Chapter 29: SpendingTime

9.9K 181 16
                                    


Dalawang buwan na rin ang nakalipas. Dalawang buwan na rin siyang sweet sa akin at ramdam ko na rin ang pagmamahal niya. Texting me, calling me kahit nasa opisina siya, surprise dinner and flowers basta yung mga bagay na hindi niya ginagawa noon. 


And most importantly. dalawang buwan na rin na hindi ko na naiisip ang mga huling katagang sinabi ni Lucas sa harapan namin. Gustong-gusto ko ng kalimutan iyon pero minsan nasasagip pa rin ito ng isip ko. 


MAY ALAM BA SILANG HINDI KO ALAM? 


Napukaw ako ng bigla niyang akong hagipin ng yakap sa likod. Akala ko ba ay nasa trabaho siya. Halos nagulat tuloy ako kung sino ang yumakap sa akin. Amoy ko ang kanyang pabango kaya agad ko siyang nakilala. 


"You don't have work?" tanong ko sa kanya. 


"Umabsent ako. I mean nagfile ako ng leave." konti niyang sagot.


Hinarap ko siya. "Bakit?" 


Ngumiti naman siya. "Pack your things. Our things I mean. Let's go unwind?" 


Mag-unwind? bakit naman at para saan? Sasayangin niya ang trabaho niya para lang mag-unwind? Nalilito na talaga ako sa taong ito. 


"Ayaw mo?" pabigla nitong tanong sa akin. 


"For what?" diretso kong tanong. 


"I want to spend time with you." simple niyang sagot.


========


We packed things out again. Nilalaro nang aking atensiyon ang mga panay niyang jokes at ang malakas niyang tawa. Kung iisipin ko talagang mabuti, hindi ko na gustong mawala ito sa kanya kahit alam ko naman noong una pa kung bakit agad siyang nagbago.


AGAD SIYANG NAGBAGO.


Oo. Agad siyang nagbago simula noong bigkasin ng kakambal niya ang katagang hindi kami kasal. Agad siyang nagbago dahil alam kong may itinatago siya. At alam mo kung ano ang napakasakit isipin? Yung nagbago siya agad dahil lang sa isang malalang sitwasyon.


Ilang oras rin ang nakalipas ang biyahe pasilangan at huminto kami sa isang malaking bahay na may kulang berdeng gate at sa may sementong pader ay ang pangalan ni Miguel ang nakasulat.


Tiningnan ko siya ng makababa.


"Yeah. My house. I bought this noong kakaumpisa ko pa lang sa business ni Lolo at noong nakaipon ng pera, ito na ang binili ko una. Because for me, house cost a worth of all the money." - paliwanag niya. "And I'm so sorry for not telling you about this. I want this as a surprise for you someday. "


Natulala lang ako. Not the fact about the house but the idea na nagsinungaling siya. Asawa niya ako diba dapat ay nasasabi niya lahat sa akin? Ano pa ba ang hindi ko alam sa kanya? Nakuha ko tuloy siyang tingnan ng kahina-hinala.


In a minute or two, I followed him anywhere he goes papuntang loob. The house is filled of old paintings of him and his family. Ngayon ko lang napansin ang painting image ni Lucas where I haven't seen it inside their Grand's mansion. Kahit sa paintings hindi malalayo ang pagkakahawig nila.


"Our room is on next floor, pero mamaya na tayo doon, let's take a break and relax." Sabi nito.


Pumunta ito agad sa kusina para ipagtimpla ako ng kape and when he came back umupo siya sa tabi ko.


"For now, dito muna tayo siguro mga 7 days or less or maybe if you want more?" tanong nito sa akin.


Tumango ako for a respond.


"Walang naglilinis ng bahay mo habang wala ka?" – tanong ko.


"Meron naman." He answered. "Matagal ko nang katiwala na mag-asawa but since nandito tayo pinabakasyon ko muna sila."


Tumango na naman ako.


First day was great. We cooked together, ate together and then went to sleep. got up after 3 hours for the midnight snack- freshened up on the upstairs veranda, had some wine and got drunk. And honestly, this was probably the longest time we had fun together. 


Past 4: am and we we're still awake, sitting up into the two chairs in the veranda, holding wine in each hands and making some simple talks about us. 


I hardly laughed at the joke he has just said. And then when I wasn't still stopping on  my laugh, he stared at me seriously and breathed in. 


"Look Gev. I knew I've been harsh and all to you, that I haven't kept our marriage as good as you are expecting to but .." tiningnan niya akong mabuti. "I want to say that I am on my first step para makabawi sayo .. and please let me make it up all to you." 


Naputol ang tawa ko at tiningnan ko lang siya lang malumanay. Lahat ng sinabi niya ay nagsink-in sa utak ko. Napupuzle na tuloy ang mukha ko. Wait, ano ba ang pwede kong isagot dito? Nakatingin lang ako sa kanyang naghihintay na sagot na mukha. 


Hindi ko alam .. 


"Gev, did you hear me?" - pukaw niya sa akin. 


Hinawakan niya ang aking kamay at alam kong ramdam niya ang lamig rito, malamig ang hangin sa labas at ganoon rin ang reaksiyon ko sa sinabi niya- mahirap na kasing magtiwala sa kanya. 


Ngumiti na lang ako. "Okay." 



Before He CheatsWhere stories live. Discover now