Chapter 34: Coldness

8.5K 154 4
                                    


"Gev? Are you okay, kanina ka pa tulala ah?"


Nilingon ko syang nakatingin ng husto sa akin. May pag-aalala ang kanyang mga mata. Napansin ko iyon kaya mabilis akong nagbago ng pustura at kilos. Binawi ko ito ng hinalikan ko siya sa pisngi at sinabihan ng goodnight. 


I wouldn't want him to feel that I am so cold now- not in front of him. Kung kelan kasi nag-iba na siya at naramdaman ko na ang pagmamahal niya ay saka ko pa nalaman ang lahat- ngayon pa talaga na kaya ko nang tanggapin siya sa lahat ng bagay. 


"Is there something wrong Geneva? I knew you." dagdag niya ulit but this time ay hawak na niya ang balikat ko habang nakatalikod akong nahiga sa kanya. 


Umiling ako. 


Narinig ko siyang nagbuntung-hininga. "Are you sure?" 


"Yeah. I am. Siguro ay napagod lang ako." I lied. 


Hindi na niya ako tinanong pa kaya ay natulog na lang ako. Not natulog but alam mo iyong patulog-tulog lang. Hindi ako makatulog dahil sa hindi matanggal sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Zach sa akin tungkol sa kambal. 


Pero nalilito pa rin ako? Paano napunta sa akin si Miguel kung si Lucas ang ama ni Tristan? Dahil lang ba sa isang one-night stand at para sagipin ang kakambal niyang si Miguel kaya nagawa ni Lucas iyon? Paano nila ako pinaglaruan?


Hanggang sa narinig ko na lang ang pagpatay niya ng ilaw sa kwarto at tumabi sa akin dahil sa paggalaw ng kama. Naramdaman ko ang pagkapit ng kanyang kamay sa aking tiyan at ang init nito. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa akin. 


Kaya napapikit ako rito. Sinasabi ko sa sarili kong sana ay hindi na lang niya ako minahal ulit at sana ay naging masama na lang siya para madali sa akin na iwanan siya. Napaluha ako sa sakit ng dulot nito. 


Ilang minuto ay narinig ko ang kanyang paghilik. Naghihilik na siya ngunit ako ay hindi pa rin nakatutulog. Binuksan ko ang phone at halos ay alas 12 na ng hatinggabi. Tiningnan ko ang aking phone at naalala ko si Lucas. 


May numero ako sa kanya, hindi ko nalimutan na hingin iyon kay Zach. Tinawagan ko iyon. Wala pang limang minuto ay narinig ko ulit ang boses niya. 


"It's Gev. Can we see each other tomorrow. I'll text you tomorrow what time." 

Before He CheatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon