Chapter 7. [Curfew]

520K 8.9K 609
                                    

7. Daniella

Asan na ba ako?

"Gising ka na pala."

Pagmulat ko, si Bryan ang una kong nakita. Nakangiti.

Ah, wait. Where am I?

"Waaaaaaaaaaaa!"

"Huy. Nangyari sa'yo? Masakit pa ba ulo mo?" Lumapit siya sa akin, umupo sa gilid ng kama, at

hinawakan ang ulo ko.

Wait...ako, nasa kama?

"Anong ginawa mo sa'kin?!"

Pinagpapalo ko siya dahil baka ni-rape niya ako. Pero napatingin ako suot ko at naka-uniform pa rin naman ako.

"Ang kapal mo talaga! Kung makasigaw ka akala mo nakalunok ka ng megaphone. Bakit naman kita re-rape-in, ha?" "E bakit ako nandito? Sa...kuwarto mo, 'to? Wow!"

Napanganga ako sa ganda ng room niya. "Yeah, this is mine. Newly-renovated." 

"So bakit nga ako napadpad dito?" 

"Di mo talaga matandaan?"

Ayun, natandaan ko na. Bruhang Allison yun, laki ng galit sa akin!

"Ano, tanda mo na?"

"Oo. E, bakit nga ako nandito?"

"Di ba obvious na niligtas na naman kita dun?" 

"What? Paano ka naman napunta sa scene na yun, aber? Teka, palagi kang sumusulpot kung nasaan ako, ha. Hindi kaya..."

"Hoy! Ano na namang iniisip mo?" taranta niyang sabi. "Ikaw, ha, stalker yata kita, e," tukso ko.

"Ang kapal ng mukha mo. Halikan kita dyan, e!" 

"Ay, sorry. Oo nga, ang kapal ko, artista ka nga pala."

Ang laki ng ulo ng lalaking ito!

Pero bigla kong naisip na ang rude ko sa kanya samantalang tinulungan na nga niya ako. Kaya bigla akong nagseryoso.

"Uy, salamat nga pala." "For what?"

"For saving me. Di ko man matandaan kung paano mo ako niligtas, thank you pa rin."

Nag-smile ako sa kanya for the first time. Sincere naman ako this time. Mabait naman pala siya, e. Kissing monster nga lang. Haha.

"Wala yun. Eto uminom ka muna, o." Inabutan niya ako ng tubig.

"Baka may lason 'to ha," biro ko.

"Adik ka ba? Dinala na nga kita rito para umayos yung pakiramdam mo, e, tapos sasabihin mo, gusto kitang lasunin?" naiinis nang sabi niya.

Ay, baka magalit 'to. Magseseryoso na nga ako.

"Oo na. Sorry."

"Wow, nag-sorry ka! First time!" Umupo siya sa bean bag malapit sa kama at tumawa nang tumawa.

"Nasiraan ka na yata ng ulo dyan. Di mo pa naman ako kilala, ha. How would you know if that's the first time I've ever said sorry to anyone?" sabi ko nang nakataas ang kilay.

Bigla akong kinabahan nung inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. One inch na lang siguro yung pagitan namin. OMG. Kissing distance na 'to, e! Bigla siyang bumulong sa'kin, at kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Then I want to know you better." Tapos kumindat siya. Natulala na lang ako.

"Baba ka na lang, ha? I cooked dinner." Nakalabas na si Bryan ng kuwarto nung ma-process ng brain cells ko yung sinabi niya.

Uh, wait, dinner? Syet!

Napatingin ako sa watch ko, 7:30 na! Way past my curfew. Lagot ako kay Mama!

Ganun ba ako katagal nakatulog?

Bumaba ako at nakita kong nakaupo na si Bryan sa mini sala nila. Yung bag ko, nasa isang upuan. Kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam.

"Bry! Thank you, ha? Alis na ako, lagot ako kay Mama nito, e. Di man lang kasi ako nakatawag."

Paano ba naman ako tatawag e knocked-out nga ako, di ba?

"Di ka na kakain?"

"Hindi na. But thanks anyway." Nagba-bye na 'ko sa kanya at lumabas ng bahay. Syet, gabi na talaga.

"Daniella, wait!" Napalingon ako dahil sa sigaw ni Bryan.

"Yes?"

"Hatid na kita. Ako na mag-eexplain sa Mommy mo kung bakit ka late dumating," sabi niya.

Binigyan ko siya ng nababaliw-ka-na-ba look in

reply.

"Seryoso ka?"

"Do I look like I'm joking right now?" tapos hinila na niya ako papunta sa car niya.

OH. MY. GULAY. Patay talaga ako sa nanay ko nito pag-uwi ko mamaya. Lalo na at kasama ko pa 'tong lalaking 'to.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon