18. HURT

249 18 2
                                    

"Where are you?" Kalma at malumanay naman ang tono ng boses ni Channie mula sa kabilang linya ng telepono, pero bakit parang mas lalo pa ata akong natatakot?

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. Sana naman hindi napanood ni kapre 'yung presscon kanina. Lalamunin ako nang buhay nito pag nagkataon. "Di...diiiito lang sa bahay. Kaka...ka...kakauwi ko... lang. Ba...bakit?" Syet! Nabulol pa talaga si tanga. Krung-krung ka talaga kahit kelan, Sandara Park!

"Stay there. I'm coming over," he said to me briefly before hanging up, leaving me slightly confused of the situation.

"Mapapatay talaga kita, Jiyong!" Di ko na napigilang sumigaw out of frustration.

I was really taken aback by Jiyong's earlier confession. We were immediately ushered out of the venue matapos n'yang isiwalat ang so-called feelings n'ya sa harap ng media. I wasn't given the chance to answer back nor ask him face to face what he was up to. GDragon developing real feelings for me is just too far-fetched. Imposibleng mangyari kaya I don't buy any of it.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang doorbell hudyat na dumating na si Chanyeol. Patay na talaga 'ko. Goodbye, cruel world!

Nag-sign of the cross muna ako bago buksan ang pinto. Pero bumungad naman sa 'kin ang gwapong mukha ni kapre na nakangiti. Bahagya pa s'yang yumakap at hinalikan ako sa pisngi bago tuluyang pumasok.

"Kumain ka na, bansot?" Sweet na tanong n'ya at dali-daling tumungo sa dining area. May dala pala s'yang pagkain.

Nawala nang konti ang takot na nararamdaman ko dahil sa asta ni kapre. Mukhang wala naman pala s'yang kamuwang-muwang sa nangyari. Pero knowing him na tutok sa social media, for sure maya-maya lang mababasa na n'ya ang naging pasabog ni Jiyong kanina. Should I come clean and tell him now? Ayoko naman kasing sirain ang masayang mood n'ya agad-agad.

"Ano na? Para kang nakakita ng kapre d'yan. Tara kumain ka na dito. Kanina pa 'ko nagugutom," aya ni Channie.

"Nakakita naman talaga 'ko ng malaking kapre. Pumasok pa nga sa bahay ko. Ayan o," sabay kurot sa mukha n'ya na natatawa.

"Funny ka na n'yan? Ikaw na nga ang dinalhan ng pagkain," kunwaring nagtatampong sambit ni Channie.

"Poging kapre ka naman kaya wag nang sensitive please," I gave in at pinagbigyan s'ya sa paglalambing n'ya.

"Pero love mo ko kahit poging kapre lang ako?"

"Syempre naman. Love na love," sagot ko at nagsimulang kumain.

"So ano 'yung nangyari kanina sa presscon? Love mo ko pero may love ka pang iba?"

Hala na. Bumibigla? Saan galing 'yun? Halos maibuga ko ang kinakain kong kanin dahil sa narinig.

"You knew?" Tanong ko. I looked at him and saw sadness written all over his face.

Seryosong tumango lang si Channie.

"Bakit wala kang sinasabi kanina?" Asik ko naman.

"Ako ba ang kailangang may sabihin? Di ba dapat ikaw? Ikaw ang kailangang magpaliwanag. Mukha akong tanga kanina, Sandy. I was watching TV with my friends at proud na proud pa ko sa'yo only to witness everything. Anong ibig sabihin nun?"

"That was nothing. Hindi ko alam kung anong trip ni Jiyong. For all we know gumigimik lang 'yun para mag-hysterical ang mga fans. I can't believe kailangan pa talaga nating idiscuss 'to," I started to feel frustrated.

"And you expect me to be cool with it? Wala kang ginawa or sinabi man lang, Sandy. If I didn't know better, iisipin ko pa nga na parang kilig na kilig ka kanina. You just allowed him to go all out. Kulang na lang mag 'i love you too' ka sa kanya on national TV."

"You're so unfair, Chanyeol! Wala akong ginawa or sinabi kasi di ako nabigyan ng chance. I was just as surprised as everyone. Hindi ko alam na sasabihin n'ya 'yun. Don't be like this. Don't treat me as if ako ang nag-utos kay Jiyong na sabihin n'ya lahat ng 'yun. I had nothing to do with it."

"You should have atleast clued him in na you're already committed to someone else. Mahal kita Sandy pero tao lang din ako at lalaki ako. Ayoko ng ganyang gimik para lang makabenta ng album. You don't have to go that low," I know he's hurting. It's very obvious sa mga mata at tono ng boses n'ya pero nasasaktan din ako sa mga sinasabi ni Chanyeol.

"Clued him in? I don't owe him anything and he doesn't need to know about my personal relationships. At oo, lalaki ka. Ikaw ang lalaki sa 'ting dalawa kaya ikaw dapat ang mauna na magbigay ng clue sa lahat tungkol sa 'tin. You know what, I take that back! Cluing everyone is BS! Bakit nga ba di mo masabi-sabi sa lahat ang tungkol sa 'ting dalawa?" Tuluyan nang kumawala ang luha na kanina ko pa pinipigil. Naiinis ako. Why do I have to defend myself to begin with? He's been in this business for just as long kaya dapat naiintindihan n'ya how it works and not be all sensitive about every single thing.

"Don't turn things around and make this about me. Ikaw ang nagpa-presscon kanina, Sandy. Hindi ako. My family and friends know about us and what we have. That's enough for me."

"Well I hate to break it to you but that's not enough for me. So please Chanyeol, kung huhusgahan mo lang ang pagkatao ko at sasabihan mong kasali ako sa cheap gimik na yun para makabenta ng album, pwedeng umalis ka na? Bring your food with you. I don't need it. Hindi ako gutom!" Mabilis kong pinahid ang nangingilid kong luha at padabog na pumasok ng kwarto.

"Sandy!" I heard him call out my name in despair. I was tempted to look back but decided not to. I'm deeply hurt by his words. Ayokong magpanggap na okay ako.

"Leave me alone!" I answered back before locking the door behind me.

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDOn viuen les histories. Descobreix ara