Chapter 45: Annulment

8.8K 131 4
                                    


                                                               GENEVA's POV 



Hindi ko alam na makakatungtong pa pala ako sa bahay na ito since the last time I've been here. Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng gate niyo at ang aura mula sa labas. Ang nagbago lang ay medyo luma na ang bakal ng gate, dahil dala na ssiguro sa init at ulan.


Kung noon ay nakikita ko ay ang mga sasakyan na nakaparada pagkapasok mo sa gate, ngayon ay napalitan na ito ng mga bulaklak na nagpapaganda sa paglakad mo sa umaga. Ang mga sasakyan ay nasa kanang bahagi na ng bahay kung saan nandoon ang malaking garahe.


Kulay brown ang kulay nang pinto na biglang bumukas at dumungaw sa amin ang simpleng matandang lalaki na alam kong hindi ang Lolo nina Lucas at hindi rin ang Papa nito.


"Lucas, it's nice to see you again." Bati niya sa lalaking katabi ko. Dumiretso ang mata nito sa akin. "Is she Geneva, ang ganda pala." Nakangiti itong nakatingin sa akin


Yumakap si Lucas rito. "Nice to see you again Tito Luis."


Ipinakilala ni Lucas sa akin ang Tito Luis niya. Kapatid ito ng papa niya at bihira lamang pumunta rito at dalawin ang kanyang Lolo at Papa dahil may mga negosyo rin sa Maynila. Ang sabi ni Lucas, ito daw ang pinakamatigas na ulo na anak ng kanyang Lolo at hindi ang kanyang Papa.


Kaya laking gulat nilang sila ang nagmana sa kanilang Tito Luis at hindi sa kanilang Papa dahil ang Papa nila ay madaling madiktahan ng kanyang Lolo.

"Is dad there?" tanong nito sa kanyang Tito.

Umiling ito. "Nope. He's in States right now. Alam mo na matanda na ang Lolo mo kaya siya na ang nagmamana ng trabaho."



Mga ilang minutong lumipas ay nagpaalam na ito dahil may meeting pa rin daw siyang dadaluhan. Ang Tito niya ang hindi kamukha ng Lolo nila. Sabi ni Lucas, nagmana daw ito ng mukha sa kanilang Lola at ang kanilang ama ang kahawig ng kanilang Lolo.


Agad niya akong inakay papunta sa loob. Wala pa ring pinagbago ang loob ng bahay, kagaya pa rin ito ng dati kong pagpunta. May mga paintings pa rin sa itaas ng mga walls. Nagbago lang ng bigla kong nakita ang mga paintings na mukha ni Lucas at katabi nito ang kapatid.


"The last time I've seen the walls, wala ka sa mga paintings." Sabi ko.

Ngumiti siya. "I did plan to remove it, para hindi mo kami mahuli. Besides, my Lolo won't notice it anyway kasi nga ay busy ito sa trabaho."

"Kaya pala." –

Tumingin ito sa akin ng saglit at kung saan ay huminto ito ng lakad.

"And the last time you've been here. It's not me. It's Miguel."


Whattt?


Kunasabagay hindi na ako magtataka kung si Miguel iyon. The plan was there plan. Ang nakakainis lang isipin ay kahit isang signature nilang dalawa na magkaiba hindi ko man lang napansin.

Before He CheatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon