Chapter 12: Zach in a VISIT

11.3K 203 18
                                    


3 malakas na katok ang nagpatakbo sa akin sa pintuan ng bahay. I know it's not Miguel dahil padabog iyon lalo na pag galit. Pinahid ko ang aking mga kamay na may mga sabon pa at bula dahil nasa likod bahay ako at naglalaba pa. 


Minadali ko ang pagbukas ng pinto dahil nagtataka ako kung sino ang nasa labas. Nang pagbukas ko ng pinto ay agad na isang malaking ngiti ang pumaskil sa aking labi. Na miss ko rin ang taong ito. Gulat na gulat itong nakatingin sa akin, siguro dahil sa basa ang aking damit at wala akong suklay sa buhok. 


"What happen to you?" mabilis nitong tanong habang kunot ang noo nitong nakatingin sa kin. 


Pinahid ko ang aking kamay sa aking damit at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kuko. "Bakit ano bang meron? Sorry, naglalaba ako kanina pa." sagot ko. 


Hindi na siya naghintay pa na papasukin ko, pinasok na niya ang sarili niya sa loob ng bahay. Nasanay na rin ako sa kanya dahil ganoon ang mga ginagawa niya noon pa lang kahit sa bahay pa ako ni Papa. 


"No. I mean you look so ..." diretso siyang nakatingin sa aking mukha. "Stressed?" patanong iyon na sagot. Alam ko na ang sinasabi niya. 


"Really, Am I?" 


Tumango siya. 


Alam ko naman ang sinasabi niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ganito ako ngayon, puyat, eka nga niya na stress, wala ng time sa sarili kundi naman ay hindi ko na sinasagawa ang pagpapaganda dahil nasa bahay lang naman ako palagi, di ako masyadong lumalabas dahil nga sa magagalit na naman siya at kung hindi naman ay wala na talaga akong oras. 


Pinako ko ang aking tingin sa kanya. "Yeah I think so. Busy lang tapos tinutulungan ko si Miguel sa negosyo niya ngayon, nakakasira rin ng beauty." 


"Naku, nasanay na ako sa iyo. Kahit saanglupalop ka pumunta bukambibig mo pa rin ang negosyo, negosyo, ni halos wala ka ng panahon sa sarili mo Gev." mahabang sabi nito. 


Nginitian ko siya. "Eh ikaw ba, kumusta na?" 


Ngiti rin ang sinagot niya sa akin at maya-maya ay inilahad sa akin ang kamay. Kitang-kita ko ang pagbuka ng kanyang mga daliri at una kong nakita ang kintab ng singsing na nasa ring finger niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, masaya lang ako sa nakita ko sa kanya. 


Ikakasal na siya. 


"OMG-  I am so happy for you Zach, uy kelan lang?" mabilis kong tanong sa kanya. 


"Thank you." hindi ko maipinta ang tuwa sa kanyang mga mata. "Last two weeks lang, nakakainis nga dahil hindi mo man lang na witness." maasim na mukha niya. "Alam mo, bakit ba hindi mo magawang magtravel ng 6 na oras papuntang city? Di yung nandito ka lang sa bahay mo at nagmumukmok." 


"Pasensiya ka na Zach, super busy lang talaga tapos heto- gawing bahay." nilibot ko ang aking paningin sa bahay at ganoon din ito.


Nakita ko siyang nilibot ang paningin sa loob ng bahay tapos tumingin pabalik sa akin. "Bakit wala ka atang bookshelves sa sala diba paborito mo iyon?" nang mapansin niya ang nasa loob-bahay. 


"Ahh, pinapagawa ko pa, gusto ko kasi hindi binibili tapos gusto ko yung may takip." pagdadahilan ko. 


Ang totoo, noong una kaming nakatira rito ni Miguel at napansin niyang may mga bookshelves na nakapatong sa dingding ng bahay ay pinatanggal niya ito sa akin. I made such excuse na sanay na ako na ganito ang porma ng bahay dahil sa nakaugalian ko na at tsaka noong isa pang bahay ay ganoon naman. 


Sinabi niyang, hindi lang daw ako ang titira sa bahay mag-isa at pwede ko nang halos gawin ang lahat ng style na gusto ko. Andoon rin daw siya at nakakairita daw na panoorin ang mga libro pagkapasok pa lang daw. Mukha dawng old style. Kaya para hindi na magtalo ay sinilyo ko na lang sa karton at tinago sa sulok. 


"Gala tayo?" sabi nitong nakangisi nakangiti sa akin.


"Di ako pwede." tumayo ako. "Wait kukuhanin kita ng maiinum." at tuluyang umalis. 


Nang makabalik at napatong sa mesa ang dalawang baso ng juice ay agad niya itong ininom. Napagod rin siguro ito sa byahe, 6 na oras rin kaya ang biyahe rito papunta sa amin. Matapos makainom ay nilapag niya sa mesa ang baso. 


Nirelax ang likod sa sofa. "Ahh, nakakapagod magbiyahe sa inyo ang haba ng biyahe." 


"See. I told you kaya nga hindi na ako  bumabyahe pag ako lang mag-isa eh kasi ang haba ng biyahe." pagsisinungaling ko ulit. 


"Saan ba si Miguel?" tanong niya. "Trabaho na, anong oras uwi niya?" dugtong-dugtong nitong tanong. 


"Mamaya pa iyon. Mga alas 9 siguro." hinanap ko ang remote control ng Tv at ini-on ang TV. "Nood na lang tayo ng palabas." sabi ko. 


"Musta naman kayo?" - ani nito ngunit nakatuon ang mata sa palabas. 


Nilingon ko siya. "Okay naman kami." 


"About Tristan?" she asked that in a moment. Akala ko di na siya magtatanong kay Tristan. Nilingon niya ako at nakakatutok talaga sa akin. "Were you both moved on already?" 


Huminga ako ng malalim sa kanya. "Ewan, baka. Ayaw na ni Miguel na pag-usapan iyan kaya nga minsan sinasarili ko na lang ang pag-iyak." 


Hindi na siya nagtanong pa. 


Maya-maya pa ay tumayo siya at binitad ang aking kanang kamay. 


"Take a shower. Gala tayo.!" 


Hay naku !




Before He CheatsWhere stories live. Discover now