9. WOLF

384 19 3
                                    

Today is the day. The day that would actually mark the beginning of the end for me of some sort. Hay. Kung pwede lang talagang lakdawan ang araw na 'to ginawa ko na.

Dahil na din siguro sa tensyon kaya napaaga ang gising ko kanina. I did a quick jog this morning, nag-yoga ako, nag-rosary, at nag-sit up. Lahat-lahat na ginawa ko para lang kumalma pero no use. I even managed to finish a tub of Baskin Robbins ice cream all by myself. Tinalo ko pa ang isang lalaking nabasted ng nililigawan n'ya for five years. Tinalo ko pa ang isang babaeng niloko ng mahal n'ya at ipinagpalit sa iba.

Mamaya pa namang alas diyes ng gabi ang call time ko for the shoot. Mamaya na din kukunan ang scene na ilang gabi nang laman ng bangungot ko. Ugh! I guess I really have no choice but to accept my fate.  This is the kind of job I chose to do, so I'll have to stomach everything in. Fighting, Sandy! Kaya mo 'to. Kayang-kaya mo 'to.

"Work is work and you are a professional kaya you will make sure you deliver. Kuha mo?" I told myself.

"Siguraduhin lang talaga ng psychopath na V na 'yan na hindi mag-aamoy kimchi ang bunganga n'ya mamaya. Bwisit talaga!" I told my reflection on the mirror while heavily brushing my teeth. Nakatatlong toothbrush ata ako bago ko tinigilan. Gigil na gigil kasi ako.

Obviously, that boy just proved how much of a kiss and tell he is so kelangan ko ring mag-ingat. I know na quick smack on the lips lang 'yung nasa revised script, but I really feel nervous about it. Baka kasi ipagkalat pa n'ya on national television what kind of a loser kisser I am. Baka sabihin n'ya bad breath ako or something. Nakakainis talaga. First kiss ko 'to! First kiss!

I reached for the new bottle of minty mouth wash as well, which I got yesterday. Nag-gargle ako mga five times. This is intense. Ewan ko na lang kung may ireklamo pa ang tukmol na 'yun sa bibig ko.

I decided to kill time by relaxing on the bath tub. Madami pa naman akong oras so I tried my best to clear my head and not think of any more negativity. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng panaginip ko nang maalimpungatan ako dahil sa sunud-sunod na doorbell. Aish! Sino naman kaya ang atat na 'yun at iniistorbo ang beauty sleep ko? Imposibleng sina Minzy at CL na naman kasi kapupunta lang nila dito kahapon. I wonder if they're still figuring out kung sino ang sinasabi nilang first love ko. Ang kukulit talaga nila. Ilang oras din nila akong ginisa kahapon about it.

Sobrang busy ni CL and Minzy is focused on training now so siguro naman wala na silang time para tutukan ang nonexistent lovelife ko. Wish ko lang talaga. But who am I kidding? Knowing the two of them, for sure kung anu-ano na ang ginagawa nila ngayon para malaman lang kung sino ang first love ko na sumopla sa broken heart ko.

Nagsuot ako ng bathrobe at sinilip muna sa security screen kung sino ang nag-doorbell.

"Aish! Bat nakatungo? Sino ba 'to? Si Cheondong ba 'to?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Saka ang alam ko nasa school si Cheondong.

Muli na namang nag-doorbell ang lalaki sa labas ng pinto na ikinagulat ko.

"Ay kapre!" Napasigaw ako nang makita ko ang mukha ni Chanyeol. Anong ginagawa n'ya dito?

I hurriedly keyed in the passcode para mabuksan ang pinto at agad naman s'yang pumasok.

"Pano ka napunta dito? Nasa Germany ka di ba?" Nagtatakang tanong ko.

Tinignan lang ako ni Chanyeol mula ulo hanggang paa. Namumula ang mga mata n'ya at parang asar na asar sa pagmumukha ko. Anyare sa kanya?Nakaramdam ako ng konting panic at mariing hinawakan ang tali ng bathrobe ko. Baka kasi hilahin n'ya bigla or something. I know. OA lang.

"Naligo ka?" Asik na tanong ni Chanyeol habang muling sinisipat ang kabuuan ko.

Tumango lang ako sa kanya, feeling slightly self-conscious. Kasi naman ang kapreng 'to kung makatingin wagas na wagas.

"San ang banyo mo, bansot?" Seryoso namang tanong n'ya.

Tahimik kong itinuro ang pintuan papasok sa banyo. I couldn't bring myself to say anything. Para kasing ticking time bomb si kapre. Parang anytime sasabog sa galit or what. Scary!

Ano kayang nangyari dun? Bakit s'ya galit? Bakit parang sobrang seryoso naman ng mukha n'ya? Bakit gusto n'yang magbanyo? Maliligo ba? Masakit ang tyan? Natatae ba s'ya? Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko. Ang gulo.

Mabilis na ibinagsak ni Chanyeol ang leather backpack na dala sa sahig at pumasok ng banyo.

Naiwan akong nakatayo at tulalang nakatingin sa pintuan ng banyo. He's really acting so weird right now. Ano kayang nangyari dun? May nangyari ba sa Germany?

I was following the hashtag #EXOinGermany on Twitter yesterday and mukhang naging successful naman ang concert. Andun din si Chanyeol and he looked so cool in all of the photos taken by the fans while he was performing with his group on stage. Iba talaga ang karisma n'ya. Nag-uumapaw. Kaya andaming nahuhumaling.

Maya-maya ay lumabas na din si Chanyeol mula sa banyo. His face looks a lot better now kumpara kanina. Mukhang naghilamos siguro ang kapre, but his eyes are still red making him look dead beat tired. Medyo nakaramdam ako ng awa. Hinahabol na kasi s'ya ng kama.

"Is everything okay? Ano bang nangyari sa 'yo? Di ba dapat nasa Germany ka pa din ngayon? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Concerned kasi ako sa kanya. I lost count how many times this guy has been with me during my most devastating lows so it's just right that I return to him the favor.

Unti-unting naglakad si Chanyeol papalapit sa akin without saying anything. Patuloy ko lang s'yang inulan ng mga tanong. Di kasi ako sanay na ganito s'ya. He's acting really different. He looks serious. So serious that he looks almost like a wolf about to devour its prey.

"Chanyeol, you can tell me anything. Alam mo naman 'yun. Kung may problema ka sabihin mo lang. Tell me. May nangyari ba sa Germany? Nasan na ang..." Natigilan ako sa bigla n'yang sinabi.

"Just shut up and kiss me."

Gotta Be You {Chandara} - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon