Chapter 38. [Heartbeat]

307K 5.9K 379
                                    

38. Daniella

Dahil weekend at wala akong magawa, naisipan kong pumunta ng hospital para magpa-checkup. Parang araw-araw kasi abnormal ang tibok ng puso ko, e. Pagkatapos ng mahaba-habang tanungan, lumabas ang diagnosis.

Wala naman akong heart problem. Ang sabi ng doctor, maliwanag pa sa sikat ng araw, in love daw ako.

In love? As in?

Muntik akong mahulog sa upuan. Kasi naman!

Di ko alam kung paano ako nakalabas sa clinic ng cardiologist. Namalayan ko na lang palabas na ako ng hospital.

"Dani? What are you doing here?"

 "Bryan? A, wala, napadaan lang. Ikaw?"

Ang galing kong mag-alibi. Napadaan lang. Ano 'to park?

"A, may sinamahan lang akong production crew. May sakit ka ba? You look pale."

Hindi ko na naintindihan masyado yung sinabi niya. Nakaka-distract kasi yung kaguwapuhan niya. Naka-simpleng grey polo shirt at denim jeans lang naman pero ang lakas ng dating!

At siyempre nag-react na naman yung puso ko. "Daniella? May problema ba? Hatid na kita sa inyo.

You don't look well."

Gusto kong sabihin sa kanya, "Kasalanan mong lahat ito!" pero siyempre hindi ko magawa.

"Okay ka lang ba talaga?" Hinawakan niya ako sa arm.

"Oo naman, okay lang ako. Bye na!"

Tumakbo ako nang mabilis para di na siya makapagprotesta. Tinawag niya ako pero di ako lumingon. Buti naman di na humabol. Na-weirduhan siguro sa akin.

Weirdo naman talaga ako, e. Na-inlove ako sa taong kinaiinisan ko. Yes, I'm officially in love with Bryan Lim.

God, I'm doomed.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon