok?

"Tss. Sorry ka, maglalakad ako."

Nagsimula na akong maglakad nang bigla niyang kinuha yung dalawang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya.

Ang kulit din ng lahi nito, e!

"Ano ba, Bryan!"

Nagpumiglas ako sa hawak niya, pero ayun, nagtagumpay pa rin siyang maisakay ako sa kotse niya. Siya na rin ang nag-ayos ng seatbelt ko.

Oh my, this isn't happening! Do something, Daniella!

"Ano ba! Sabing ayokong magpahatid sa'yo, e!" protesta ko. Pero ayun, binilisan pa ng mokong ang pagda-drive!

"Ano bang pumasok sa kukote mo, ha? Sinong nagsabi sa'yong puwede mo akong ihatid?"

"Gusto mo talaga akong mapatay ng fangirls mo, ano?" 

"Teka nga, please calm down. Kelangan ko 'tong gawin

kundi patay ako sa kuya mo!"

Ha? Pa'no naman napasok sa usapan si Kuya?

"Si Kuya nagsabi sa'yo na sunduin mo ako?"

Si Kuya talaga pakialamero! Pero bakit ganun, parang deep inside natuwa naman ako?

"Oo. Yung kuya mo, binalaan ako. Kapag hindi raw kita hinatid at sinundo, ipagkakalat daw niya sa media na nagde-date tayo."

"Ang stupid mo naman, Bryan! Ba't ka nagpasindak sa kuya ko? May proof ba siya?"

"Oo, meron. Stolen picture nung hinatid kita sa inyo." Natameme ako.

"To get things straight, ihahatid kita hindi dahil gusto ko, okay? Sinave nga kita kahapon pero that doesn't mean anything, okay?"

"The nerve! Feeling mo, iniisip ko na gusto mo akong ihatid? Excuse me, no!"

"Andami mo namang sinasabi! Why can't you be nicer to me?" sabay smile na nakakaasar.

Ayoko na lang patulan 'to, aksaya sa energy!

"Ewan ko sa'yo. I-stop mo 'tong kotse, bababa ako." Binuksan ko agad yung pinto kaya wala na siyang nagawa kundi mag-slow down. Nung makahanap ng timing, mabilis akong bumaba at tumakbo palayo.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon