Chapter 28. [Plot Twist]

335K 6.3K 444
                                    

28. Daniella

"No. Ayoko na. Itigil na natin 'to, please."

Hindi ako puwedeng magkamali, boses yun ni Allison. Na-curious ako kaya hindi ako agad lumabas ng cubicle.

We both know na kailangan lang natin 'tong gawin, regardless kung gusto natin ito o hindi. But I'm getting tired of pretending and lying every single day. At tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang ma-guilty, Erick."

What is she talking about?

"Oh please, Erick. Alam ko namang..."

Nawala na yung boses ni Allison. Hanggang sa makalabas ako ng CR ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung narinig ko.

Teka, bakit ko ba sila pinapakialaman? Hay, mind your own business nga, Daniella!

"Hey, is there anything wrong? Kanina ka pa tahimik, a," tanong ni Bryan while driving home. Napagkasunduan naming sa bahay na gawin yung contract.

"Wala, I'm just tired."

Pagdating sa bahay, naka-post sa door ang isang note.  Ate, Sleepover kami nina Lissy at Rona kina Patricia. Nagpaalam na ako kay Mama. Sabi pala niya ma-eextend pa ang stay nila sa Europe. Text or call me kung may kailangan ka or anything. Ingat. Desi

So ako lang mag-isa sa bahay ngayon?  Oh shit. Kami lang ni Bryan dito!

Pagtingin ko sa kanya, ayun, siyempre he's grinning from ear to ear. 

"Wag mo nga akong tingnan nang ganyan!"  Tumawa lang siya nang malakas at naupo sa sofa. "Anong akala mo, may gagawin ako sa'yong masama

dahil mag-isa ka lang? In your dreams!

"Malay ko ba! Kelan lang tayo nagkakilala, e. Hay naku, gawin na nga lang natin yung contract!"

"Uhm, bago yan, puwedeng pa-ransact ng ref n'yo? Gutom na ako, e."

"Sige. Kunin ko lang yung laptop sa taas." Pagbalik ko, aba, busy na ang loko sa kitchen.

He knows how to bake?

"Hey, Dee, I hope you don't mind. Nagbe-bake ako ng cookies."

Tumango lang ako, obviously amazed. Hindi lang

pala siya singer-actor-dancer-photographer, marunong din sa kusina.

Grabe, I'm starting to think there's a lot of interesting things about him I have yet to find out. I grabbed a chair and waited. Nakakagutom yung amoy ng cookies, ang bango!

"Uy, Bryan, pahingi ako, ha!"

Bigla akong naging mabait. Nginitian niya lang ako. Mayamaya, inilabas na ni Bryan yung cookies from the oven. Wala nang hiya-hiya, tinikman ko siyempre agad.

"Ano, pasado sa taste mo?"

Nag-thumbs up ako sa kanya. Actually, hindi lang basta pasado, napabilib nga ako.

"Gawa na tayo ng contract?" yaya ni Bryan. "Okay."

Pagbukas ko sa laptop ko, bumungad yung wallpaper na picture namin nina Andie at Erick noong Foundation Day last year.

Di ko pa pala napapalitan.

"Kumusta na pala kayo ni Andie? Alam kong nagalit siya sa'yo dahil sa balita."

"Hindi pa rin okay. Obvious naman, di ba? Pero wala naman akong magagawa."

"Sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon