Chapter 36: STORY BEGINS

11.7K 180 46
                                    

(Kindly read the BOLD sentence para hindi maconfuse. Thanks.)

WHAT REALLY HAPPENED --- WAY BACK BEFORE MIGUEL AND GENEVA HAVEN'T MET YET !


LUCAS' POV


Nakita ko ang pag-ring ng aking cellphone. It's my twin brother calling at walang ano ay sinagot ko na ito. Pagkasabi pa lang nito ng hello sa akin ay alam kong may problema ito. 


"Miguel, napatawag ka?" ani ko sa kabilang linya. 


Narinig ko rin ang pagkalma ng boses niya at nagsimulang sabihin sa akin ang lahat. "Grand wants me to marry Brenna .. do you know that? I really can't imagine Dad agreed to all of these." 


Nasupresa ako sa sinabi nito. "Really? Ang mabuti pa kasi ay lumayo ka na riyan, just leave them both. Masaya kami ni Mama rito- dito magiging masaya ka Miguel .." 


"I can't leave .. I have my company." 


Oo nga pala, ito na ang pangarap niya noon pa- ang maangkin ang kompanya ng aming Lolo. My Grand didn't make a mistake na si Miguel ang pamanahan ng kompanya dahil alam kong magaling siya sa pagpapatakbo ng lahat. 


Miguel excelled on all things. Sa aming dalawa ay siya ang palaging una sa lahat. Hindi naman ako nagseselos rito kahit alam kong siya ang may napakaraming papuri ng Lolo at papa. I didn't even feel jealous on him once dahil naging isang mabuti siyang kapatid sa akin. 


He taught me everything which he was good at. Para daw patas rin kami. He's like my elder brother to me kahit siya ang naunang lumabas sa aming dalawa. He treated me like I was not his competitor- at masaya ako sa lahat na natatanggap niya. 


But when ay noong pinili niyang sumama sa Lolo dahil sa pangarap niyang maangkin ang kompanya at hindi sa amin ni Mama noong papuntang States ay hindi ako nagtampo sa kanya. He has this dream when we were younger at alam ko na kung sasama siya sa amin ay hindi niya makakamtam lahat  ng pangarap niya. 


"So what's the plan? How can I help you Miguel?" 


"I don't know .. I really don't know." sagot niya rito. 


Namagitan ang konting katahimikan sa aming dalawa. Pareho kaming nag-iisip ng paraan para hindi na siya mamroblema. Unang naisip ko talaga ay tumakas siya sa Lolo, but alam ko na ang kayang gawin ni Lolo. Kung tatakas man siya ay tiyak na mahahanap pa rin siya dito. 


Talagang hahanapin siya nito dahil isang napakalaking pangyayari ang ipakasal siya kay Brenna. Brenna was our childhood friend- maganda, mabait pero wala kaming interest sa babaeng ito. Kahit alam naming kasama namin siya sa lahat ng araw dahil nga sa close ang pamilya namin pero hindi ko pa rin halos maisip ang ginagawa ngayon ng Lolo. 


"Kung magpakasal ka kaya ng babae, siguro naman ay hindi na mapipigilan ng Lolo iyon diba?" una kong suhestiyon. "Pagkatapos nang kasal ay hiwalayan mo. Ito naman ang ibang ginagawa ng iba diba?" 


"Not .. kung malaman ni Lolo ang pagpapakasal ko nang madalian at peke, gagawa pa rin siya ng paraan para makasal kaming dalawa ni Brenna." 


Oo nga pala, hindi ko naisip iyon. Matalino talaga itong kapatid kong ito .. 


"Kailangan ko ng mas mabigat na panlaban sa Lolo Lucas.." dagdag nito. 


"Eh ano ba ang naiisip mong paraan ngayon?" ako naman ang nagtanong rito. 


Kung nandoon lang ako sa tabi niya ay talagang maawa ako rito. Lalo na kapag nakikita ko ang mukha nito. Napakapangit naman isipin na kapag ako ang namroblema ay madali siyang nakakaisip ng paraan habang siya naman ngayon ay hindi ko halos matulungan. 


Malaki ang utang ko sa kapatid ko.


"I don't want to get married, same as I don't want to have a child this early .. but ito lang ang naiisip kong paraan .. ang magkaanak Lucas .. ano sa tingin mo?" 


Halos ay hindi ako makakilos sa sinabi niyang paraan. "It's .. It's good .. but parang napakacomplicated naman Miguel .. do you mean gagamit ka ng bayarang babae para magkaanak lang?" 


Nagbuntung-hininga siya. "Yeah .. ito lang ang paraan. Mabisang paraan sa lahat Lucas." 


"Siguro ka na ba diyan?" paniniguradong tanong sa kanya. 


In his voice, I know he's having a doubt saka namention niya kanina na hindi niya gustong magkaanak- naawa talaga ako sa kanya. Paano niya gagawin at makakamtan ang pangarap niya kung hindi pa niya gustong magkaanak?


May naiisip akong paraan pero kung ito naman ay gagawin ko- masisira naman ang buhay ko. Pero ang iniisip ko ngayon ay siya- hindi ko gustong mahirapan siya dahil nasanay akong wala siyang problema. 


"I have a plan .. I'll fly tomorrow first thing in the morning at sabihin sa iyo ang plano ko. We'll talk about this in person. Don't worry Miguel, kaya mo ito." - 

Before He CheatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon