Chapter 14: Clarifying

11.2K 204 19
                                    


"WHAT'S WITH ALL OF THESE GENEVA?!!!" 


Kapapasok pa lang niya sa loob ng bahay at mga maleta na ang kanyang nadatnan sa may sala at ako na nakaupo at mugto ang aking mga matang nakatingala sa kanya. No, hind nakatingala. Hindi ko nga siya matingnan nang diretso dahil nasa isip ko ang pagtataksil na ginagawa niya sa akin. 


"WHERE THE HELL DO YOU THINK YOU ARE GOING?" isa pang tanong niya ulit. 


Tumayo ako at bigla siyang sinampal ng malakas sa mukha. Nasapo niya ang kanyang mukha at halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko. 


"At yan ay sa pagtataksil mo sa akin." galit kong sumbat sa kanya. 


"What ano bang pinagsasabi mo?" galit na rin itong nagreact sa ginawa ko. 


"Stop acting like you don't know Miguel. Nagtataksil ka sa akin, kailan pa ha, kailan pa at halos ay umabot pa sa ganito ang lahat. Ganoon na ba talaga kalala ang galit mo sa akin at kailangan mo pang maghanap ng iba para ipamukha sa akin na hindi ako mabuting asawa ha, Miguel." mahabang diin ko sa kanya. Hikbing sabi ko. 


Hindi ko na mapigilan pa ang pag-iyak dahil ang totoo, ang sakit-sakit pala makitang sinasaktan ka at pinagtataksilan ka ulit sa pangalawang beses na naman. First one was Alex at ngayon naman ay siya na asawa ko pa talaga. 


"Hindi ko alam ang sinasabi mo. And for God's sake Gev, I am not cheating. I never cheat even once." madali niyang nahila ang aking balikat ngunit dahil sa lakas at galit ko ay mabilis ko itong nakuha mula sa kanyang pagkakahawak. 


"Then explain to me kung bakit ka nasa mall na iyon and then sa harapan ko ay kitang .. kitang-kita ko ang paghalik mo sa sa babaeng iyon .. and don't tell me it is not you because it was really you !!!" umuusok na ako sa galit habang sinasabi ko sa kanya ang lahat ng naganap kanina. 


Instead of answering me back, he headed to the room kung kaya't ako pa ngayon ang sumusunod sa kanya because damn me for asking an answer na alam ko namang OO pa rin ang isasagot niya. His presence there at the mall proved everything. 


"Can you just please answer me Miguel!!" 


Nadatnan ko siyang naghuhubad ng polo at nagbibihis ng kanyang pambahay na damit. He isn't facing me at all, or even not caring me sa lahat ng sinasabi ko.  Tinakbo ko kung saan siya nakatayo at kailangan ko pa siyang ipaharap sa akin para lang pakinggan niya ako. ULIT. 


Nakita ko ang pagkairita sa kanyang mukha. "I told you everything already Gev. That guy was not me. I was just at the work this whole day and I never kissed anyone. All. Nothing more and Less." 


"This is so bullshit Miguel." paiyak kong sabi sa kanya. "Zach and I saw the two of you cli .. clinging." 


Napako siya sa sinabi ko. 


"Zach? so Zach was here and you went outside with her Geneva? !!!" nanlaki ang kanyang mata sa kanyang narinig. "Di ba sinabi ko na sa iyo na hindi ka lalabas ng bahay especially without my permission !!" bigla niyang hinawakan ang aking balikat kaya't nasasaktan ako. 


"Then what sasaktan mo na naman ako! Paiiyakin, bubugbugin .. sige. gawin mo. Diyan ka naman magaling diba" sabi ko sa kanya. "Cause  .. I've never been a perfect wife to you .. never ever once and it is all because of losing Tristan diba Miguel .. dahil kahit kailan hind mo pa rin ako pinapatawad." 


"That's not true." sagot niya sa akin ng diretso.


"What anong hindi totoo Miguel. Don't make me believe na okay na sa atin ang lahat because it's all not totally okay .. forgiving me has .. had never been placed there in your heart and it is making my life fucking miserable .. " niyugyug ko ang kanyang balikat. 


"Urgh! stop this Geneva, I am fucking tired." humakbang siya ng papalayo sa akin at kinuha ang kanyang laptop sa kanyang suitcase at inistart ito. 


Pinanood ko lang siya. 


"Ganyan ka na naman, pinapawalang-bahala mo lang ang lahat." I said after a long pause. 


He stared me back and with his irritated gesture on me. "I'll be having a meeting sooner so please stop with your ranting .. or else aalis ako." 


"Edi umalis ka  .. alam ko naman kung saan ka pupunta eh, sa babae mo!" walang-pasabi kong sabi sa kanya. Ang totoo, natatakot naman akong umalis siya eh dahil ayokong umaalis siya dahil natatakot ako na baka tuluyan na niya akong iwan at hindi na balikan. 


I saw how he closed the laptop and stood up and went straight in front of me. Hawak-hawak niya ang kanyang laptop. Alam kong hindi siya aalis dahil hindi siya nagbibihis kaya medyo napanatag na rin ang kalooban ko kahit papano.


"Sinabi ko na sa iyo na wala akong babae, now excuse me." 


Iniwan niya akong mag-isa sa kwarto habang sinusunod siya ng tanaw patungo sa sala. 



Before He CheatsWhere stories live. Discover now