Chapter 50. [Fixation]

291K 5.6K 571
                                    

50. Daniella

"Bakit kasi kelangang pag-usapan yun sa CR?"

"Sorry talaga, Daniella. Hindi namin namalayan na may ibang tao."

Kundi ko lang mahal 'tong dalawang 'to kanina ko pa nasabunutan!

"Sorry na."

"Hindi naman namin sinasadya, e."

"Hay, e, ano pa nga ba ang magagawa ko, andyan na yan. Bumawi kayo sa akin, ha?"

Nakahinga naman nang maluwag yung dalawa. "Oo ba. Libre ka namin you want?"

"Naku, dapat lang! Na-stress ako dahil sa inyo, no!" "Masusunod, mahal na prinsesa. Wag mo nang isipin yung isyu. Ang importante naman, e, sa'yo na ang

prinsipe."

Natawa naman ako sa sinabi ni Andie. Tama, ganun na nga lang ang iisipin ko. Mayamaya, hinila na ako nina Andie papuntang canteen.

Oo nga pala, asan na ba yung prinsipe este si Bryan?

Right on cue, biglang pumasok ng canteen ang loko.

Sa loob-loob ko, grabe din 'tong lalaking 'to. Pinagpawisan na't lahat mukha pa ring mabango. And he looks really cute in his basketball jersey.

Hay, kaka-in love.

To my surprise, dinala ako ni Bryan sa gitna ng mga table, sa harap ng mga schoolmate namin. Inakbayan niya ako then he started talking. Lahat napatingin sa amin.

"Schoolmates, I heard about the rumor going around. For the record, it is not true. This girl right here is my girlfriend. Mahal niya ako at mahal ko siya and we don't need to prove anything to anyone. Sana matigil na ang pagkakalat ng maling balita tungkol sa amin. Please, please, let us live in peace. Thank you for understanding."

Nagpalakpakan naman ang lahat. Ako, hindi makapaniwala. Muntik nga akong maiyak sa sobrang pagka-touch. Niyaya ako ni Bryan lumabas ng canteen. Sinenyasan ko na lang sina Allison at Andie. Go lang daw.

"Hey, you didn't have to do that." 

"Of course, I have to." 

"Salamat."

"I don't want you to get hurt, Dee. Wag mo yun kakalimutan."

"I won't. Salamat uli. Muntik ko matapakan yung hair ko kanina."

Natawa siya at ginulo yung buhok ko.

"O ba't ganyan ka makatingin? Matunaw ako niyan."

"Iniisip ko lang kung ano ang nagawa ko to deserve someone like you."

"You are a good guy, Bry, that's why God wants you to be happy."

"You think I am? Despite my mistakes?" 

"Oo naman. We all deserve a second chance."

"Thank you, Dee. You make me love you even more."

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon